Chapter 3

3.7K 80 3
                                    

kusot-mata akong lumabas ng kwarto ko, tinanggal ko ang mutang balakid sa pagdilat ko, hayy nakatulog naman ako ng maayos.

paglabas ko, saktong lumabas din si Troy ng kwarto niya

"Goodmorning" bati ko

"Salamat nga pala sa pagkain kagabi"

"Ah yun ba, Dapat kasi ipapakain ko sa aso namin yun eh naisip kong kamukha mo naman yung aso kaya sayo ko na lang binigay" sabi nito at tawang tawa habang bumababa sa hagdanan

Kalma lang Vera, nasa pamamahay ka ng gagong yan at teka sa pagkakaalam ko wala naman silang aso ah! tsk. bumaba na din ako nakita ko si Evan at Troy sa hapagkainan at masayang nagkukulitan. umupo na ako sa kaharap na upuan ni Troy

"Goodmorning. Nasan si Tita?"

"Maka-tita, pamangkin ka ba?" Evan

napatingin ako sa batang yun. Napatawa si Troy sa pambabarang ginawa saakin ng kapatid niya. Nakipag-apir pa nga ito pakiramdam ko nanliit ako sa kinauupuan ko

"Tsaka, bakit ka ba nandito? Girlfriend ka ba ni Kuya?"

"Panibagong Gold Digger." dagdag pa nito. seriously sa ganyang edad alam nya na ang mga ganung salita?

"Evan..." Troy

"Hindi Orphanage ang bahay namin"

"Evan Enough" Mariin na sabi ni Troy

ibinaba ko ang kubyertos atsaka tumayo. pumunta ako sa kwarto ko at nag-impake na ulit ng damit na kakaayos ko lang kagabi

tama naman si Evan eh. Sino nga ba naman ako para bigla na lang sumulpot at nakituloy dito. Aalis na lang ako hayy Vera

Inaayos ko ang mga damit ko nang bumukas ang pinto

"Anong ginagawa mo?" Troy

hindi ko siya pinansin.

"Vera..."

"Ano?"

"ano ngang ginagawa mo?"

"Tumatae ako! Kita mo naman diba? Nag-iimpake ako" Sabi ko at umirap. halata naman kasi kung anong ginagawa ko itatanong pa

"Hindi ka pwedeng umalis"

"At bakit naman?" Zinipper ko ang maleta at tumingin sakanya

"dahil hinabilin ka sakin ng kuya mo"

"Ako ang bahala sakanya. tabi riyan" bagkos na tumabi lalo syang humarang sa daraanan ko

"Hindi ka aalis." sabi nya with matching titig sa mata ko

"Bakit ba?"

"Hindi ito hotel na dadating at aalis ka kung kelan mo gusto."

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now