Chapter 13

1.8K 49 0
                                    

"So? kamusta ka naman?" 

"Ayos lang ako Kuya. Mababait naman sila Troy at Tita eh, uhm.."

hinigop nya ang kape nya tsaka muling tumingin saakin

"May problema ba?"

"Tungkol sa school..."

biglang nag-iba ang timpla ni Kuya Harry

"May nanakit ba sayo?"

"W-wala naman. Para lang kasing nakakatakot doon, ang laki laki tapos ang misteryoso ng mga nag-aaral"

"Troy is there for you. wala kang dapat na ikatakot"

"Pero ang sabi nya hindi nya alam kung hanggang saan nya ako kayang protektahan"

hindi sya nagsalita at parang maraming iniisip

"Ano ba talagang meron? May hindi ba ako alam?"

tumingin sya saakin ng matagal. Alam kong alam nya, Alam kong alam ni Kuya.

ginulo nya ang buhok ko at sinabing

"Ingatan mo na lang ang sarili mo. at siguraduhin mong wala kang makakaaway okay?"

Sasagot pa sana ako nang biglang may humila saakin patayo

anong ginagawa nito dito?

"Troy?"

"We're going home." diretsong sabi nito kay Kuya.

tuming sya saaming dalawa at kalmadong tumango

Aalis na sana kami pero muli nya kaming tinawag at tumingin sa kamay naming magkahawak

"Kapatid ko yan Troy. Kapatid ko yan."

ngumisi si Troy kay Kuya atsaka umakbay saakin

"i know." at tuluyan na nga kaming umalis

habang nasa loob ng kotse hinampas ko si Troy. yung malakas. epal na to

"Aray! bakit ka nananakit?"

"NGAYON LANG KAMI NAGKASAMA ULIT NI KUYA TAPOS EEPAL KA?"

sumimangot sya saakin

"Ano naman?"

"anong ano naman?" nakakainis talaga tong lalaking to.

binuksan nya ang pintuan ng kotse sa tabi ko

"Oh edi bumalik ka dun. ikaw na nga tong sinusundo galit ka pa. sige na, ano pang tinitingin tingin mo? Labas na"

sinamaan ko siya ng tingin at hindi naman sya nagpatalo at matalim din akong tinignan

sinarado ko ang pintuan ng kotse

"Hihigit higitin mo ko tas pababalikin mo ko sa loob. tanga ka ba?"

"Eh diba yun ang gusto mo?"

"duh? kung hindi mo ko hinigit eh di sana--"

"Shut up." mariin na sabi nya tsaka inistart na ang makina

seryoso na sya kaya hindi na ako umimik. naiinis pa din ako

tahimik lang kami habang nabyahe, hindi ko din maiwasan na mapatingin sakanya at sa isang iglap ay may naalala ako

"Troy, sino si M sa status mo nung February 12, 2014?"

"ANAK NG--!! MAGPAPAKAMATAY KA BA?! WAG MO KONG DINADAMAY!" sigaw ko.

bigla ba namang ipreno sa gitna eh nasa highway kami

may sira na talaga tuktok neto

"I told you to shut up right?"

tignan mo to, napakamoody talaga. May times na ang pilyo may times na masungit

"You didn't answer my question Mister."

galit nya akong tinignan.

"Stop talking Vera!"

at pinaandar nya na ulit ang sasakyan

"Bakit naman? Ex mo ba yun? Hindi ka makamove-on?"

For the second time. pabalang nyang pinreno ang sasakyan

nasa gilid naman na kami ng isang puno at isang poste

"Get out."

napanganga ako sa narinig

"Excuse me?"

"I said get out Vera."

"Ano? iiwan mo ko sa ganitong lugar?"

lumabas sya ng sasakyan at umikot papunta sa pintuan na nasa gilid ko

binuksan nya yun at hinigit ako palabas

pagkatapos ay mabilis siyang pumasok ulit sa loob ng sasakyan at pinaharurot ito palayo

"HOY! TROYYYY WAG MO KONG IWAN DITOO!"

pero huli na. Nakalayo na ang kotse

napatingin ako sa paligid at napahawak sa magkabilang braso ko nang makaramdam ako ng lamig

"Bwisit na lalaki yun. napakasama ng ugali" napabulong na lang ako. kahit ang totoo ay natatakot ako

bukod sa madilim at mapuno nasa dulo ako ng highway kaya wala masyadong tao

Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa at wala doon. sht naiwan ko pa yata

naglakad na lang ako ng naglakad

hanggang sa may madaanan akong bahay na may nag-iinumang lasing na yata lahat.

Tahimik akong dumaan nang biglang sumipol ang isa sakanila

doon ko lang namalayan na nakaharang na ang isang lalaki sa harapan ko

napaatras ako ngunit tumama ang likod ko sa dibdib ng isa pang lalaki na nasa aking likuran

mapupula ang mga mata nila, amoy sigarilyo at amoy alak

"K-kailangan ko na pong umalis"

"Bakit naman? Dito ka muna"

nagsitayuan ang balahibo ko ng ilapit nito ang katawan nya saakin

Jusko Lord. nanginginig na ang mga tuhod ko sa takot

"Kaya nga Miss. Hindi ka magsisi samin"

at tumawa silang apat.

"Mga mukhang Ulikba pwe" bulong ko

biglang hinigit ng isang lalaki ang buhok ko

ang sakit!! yung anit ko ho!

"May sinasabi ka ba?"

"Meron. Arayy!"

mas lalo nyang hinigit ang buhok ko.

"Hoy kuya! Effort na effort ako sa pagcoconditioner nyan tapos hinihigit higit mo lang!"

"Aba't ang tapang mo ah!" sabi nung isa

hinawakan nyang maigi ang braso ko atsaka ngumising aso

"Manahimik ka na lang. mageenjoy ka din naman dito"

aniya at inilapit ang mukha nya sa leeg ko na akmang hahalikan ito

nakaramdam din ako ng mga kamay sa binti ko paakyat sa hita ko

napapikit ako ng mariin nang maramdaman ang panghihina. Nagsimula ng lumuha ang mga mata ko

Hindi ko alam kung sinong tatawagin ko at kung may dadating ba

Isa lang ang nasa isip ko...

Si Troy... Pag lang talaga ako namatay ngayon isusunod ko sya

My Brother's BestfriendOnde histórias criam vida. Descubra agora