Chapter 32

1.5K 39 0
                                    



Nakatayo si Troy at ang mga kaibigan nya para abangan ang doktor.


Hindi alam ng mga magulang ni Troy ang nangyari pati na din si Evan


Tinawagan agad ni Troy ang mga kaibigan para linisin ang mga katawan sa bahay nila at nagpunta silang ospital para isugod si Vera.


Hindi nya malaman kung anong gagawin nang may makita siyang dugo dito. He can't afford to lose someone again


palagay nya ay hindi na nya kakayanin pa.


Nakatulala lamang si Troy at tahimik ang mga kaibigan nya


Damn! ang malala pa hindi nya alam kung kaninong grupo ba ang nakapasok sa bahay nila. Grupo kaya nila Diego? shit. Talaga namang makakatikim na ang Diego na yun sakanya

Lumapit sila sa doktor na lumabas

"She's fine. buti na lang nadala nyo sya agad dito. Nilagyan namin ng benda ang ulo nya hintayin na lang natin syang magising" Sabi ng doktor tapos ngumiti at umalis na


Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Troy at agad na pumasok sa kwarto ni Vera.


hinawakan nya ang kamay ng natutulog na dalaga at hinalikan ito.


"Thank God!" Aniya


napatingin silang lahat nang marahas na bumukas ang pinto


"Vera?" saad ni Harry at agad na lumapit at hinaplos ang dalaga


"She's fine bro, Hintayin na lang daw natin siyang magising" sabi ni Carl


"Fine?" tumawa ito ng sarcastic at tumingin kay Troy


"She will never be fine hangga't may ugnayan sya sayo Troy. "


hindi siya pinansin ni Troy at itinuon ang tingin kay Vera na natutulog.


"We love each other" Diretsong sabi nya


"Tanginang pag-ibig yan Troy! Ipapahamak tayong lahat nyan!" Galit na sabi ni Harry


"Buti sana kung tayo lang pero kasama ang kapatid ko dito!"


"Do you think hahayaan kong may mangyaring masama ulit kay Vera?"


"Fuck! Paano mo naman masasabi? eh nasa sariling puder mo na nga ang kapatid ko napahamak pa"


natigil ang dalawa sa pag-aaway nang may dumating na nurse


"U-uhh may problema po ba sir?"

"Wala!" sabay-sabay na sabi ng lima na nanonood ng away ng magbestfriend


lumabas si Harry at sinundan naman siya ni Troy. nagtungo sila sa tagong parte ng ospital

matagal na natahimik ang dalawa.

"Layuan mo si Vera,"


"No." matigas na sabi ni Troy


"This won't work Troy, Alam kong naiintindihan mo ako na kaligtasan lang ni Vera ang iniisip ko"


"How can you say that to me? Bakit hindi mo ako maintindihan? Hindi ba't ipinaglaban mo din si Kaye noon sa lahat kahit na alam naman natin ang pwedeng mangyari?"

"What happens to Melissa and Kaye is  a mistake! And I don't want that to happen again, Sabay nanaman tayong mawawalan. Ang pinagkaiba lang ngayon sa iisang babae na"

bumuntong hininga si Troy


"We tried. I tried. i ask her to stay away from me but i can't. Hindi ko kaya, I love her too much. Gusto ko siyang palaging nasa tabi ko, palagi kong nakakausap, at fvck! Gusto ko siyang mahalin ng hindi ganito ka kumplikado ang lahat"


frustrate na napahawak sa noo nya si Troy

"I want to protect her. I know i can, please give me a chance." gulat na napatingin si Harry sa kaibigan. first time nya yatang marinig ang salitang 'please' dito at nakikita nya sa mukha nito ang pagkadesperado


"I really love your sister. Nahihirapan din ako Harry pero--" napatigil si Troy sa pagsasalita nang batuhin sya ng mga litrato ni Harry


"Maybe these pictures will wake you up Troy. Maybe these pictures will help you understand what i'm trying to say" sabi ni Harry at mabilis na nilagpasan si Troy


pinulot ni Troy ang nagkalat na litrato sa sahig at nanlamig ang mga kamay nya nang makita ito. Ito ang mga litrato ni Melissa noong tinorture ito, nirape at pinatay


Tears fall from his eyes at galit na pinagsusuntok ang pader

**

"Sige, ako naman Vera. Ano ang apelyido ni Cedie?" Tanong ni Ronaldo


kumunto ang noo ni Vera

"ano?"


"Edi cedie player."

natahimik ang lahat at wala ni isa ang natawa sa gasgas na joke ni Ronaldo

binato siya ng saging ni Vera

"Yung totoo? ako ba ang naalog ang utak o ikaw?" Nagtawanan sila pero agad ding nawala ang ngiting yun nang maalala ni Vera si Troy, simula kasi ng magising sya hindi nya pa ulit ito nakikita.

nagbukas ang pintuan at akala nya si Troy na ito pero kuya nya pala

"Kamusta ka na?"

ngumiti lang sya dito at tumingin sa likod nito baka kasunod nya si Troy


Nahalata naman yun ni Harry kaya inangat nya ang mga pagkaing binili nya

"Kain na tayo!" aniya


"Wooohh yessss!" sabi nung lima

sinupalpal naman sila sa mukha ni Harry


"para sa kapatid ko ito"

"Lahat yan?" Macky


"Oo, lahat to."


"Pero kapatid mo din kami. We're brothers right?" Van


"Ulol" sabi ni Harry

Kumain na silang lahat, Nilibot naman ni Harry ang kapatid sa hospital habang sakay ng wheelchair. Gusto kasi nitong makalabas sa kwartong iyon na napaka-boring.


Gabi nun at iniwan sya ng kuya nya sa isang gilid para kumuha ng tubig


nakatingin lang sya sa malayo at tahimik na hallway ng hospital. Namimiss na nya si Troy bakit ba hindi ito nagpapakita?


"I miss you..." May bumulong sa tenga nya at hindi sya nagkamali si Troy iyon

My Brother's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon