Chapter 22

1.6K 44 0
                                    




"Paabot ng tubig"


"Oh."


"Pakilaksan na din pala ng aircon" kinuha ko ang remote ng aircon at nilaksan ko

taas kilay akong tumingin kay Troy na nakahiga sa kama nya habang kumakain ng popcorn at nanonood ng Divergent


"Meron pa ba?" tanong ko


tumango sya. seriously? kanina nya pa ako inuutusan

tinapik nya ang tabi nya at tumingin saakin


"tabi ka sakin"


"pero may homeworks ako Troy,"


linggo na kasi ngayon, lunes nanaman bukas at wala pa akong nasisimulan sa mga assignment ko dahil simula ng dumating dito sa bahay si Troy, nagrequest agad sya na ako ang gusto nyang mag-alaga sakanya kesa ang mama nya


ibang klase. Ako nga, ni minsan hindi ako naalagaan ng nanay ko eh


"Ayaw mo talaga?"

tila nagpapaawa nyang tanong. Hindi ako sumagot.

"Okay." tipid na sabi nito na parang nagtatampo


Lumapit ako sakanya at kinuha ang kinakain nyang popcorn


"What the hell?" angal nya

"Tama na ang popcorn. Eto ang kainin mo" sabi ko at inabot sakanya ang ginawa kong lugaw


"Vera, Nasaksak ako pero hindi ako nilalagnat." sabi nya at kinuha ulit sa kamay ko ang popcorn


"Ano bang gusto mong kainin?" tanong ko

"Ikaw." nanlaki ang mata ko siyang tinignan


"What the??" matatadyakan ko talaga tong lalaking to eh!


"Ikaw, ang pag-ibig na binigay saakin ng maykapal" Kanta nya with matching hand gestures pa


Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis


"Biyaya ka sa buhay ko, ligaya't pag-ibig ko'y ikaw" Kanta nya pa at kinuha ang kamay ko at hinalikan ito


hindi ko maalis ang ngiti sa labi nang gawin nya yun


"Always smile, bagay sayo" sabi nya at pinatay ang tv at umayos na ng higa sa kama nya


"Matutulog lang muna ako hindi naman ako nagugutom eh. Tapusin mo na lang homeworks mo" sabi nya at pumikit na


Medyo may bakas ng tampo ang pagkakasabi nya pero ginulo ko na lang ang buhok nya kung kaya't napamulat sya ulit


"Pupuntahan agad kita dito pagkatapos ko."


tumango sya pero bago pa ako makaalis ay kinuha nya ulit ang kamay ko


"Pwedeng dito mo na gawin ang homeworks mo?"


"huh?"


"Dito na lang sige na"


bumuntong hininga ako,


"Okay."


kaya ayun nga, dito ko na ginawa ang homework ko habang natutulog si Troy


napapalingat na lang ako sakanya kapag gumagalaw sya baka kasi mali ang pwesto nya at bumuka pa ang tahi ng saksak nya


malapit na akong matapos sa ginagawa ko nang narinig kong parang may bumabato sa bintana ni Troy, makapal naman yun kaya hindi naman nabasag


Binuksan ko ito at sinilip ang nasa labas


Wala namang tao ah. Hindi kaya imagination ko lang-- aray!


napahawak ako sa ilong ko nang iyon naman ang mabato ng maliit na bato

mabilis na inilibot ko ang mata ko and there i saw a man na nagtatago sa isang halaman, nagtama ang tingin naming dalawa


Hindi ako pwedeng magkamali....


Lucas...



naramdaman ko na lang na nakatayo na si Troy sa gilid ko


"Who's that?" tanong nya


Nakita ko si Lucas na prente at kalmadong naglakad palayo


"W-wala naman"

lingon ko kay Troy

umupo sya sa kama nya


Nagkatinginan kaming dalawa at umupo na din ako sa tabi nya


Nilibot ko ang tingin sa kwarto nya at doon ko lang napansin na may CCTV pala sa likuran ng pinto.


Hindi lang ako nagsasalita pero may nakita akong tatlong kutsilyo at dalawang baril dito sa kwarto nya


"Alam mo nung bata ako naastigan ako sa mga gangster, secret agent, assasin yung mga ganun haha"

lumingon sya saakin ng sabihin ko yun

"but its not cool in real life" Aniya, tumango ako bilang pagsang-ayon


"Tama. I don't like hearing gunshots or seeing violence. I don't like people who hurts other people too."


