Chapter 2

7.4K 240 4
                                    

Mabilis na akong tumalikod para sana tumakbong papalayo..

Ano pa nga ba ang laban ng isang lihim na nagmamahal?

Walang katapusang sakit sa dibdib!

Siguro ito na nga ang tamang panahon para subukan ko ang sinasabi nilang move-on..

Kahit kelan ay hindi parin ako napapansin ni Vince..

Paano nga ba?

Kung nakalathala naman para kay Riana ang kanyang puso?

Magiging kontento nalang ako na nakikita syang masaya.

Nakayuko akong naglalakad nang may humatak sa aking kamay.

Mabilis ang kanyang hakbang..saka nya ako pinakawalan nang marating namin ang isang bench na may kalayuan na sa kinaroroonan nila Vince kanina.

"Bakit ba kasi ang tagal mo?"sumbat ni Vander sabay pasalampak ng upo sa may bench.

Umupo din ako patalikod sa kanya.

Ako na naman ang sinisisi ng mokong na'to.

Huminga muna ako ng malalim at nag-ipon ng lakas para kausapin sya.

"For your information..kabababa ko lang ng tawag mo kanina ay wala akong inaksayang oras..ni isang segundo ay wala akong pinalagpas,Vander..yung twenty-five minutes rides nga na nagmumula sa bahay namin papunta dito ay ginawa ko lang fifteen minutes...kaya hwag ako ang sisihin mo!"

Naramdaman ko ang paghinga nya ng malalim.

"Bakit ba kasi hindi mo naman ginawan agad ng paraan para hindi sila magkita?ikaw kaya ang nauna dito..."sabi ko ulit nang hindi sya umimik.

"It's too late...magkasama na sila bago ako dumating.."

Katahimikan ang muling namagitan sa amin.

"Lymara..."he broke the silence.

"What?"tamad ko namang sagot nang hindi man lang sya nililingon.

"Ano ba ang meron kay Vince na wala ako?bakit lahat kayo ay si Vince ang gusto?"

Napalunok ako..bakit sa lahat ng itanong nya ay iyon pa ang naisipan nyang itanong sa akin?

Hindi ko alam kung paano sya sasagutin..madami kasi eh!

"Kung tutuusin mas lamang pa naman ako sa kanya,diba?"

Haha..gusto kong matawa eh,nagsisimula na naman sya sa pagku-kumpara nya sa sarili at kay Vince.

"Marunong akong magluto..si Vince,hindi.Ikaw Lymara?marunong ka bang magluto?"hindi ko alam kung bakit bigla nalang napunta sa akin ang pagtatanong nya.

"Hindi..."honest ko namang sagot.

"Tsk!kababaeng tao hindi marunong magluto...hindi kayo bagay ni Vince dahil baka mamamatay lang kayo sa gutom.."palatak nya na sya namang tumatak sa aking utak.

"Kaya siguro si Riana ang gusto nya,dahil siguradong maalagaan sya ng husto.."Out of the blue iyon nalang ang nasabi ko na syang ikinatahimik ni Vander.

Dahil magkatalikuran kami,naramdaman kong bahagya nyang isinandal ang kanyang ulo sa likod ng aking ulo.

Hinayaan ko nalang sya,siguro komportable sya sa ganoong ayos.Hindi biro ang nararamdaman naming sakit sa aming puso ngayon.

Lagi nalang kaming ganito..

Naging stalker nung dalawa pero lagi naman kami ang nabibigo sa mga plano na gusto naming gawin.

At ganito nga...

We end up together like this..

Kaya siguro,naging malapit na kami sa isat-isa dahil palaging kaming dalawa ang magkaramay pagdating sa ganitong problema.

"Naaprobahan na ang annulment paper nila Mama at Papa.."pag-iiba ni Vander sa usapan na syang ikinagulat ko.

"What?"Nagulat talaga ako sa narinig.

"Narinig ko silang nag-uusap noong isang araw.Si Vince ang pinili ni Mama...at ako ang maiiwan kay Papa."

Napapikit ako...ibig sabihin nun,maging malayo na sa akin si Vince.

Pero mayroon din akong ikinalungkot bukod pa doon.

Nalulungkot ako para kay Vander..alam kong mas malapit sya sa kanyang Mama.

At ngayon na nalaman nya na si Vince ang pinili ng kanyang Mama...parang nararamdaman ko kung gaano kabigat ang dinadala nya sa kanyang dibdib.

Kailangan ni Vander ang atensyon...iyon ang kanyang kahinaan.

Argh!bakit ko ba alam?

Hindi naman sa hindi mabait si Tito sa kanya...pero kasi,mas inuuna ng kanyang Papa ang business kaysa sa sarili nyang anak.

Haissst...bakit nga ba ang dami kong alam?

Kasi...mula pagkabata ay magkasama na kami,malapit lang kasi ang bahay namin mula sa kanilang mansyon.

Mansyon?yes...ganoon sila kayaman.

Ang problema nga lang,sobrang lungkot din dahil tuluyan na palang magkahiwalay ang kanyang mga magulang.

Thankful parin ako..kasi,mahirap man kami atleast kompleto naman ang pamilya.

Nandyan si Papa..si Mama..at dalawa kong kapatid.

Iyon ang hinahanap ni Vander..ang kalinga ng isang pamilya...

Na syang mayroon ako pero sya namang binabalewala ko..

Argh!I'm a bad daughter..huhu.

Minsan lang akong nakikisabay kumain sa kanila.

Minsan lang akong nakikipag-usap.

Mas nanaisin kong magkulong sa loob ng aking kwarto kaysa makipag-kulitan sa kanila sa loob ng living room.

Haissst..Vander na'to..pinaalala lang nya sa akin ang mga kamalian ko..huhu.

Para mawala ang kalungkutan ay agad akong nakaisip ng paraan.

"Get up dude!"Sabay tapik ko sa kanyang balikat.

"Saan?"Nilingon nya ako.

"Don't ruin the moment...kaysa magmumukmok tayo dito sa ibabaw ng bench i-enjoy nalang natin...tutal nandito naman tayo sa amusement park!halika bili na tayo ng ticket..treat ko.."masaya kong paanyaya.

"Bakit,may pera ka?"kunot-noo nyang tanong.

"Whoa!Vander..ang sakit nun ha?hindi porket jobless ako ay hindi na magkakaroon ng pera!nanalo ako sa car racing,five days ago kaya syempre nagkapera ako ngayon.."napakagat ako sa aking labi.

"What?"halatang nagulat sya sa narinig.

Nanlalaki ang aking mga mata..huli ko ng narealize yung sinabi ko.

"Ah...Vander,hwag na hwag mong sasabihin sa parents ko ha?hindi kasi nila alam eh.."napakamot ako sa aking ulo.

"Pambihira ka!"singhal nya bago tumayo.

"Isama mo ako minsan...mukhang enjoy yata yang pinasukan mo..."

Napakurap-kurap pa ako habang nakatitig sa kanya. Totoo ba yung narinig ko?

"Seryoso?"Halos mapalundag ako sa sobrang saya.

Masaya,kasi syempre maging sekreto talaga ito kapag makakasama ko sya!

Akalain nyo iyon?Akala ko pa naman sesermunan nya ako.

Yes!

At may kakampi na ako ngayon.

☆☆☆

PAG-IBIG,MAGKANO KA?Where stories live. Discover now