Chapter 35

2.1K 41 0
                                    


"The night is still young Hernandez! I want to see more blood!"

Umalingawngaw sa warehouse ang sigaw ni Lucas


"Nandito lang siya." nanggagalaiti na sabi ni Macky

naghiwa-hiwalay silang tatlo para hanapin si Lucas


pero hindi ito nakita ni Troy, ilang minuto nyang inikot ang warehouse pero wala siyang nakitang anino ni Lucas

Nang balikan nya ang lugar kung saan sila nag-usap usap nakita nyang nakagapos na sa upuan sila Macky at Carl

mga walang malay ang mga ito at bugbog sarado


no choice, kailangan na nyang kumilos mag-isa.

kakalagan nya sana ang mga ito pero may naramdaman siyang kung anong sumakit sa tagiliran niya na pumapasok sa kalooban ng laman nya


and before he realized it it was a bullet. he was shot


nilingon nya ang gumawa nun at sangkaterbang lalaki ang humarap sakanya


'Ilan ba sila? Tangina daming recruit mga bulok naman'


mag-isa niyang sinugod ang mga ito pero dahil sa tama ng bala nahirapan siyang kumilos at sinamantala yun ng isang lalaki at hinampas siya ng dos por dos sa likod


Napayuko siya saglit pero hindi nya tinigilan ang pagsuntok, hanggang sa makaramdam naman siya ng baseball bat na hinampas sa ulo nya


napahawak siya doon at dumudugo ito. oras na tigilan nya ang paglaban, mamamatay na sya.

Madami man siyang napabagsak, may iba pa ding tumatayo ulit at nakakaiwas sa atake nya


Sinubukan nyang ilabas ang baril nya pero tumalsik iyon nang sipain ito ng isang lalaki


nakailang hampas na sakanya ang mga lalaking yun hanggang sa tuluyan na siyang mapaluhod


"Katapusan mo na Troy" sabi nito at akmang hahampasin siya muli sa ulo pero bigla itong bumagsak


Sunod-sunod na putok ng baril ang narinig nya at nagbagsakan na ang mga kalaban nya


inangat niya ang tingin nya


"Diego?"


he offer his hands at itinayo si Troy

"Anong ginagawa mo dito?"


"I'm helping. stupid" sabi ni Diego at kumuha ng tela at itinali sa nagdudugong tama ni Troy

Muling bumukas ang pinto at may mga bagong dating na lalaki nanaman doon


"Kingina. ang dami naman yata nila" sabi ni Troy


"Lahat sila gusto kang palitan sa pwesto" Diego


napailing na lang si Troy at nakipagsabayan kay Diego sa pakikipaglaban, hindi nya naimagine na ang bestfriend nya ay makakasama nya ulit sa pakikipaglaban. hindi bilang kaaway pero bilang kakampi


hindi natapos doon ang laban nila dahil may dumating pang ibang mga lalaki na galing sa underground society

At sa sobrang dami nila imposibleng mapabagsak silang dalawa ni Diego at Troy kaya naman binato ni Diego ang cellphone nya kay Troy

"Diego naman, hindi ito ang tamang oras para magselfie"


"ungas! tawagan mo si Harry!"


"Hindi pwede. sinong magbabantay kay Vera?"


"Dude! nandito na lahat ng mga kalaban mo wala ng mananakit kay Vera!"


nasuntok ito ng isang lalaki at bumagsak si Diego sa sahig, Mabilis na dinial ni Troy ang numer ni Harry

**

Samantala, habang nanonood ng tv si Harry at Vera


natanggap ni Harry ang tawag, kaya lumabas ito ng bahay para sagutin ito. Nang marinig ang tulong ng kaibigan ay agad itong nagpaalam kay Vera at umalis ng bahay para puntahan ang nasabing warehouse


pero hindi alam ni Harry na narinig ni Vera ang usapan nila sa telepono kaya agad na nagpara ng taxi si Vera at sinundan ang kapatid


**


"Oh pre! Mamamatay na kami buti dumating ka pa!" ani ni Troy at sinuntok sa mukha ang hawak na lalaki bago tumingin kay Harry


"Ay ganun ba, sige uwi na ko ulit"


"Hayop ka Harry. Tulungan mo kami dito" sabi naman ni Diego na nahihirapan ng pabagsakin ang matabang kalaban nya


tinulungan na nga ni Harry ang dalawang kaibigan

may ibang napaatras nang makitang muling nagsama-sama ang tatlo sa pakikipaglaban. taon na kasi ang binilang simula ng magkasama-sama sila at nung magkakagrupo pa ang mga ito, they ruled the gangster society noon kaya hindi maiwasan ng iba ang ma-intimidate at mapaatras. The kings are back.


napatigil lang silang tatlo sa pakikipagbugbugan nang makarinig sila ng pamilyar na sigaw


"TULUNGAN NYO KO!"


nagkatinginan silang tatlo

at sabay sabay na  napasigaw

"Vera!"

tinignan nila ang second floor at doon nanggaling ang sigaw


"Troy, Iligtas mo ang kapatid ko." Harry

"pero paano kayo?"