Alam ko namang masasaktan sya sa sinabi ko. Dito nanaman kami iikot, sa kung paanong ayaw ko sa mga taong nananakit


"But if you don't hurt people, you will end up the one who's hurting " tumingin ako sa kanya at sa labas ng bintana sya nakatingin


"That's how our world revolves.."


Kahit hindi ko naman masyadong maintindihan ang pinaghuhugutan nya, tumingin na lang ako sakanya

Napakalalim ng iniisip ni Troy habang sinasabi yun, Hindi ko maiwasang hindi hangaan sya. Kapag nandito kami sa loob ng bahay isa syang masiyahin at malokong  anak at kuya


pero sakabila pala nun ay isa syang gangster na kayang pumatay ng tao para lang maisalba ang sarili nya sa kapahamakan, at alam kong hindi lang sarili nya kundi pamilya nya

naaalala ko ang sinabi ni Diego, madaming gustong pumatay kay Troy para mapalitan sya sa pwesto. He already faced numerous deaths at hindi mo iyon mapapansin sa mukha nya


He looks like an ordinary hearthrob student.

The one who can take your breath away


dahan-dahan siyang lumingon saakin


at nang gawin nya iyon ay aminado akong napatulala na ako sa mukha nya. Ang gwapo niya talaga.


"Can I tell the truth again?"

aniya, nakaramdam ako ng kakaiba. dahil ang huli nyang pagtatapat saakin ng katotohanan ay ito, gangster sya at alam naman natin ang naging reaksyon ko


hindi ko siya sinagot pero hinintay ko siyang magsalita ulit


"Hindi totoong nagkakilala kami ng kuya Harry mo because we have mutual friends" Agad na tumibok ng malakas ang puso ko nang marinig ang pangalan ni kuya


"K-kung ganoon, ano pala?"


huminga sya ng malalim

"Your brother and I are gangmates. Sa gangster society kami nagkakilala"


napatayo ako sa kama at hinarap si Troy


"G-gangster din ang kapatid ko?"




"Yes."


lumunok ako. my brother and his bestfriend are gangsters. My Brother kills too 

ang hirap isaksak lahat sa ulo ko at ang tanging nagawa ko lang ay humakbang ng isa palayo kay Troy nang tumayo din ito para lumapit saakin


"Eto nanaman ba tayo Vera?"


tila disappointed nyang tanong


nag-uunahan ang pagpatak ng luha ko


"M-may kinalaman ba ang pagiging gangster nya sa pagkamatay ni Ate Kaye?"

tinignan lang ako ni Troy at kalaunan ay iniwas nya ang tingin nya.

it's a yes.


Kaya ba sinisisi ni Kuya ang sarili nya kung bakit namatay si Ate Kaye?

Its because this is all about being a gangster!

"Vera..."


"What Troy? Ano pa bang dapat kong malaman?"


hinawakan nya ang magkabilang balikat ko

"Makinig ka saakin"

tumingin sya ng diretso sa mga mata ko

"mahirap mabuhay ng kasinungalingan ang lahat that's why i'm saying this all to you."


"Kayo ng kuya mo, pag-usapan nyo ang tungkol dito. We both know na hindi sya masamang tao "


inalis ko ang mga kamay nya sa balikat ko


"Then tell me more Troy, ano pa bang katotohanan ang dapat kong malaman"


malumanay kong sabi


"Bukod sa gangster kaming pareho ng kuya mo ang katotohanan na alam ko ay mahal kita Vera."

Tumulo ang luha ko sa sinabi ni Troy



And I know deep in my heart he's saying the truth. Ramdam kong totoo iyon,


Hindi ko alam na hindi sa pagiging gangster ni Kuya magugulo ang katauhan ko, kung hindi ay dahil sa mahal ako ni Troy. 
Mahal na niya ako


Namayani ang katahimikan at matagal na nakatitig saakin si Troy  na parang naghihintay ng kasagutan at wala akong nasabi, yumuko lang ako


Hanggang sa makarinig kami ng katok sa pintuan ng kwartong ito


"Anak? Nandito si Harry, hinahanap ka." Tita Ana


Nagkatinginan kami ni Troy, lumakad ako papunta sa pintuan


"I still can't get an answer from you" Malungkot na saad nya atsaka tumalikod saakin at nakapamulsang tumingin sa labas ng bintana


pinunasan ko ang mukha ko at binuksan ang pintuan ng kwarto nya, dali-dali akong pumunta sa salas at nakita ko si Kuya doon


"Hey sis--"

hinigit ko sya patayo at palabas ng bahay


"We're going to talk," sabi ko at muling sumulyap sa pintuan ng kwarto ni Troy bago kami lumabas ng bahay ng mga Hernandez

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now