Chapter 9

2.4K 65 0
                                    


Tumagal ng 3 seconds yun at nang maghiwalay kami walang kahit anong ingay ang naririnig sa paligid kundi ang malakas na pagpatak ng ulan




Yeah. Tama kayo. iyon ang first kiss ko



pinulot ko ang cellphone ko tumikhim naman si Troy tsaka napakamot sa batok



ang totoo, nanlalambot ang mga tuhod ko pero ayokong ipahalata na affected ako noh! tch. pero bakit ganun ang--



"Fvck." sabi ni Troy at nagkukumahog sa paghahanap ng kung ano




"Anong hinahanap mo?"



"Susi ng kotse! Kailangan kong sunduin si Evan"




nang makuha nya yon agad syang tumakbo palabas ng bahay at sumakay sa kotse



"Mag-iingat ka!" iyon na lang ang naisigaw ko hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. sana ayos lang si Evan




hinanap ko ang emergency light


tsaka mga kandila



hanggang sa maya-maya nakarinig na ako ng busina ng sasakyan kaya dali-dali akong nagpunta sa gate para pagbuksan sila



nabasa na din ako ng ulan kahit may dala akong payong




Bumaba si Evan ng kotse na umiiyak at balisang-balisa



agad ko naman siyang niyakap at nilapitan



"Evan anong nangyari sayo? ayos ka lang ba?"




biglang kumulog ng malakas at kumidlat




"WAAAAAHHH MAMA!!!" hiyaw ni Evan habang umiiyak



"Vera ipasok mo si Evan sa loob!" Troy, habang pinaparada ang sasakyan



binuhat ko naman si Evan at pumasok na nga kami




agad ko siyang binalutan ng tuwalya at niyakap dahil umiiyak padin sya at nanginginig




"Evan shhh.. nandito na ko, tahan na. ayos na okay?" sabi ko pero talagang umiiyak sya habang nakalagay ang mga kamay nya sa kanyang tenga



pumasok na din si Troy na medyo nabasa na din ng ulan




"Iaakyat ko muna sya sa taas" sabi nito at binuhat si Evan



"Ayos lang bang dalhin ko tong ilaw?" tumango ako at kinuha na nga nya ang emergency light. binuksan ko ulit ang flashlight ng cellphone ko



nagpunta ako sa kusina para magluto




Hindi manlang ako nainform ni Kuya Kim sa ganitong weather. maaraw naman kaninang umaga ah




Nahirapan akong magluto kaya naman nagkandapaso-paso ako kanina



nagprito na lang ako ng manok kahit di ako sure kung naluto ba talaga sya. Ang hirap naman magluto sa dilim

My Brother's Bestfriendحيث تعيش القصص. اكتشف الآن