Chapter 14

5.1K 188 1
                                    

Lymara's POV

"Ate!baba kana at kakain na sabi ni Mama!"

Napasimangot ako nang marinig ang tawag ni Jayrane mula sa labas ng aking pintuan.

Parang hindi pa sila nasasanay na lagi naman akong hindi nila kasalo sa hapag-kainan ah!

"Mauna na kayo...mamaya na ako kakain!"

"Ate,hindi pwede..nasa baba kasi ang kaibigan mo!"

Kaibigan?

Napabalikwas ako ng bangon.

"Sino?"kinakabahan kong tanong.

"Si Vander!sino pa nga ba ang kaibigan mo Ate?"

Pagkarinig ko sa kanyang pangalan ay biglang sumabay ang di maawat-awat na kaba na nagmumula sa aking dibdib.

Shit!

Pangalan palang yun at halos hindi na ako mapakali dito.

Ano ba ang nangyayari?

Tumayo na ako at mabilis na tinungo ang CR para makapang-hilamos.

Sinuklay ko ang aking buhok at para naman hindi nya ako mapagsabihan na parang isang taon na hindi nagsuklay.

Inayos ko ang aking sarili.

Haissst!

Bakit ko ba ginagawa 'to?

Ibinato ko nalang na kahit saan yung suklay na hawak ko.

Naiinis ako!

Si Vander lang naman yun ah!pero bakit kailangan  ko pang mag-ayos?

Argh!

Ginulo ko ulit yung buhok ko bago padarag na lumabas ng kwarto.

Dumiretso ako sa dining room kasi mukhang tahimik naman ang loob ng living room namin.

Nadatnan kong masayang nagke-kwentuhan ang family members ko kasama si Vander.Habang nakapalibot sa dining table.

Ako nalang siguro ang hinihintay nila bago simulan ang pagkain.

Kasi napansin kong hindi pa naman nagagalaw ang mga pagkain na naka-arranged sa ibabaw ng mesa.

Napako ang aking paningin kay Vander.Nababakas sa kanyang mukha ang sobrang saya.

Parang hinaplos ang aking puso na nakikita syang ganito,na komportable habang kausap ang aking pamilya ay nagdudulot ng kaligayahan sa aking dibdib.

Napailing nalang ako.

Ano ba itong iniisip ko?

"Ate,maupo kana at nang makakain na tayo.."Si Lyrane ang kumuha sa aking atensyon.

Nabaling lahat sa akin ang kanilang atensyon.

Lyrane na'to pahamak talaga!

Pumwesto ako sa katapat na inuupuan ni Lyrane.

Huminga muna ako ng malalim bago pasimpleng tinapunan ng tingin si Vander.

Pero natigilan ako kasi titig na titig pala sya sa akin.

Bahagya syang ngumiti bago napailing.

"What?"

Asar kong tanong sa kanya..nakalimutan ko na nasa harapan pala kami ng aking pamilya.

"Lymara,ganyan ka ba mag-approach ng bisita mo?" Si Papa mula sa matigas na boses.

"Sorry po.."

PAG-IBIG,MAGKANO KA?Where stories live. Discover now