Chapter 19

1.6K 46 0
                                    



"Troy?! Troy?!"


Sabi ko with matching lingon lingon sa paligid, nagbabakasakaling makita ko  sya


"Troy?!--- Anak ng tokwa!" Sigaw ko nang may humigit saakin papunta sa damuhan at pinaupo ako habang inilagay nya ang hintuturo nya sa labi ko

madilim kaya hindi ko makita ang mukha nya pero dahil sa pamilyar na pabango ay nakilala ko sya


"Troy!!" Masayang sabi ko

"tsk. Ano bang ginagawa mo dito? I thought you  went home"


"Eh kasi naman, umuwi ka na. Gabi na oh san ka ba nagpapalipas ng gabi? Ihahatid na kita." sabi ko

nagtataka lang siyang tumigin sakin tapos bigla na lang syang natawa. duh? Anong nakakatawa sa sinabi ko?


"Ako dapat ang nagsasabi nyan sayo. halika na ihahatid na kita"


sabi nya tapos hinawakan nya ang braso ko pero inalis ko yun


"Ayoko."


"Why so stubborn Vera? I'll walk you home"


"Sinabi ng ayoko eh!" Sabi ko at tumingin ng masama sakanya


"What the hell is your problem?"

"Umuwi ka na kasi!"


"I will. pero hindi pa ngayon" sabi nya at iniwas ang tingin nya. ano naman bang kaartehan to


"Bakit ba ayaw mong umuwi?"


ibinalik nya ang tingin saakin at seryoso akong tinignan


"Do you think i can live with you after i confessed? All i have right now is a bruised ego Vera you fucking rejected me. You fucking did."

napanganga ako sa sinabi nya at napansin kong namumula na ang kanyang mukha

ilang segundo bago ko isinarado ang bibig ko atsaka tumawa ng awkward


"Ganyan talaga kalakas tama mo sakin? ha ha"

tumingin sya saakin


"Yes. Crazy right? Now, go home."


sabi nito at hinila ako patayo tapos tinulak tulak ako. hindi naman ganun kalakas pero sapat na para gumalaw ako sa kinatatayuan ko


inis akong humarap sakanya kaya napatigil sya.


Mga ilang seconds lang tapos may nabuong ngisi sa labi nya


"Alam mo konti na lang iisipin kong may gusto ka din saakin eh. Hindi mo ko maiwan-iwan"


Wow!


"Saan ka kumukuha ng confidence na sabihin saakin yan Hernandez?"


lumapit sya saakin at ikinawit nya sa tenga ko ang ilang hibla ng aking buhok. bakla to oh pinapakialaman pa buhok ko


"I like it when my last name comes out from your lips. I wish you can say Hernandez as your last name too."


naramdaman ko ang pag-init ng mga pisngi ko



"Hahaha ang cute mo talaga" Hagalpak nito na lalong ikinapula ng pisngi ko

bahagya akong tumalikod para itago ang aking mukha


"Hahahaha oh bakit nakatalikod ka na saakin? Uuwi ka na ba? Hahaha" Tawa pa nya

kainis. hindi pa din sya nagbabago eh. ang lakas pa ding mang-asar


"Sige na. Lakad na, goodnight Vera."

lumingon ulit ako sakanya at laking gulat ko na merong limang lalaki sa harapan niya. That fast?!


Lumapit sya saakin at hinawakan ako sa balikat


"Go home."


umiling ako at kumapit sa laylayan ng damit nya. I don't want to live him.


"Damn, Wag ka ng makulit"


"Ayoko nga sabi eh! Ikaw ang makulit dyan!" sabi ko


"alam mo wala ka ng sinunod sa sinabi ko. kaya ka napapahamak eh!"


"Eh diba kasama nga kita? Mapapahamak ba ako pag ikaw ang kasama ko hindi naman diba?"


natigilan sya bigla

"Not all the time Vera. I told you right? Hindi ko alam kung hanggang saan kita mapoprotektahan" 


"Woah. Love Quarrel?" natatawang sabi nung isang lalaki

sabay namin syang galit na nilingon ni Troy at sabay sabing...


"Shut up!" pakialamerong to



"No time for stupid shits Troy. Nandito kami para singilin ka." sabi nung isang lalaki


"Oh tignan mo yan! May utang ka pala sa mga yan hindi mo pa nababayaran? Halika na. uwi na tayo kuha tayong pera para may pambayad ka na sakanila"


Agad na naghagalpakan ang mga pangit na lalaki


"Duh anong nakakatawa?" masungit na sabi ko


bago pa ako makasagot ulit sakanila ay hinila ako ni Troy papunta ulit sa damuhan na pinanggalingan namin kanina


"Stay here." tipid na sabi nya. tumango naman ako


"And Close your eyes Vera."


nagtataka ko siyang tinignan pero umalis na sya at bumalik sa mga lalaking yun hindi naman ako ganun kalayo sakanila kaya naririnig ko pa din ang pinag-uusapan nila