"MGA PRE!! SORRY NA-LATE KAMI SA ACTION SCENE!"

tumingin sila sa pintuan at nandoon si Louie, Ronaldo at Van


"T-teka, hindi ba sumabog yung sasakyan nyo?" hindi makapaniwalang saad ni Troy. Hindi naman nila siguro kaluluwa ang mga ito.


"nakalimutan mo na ba bossing, masamang damo kami, at ang masamang damo--"


"Aba'y kingina! baka gusto nyo akong tulungan" sabi ni Diego at inilagan ang suntok ng kalaban nya


tinanguan ni Harry si Troy na nagsasabing 'kaya na namin to'


mabilis na nagtungo si Troy sa second floor

binuksan nya ang kauna-unahang pintong nakita nya


and there he saw Megan


"Nasaan si Vera?"


"Bakit naghahanap ka pa ng iba eh nandito naman ako sa harap mo?"


"Wag mong sayangin ang oras ko Megan"


lumapit si Megan at hinaplos ang mukha ni Troy atsaka hinalikan ito

tinulak siya ng malakas ni Troy

"Bullshit Megan! Why so fucking desparate?!"

lumuha si Megan at inilabas ang nakatagong baril sa likod nya

"If i can't have you, no one else will."

"Love is not selfish Megan." aniya atsaka inikot sa likod ang braso ni Megan dahilan para mabitawan nito ang baril niya atsaka itinali sya sa upuan at nilagyan ng packaging tape ang bibig. pagkatapos ay umakyat na si Troy sa rooftop


nakita nya si Vera na nasa dulo ng rooftop, konting galaw lang nito ay siguradong hulog siya

nasa tabi ni Vera si Lucas

nakatutok ang baril ni Lucas sa sentido ni Vera halos manlambot si Troy nang makita na may nakatutok na baril sa babaeng mahal nya


"Let her go Lucas," nakikiusap na sabi ni Troy


"Hahaha  Tignan mo na lang ulit kung paano ka mawawalan ng minamahal right infront of your eyes."


"Ako nga ang pumasok sa bahay nyo, I had the chance to kill her pero hindi ko ginawa kasi gusto kong makita mo siyang mamatay sa harapan mo at kasalanan mo lahat yun"


humalakhak si Lucas at lalo pang diniin ang baril sa sentido ni Vera.

Nakapikit ng mariin si Vera. Katapusan na niya.


pero dahil sa ubos na pasensya ni Troy naunahan niyang kumalabit ng gatilyo si Lucas at binaril ito sa tuhod. galit na lumakad siya palapit at binaril ulit si Lucas sa kabilang tuhod

"Maling-mali na sinaktan mo si Vera, Lucas" matigas niyang sinabi nang makalapit siya ng tuluyan agad nyang inilayo si Vera sa dulo ng rooftop.

inalis niya ang nakatakip sa bibig nito atsaka kinalagan

nagyakap silang dalawa at mabilis na hinalikan ni Troy si Vera

dumating na din ang mga kaibigan ni Troy kasama sila Macky at Carl na gising na


nilapitan nilang lahat si Lucas na nakaluhod dahil sa tama ng bala sa magkabilang tuhod


"You messed up with the wrong team, Piamonte" Diego

"am i?" sabi nito habang natatawa, inabot nya ang nalaglag nyang baril at walang alinlangan na babarilin sana si Vera pero humarang si Troy.


"TROY!" sabay-sabay na sigaw nila


hindi nag-aksaya ng panahon si Lucas at binaril din nya si Diego at Harry

"Shit!" bulalas nila Macky at sinipa nila ng malakas si Lucas at sinuntok ito dahilan ng pagkawala nito ng malay


Sabay-sabay na bumagsak ang katawan ni Troy, Diego at Harry.


Kasabay ng pagbagsak ng katawan nilang tatlo ang pagguho ng mundo ni Vera


What will she lose now? Her friend, Her lover or her brother?

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now