"You got a new girl?" sabi nung isa


"Wala ka na don" wika naman ni Troy habang kalmadong nakapamulsa


"Haha Hindi mo pa din ba naiintindihan? being a gang leader is a both blessing and a curse right? sa tingin mo ba maliligtas mo ang mga taong mahal mo kapag kasama mo sila?" sabi nung isa at tumawa


"Why don't you check your own love ones if they are alright?" nakangising sabi ni Troy

biglang nabalot ng pangamba ang lalaking kausap

"A-anong ibig mong sabihin?"


kibit balikat si Troy at sinabing

"Call them." utos nito, kumahog naman sa pagkuha ng cellphone ang lalaki


"R-riza? sht! anong ginawa mo sa girlfriend ko?..... damn you Macky! Papatayin ko tong leader nyo! Hello? Hello?!"

galit na ibinato ng lalaki ang kanyang telepono

At ganun nga ang ginawa ng tatlo pa. halatang parehas lang din ang nangyari sakanila



"Haha buti na lang single ako" sabi nung isa


"I know you are, but because you don't have a girlfriend.  I get your beloved little sister" Tila nang-aasar na wika ni Troy


"Fuck you!"


sinugod siya nito pero sinikmuraan lang ni Troy ito at itinulak dahilan para mapaupo ang lalaki. Malakas nya din itong sinuntok sa panga bago humarap sa iba pang lalaki


"You all should know that I'm Troy Hernandez and before you can hurt me, I already hurt you, and you don't even know"

aniya at inayos ang nagusot na t-shirt


"Subukan mo lang may gawin sakanila Troy! Mapapatay talaga kita!"


"Pag pinatay mo ako. papatayin din sila"
nang-aasar pa din ang tono niya


nakita kong naglabas ng balisong ang isang lalaki at sabay-sabay na sumugod ang apat pa sakanya


Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman habang pinapanood si Troy na makipaglaban


Sinuntok nya ang isang lalaki at sinipa ito, Yung isa naman inumpog nya ang ulo sa isa pang lalaki at sabay silang sinikmuraan

iniiwasan ni Troy ang lalaking may hawak ng balisong


Hanggang sa naglapit na silang dalawa at halata ko sa mga mukha nilang may nasaksak na sakanilang dalawa pero hindi ko malaman kung sino

Nakita ko na lang na parang ibinaon pa lalo ni Troy ang balisong sa tagiliran nung lalaki at tuluyan na itong bumagsak. napairit pa ako ng bumagsak ito malapit saakin

kitang-kita ko ang pagdanak ng dugo ng lalaki sa harapan ko


Napatingin ako kay Troy nang nakatingin sya sa direksyon ko at nanghihinang nabitawan ang balisong


napaupo na lamang sya kaya dahan-dahan akong lumapit sakanya. inilibot ko ang tingin sa iba pang mga lalaking nakabulagta sa sahig


"T-Troy." wika ko at naupo na rin sa harapan nya. Hindi ako kailanman naging iyakin pero pakiramdam ko ay gusto kong umiyak. I don't want to see him like this


"I told you to close your eyes. Ang kulit mo talaga" hindi ako sumagot at nakatingin lang sakanya


He killed someone, infront of me.

ayaw magsink in sa utak ko ang bagay na yun pero tapos na. patay na ang lalaki


nanginginig kong hinawakan ang balikat ni Troy

napayuko sya at frustrated na napasabunot sa sarili


"Do you hate me now Vera?"dama ko sa boses nya ang panginginig at lungkot

hindi ko alam kung anong isasagot ko dahil hindi ko alam kung ano bang dapat isagot


Do i hate him?


ilang segundo ko siyang tinignan, lumunok ako at tumingin sa mata nya


"I... don't know, Maybe no Maybe... yes." wika ko at iniwas ang tingin


He smiled. A sad one


"I see." tipid na sabi nito atsaka pumikit at lumunok


"Iwan mo na ko dito. Umuwi ka na"



parang biglang may bumigat sa dibdib ko


"Umalis na tayo, baka may makakita saatin dito" sabi ko at hinawakan sya
sa braso pero inalis nya yun


"No, I'm fine. You can leave"


pakiramdam ko ay maiiyak na talaga ako dahil pinapaalis nya ako

dahan-dahan siyang tumayo at nakita kong nakahawak sya sa may tagiliran nya


diretso syang tumingin saakin at bumuntong hininga


"This is me Vera. I cannot make you understand and I cannot make you like me. Hindi kita pipilitin"


"I didn't know it would be like this. I didn't know..." aniya at tumalikod na saakin


lumunok ako nang parang may bara na sa lalamunan ko, he sounds so hurt and disappointed at the same time


Tumalikod na din ako kay Troy at maglalakad na sana pero lumingon ako para tignan sya ulit and i saw he's already lying on the ground


mabilis akong tumakbo ako pabalik sakanya


"Troy? Troy?" sabi ko at tinapik tapik sya


naramdaman kong may likido na nasa may tuhod ko and there i saw blood. His blood. Nasaksak sya

Namumutla ang mukha nya at nakapikit na sya

"Troy!!!"

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now