Chapter 20

1.7K 41 0
                                    




Nagpunta ako sa banyo para maghugas ng kamay. Nanginginig kong tinignan ang kamay ko at ang dugong sumasama sa tubig habang naghuhugas ako



Balisa akong lumabas ng banyo at bigla na lang may bumangga saakin


humawak ako sa balikat ko at tumabi

gusto ko mang singhalan ang bumangga saakin pero nanghihina na lang akong umupo sa upuan


Dumating sila Tita matapos ko silang tawagan


pare-parehas kaming wala pang balita kay Troy


Alas dose na ng hatinggabi.

Hindi lang pag-aalala ang nararamdaman ko, nalulungkot din ako ng sobra sobra


"He really likes me huh?" Bulong ko sa sarili at bumuntong hininga


do i hate him? Alam kong mali ang pumatay ng tao pero... Hayy

I don't. I don't hate Troy. ugh! Hindi ko na alam



"Vera?" Inangat ko ang tingin ko at nakita ko ang limang lalaking nakatayo sa harapan ko

"K-kayo pala"


tumayo ako


Hindi ko maidescribe ang mga mukha nila.


"Nasaan si Troy?" tanong ni Louie

"Nasa loob pa eh"

lumakad kami papunta sa room kung nasaan si Troy


Napatigil ako sa paglalakad nang may babae akong matanaw na nakaupo sa tabi ni Tita

Napatigil din sila Carl sa paglalakad


"May problema ba?" tanong niya sakin

umiling ako at lumapit na sakanila


pagdating namin doon, binati ng lima sila Tita at Evan

maging si Megan na siyang nakaupo sa tabi ni Tita


ako lang ba ang nagtataka kung bakit nandito ang babaeng to?
parang hindi naman nabigla sila Carl


"Hi Vera" Tipid na sabi nito. nginitian ko lang sya at tumabi kay Evan


"Nasan si Tito?" tanong ko kay Evan


"Umuwi ng bahay, kukuha ng gamit"


tumango - tango ako at hindi ko maalis ang tingin ko kay Megan.


Maganda talaga sya kahit saang anggulo. makinis at maputi ang kanyang balat at kapansin pansin ang tangos ng kanyang ilong


"Ex girlfriend sya ni kuya" napatingin ako kay Evan nang bumulong ito saakin


"Ex nya to?" tanong ko ulit


tumango sya


"Oo. si ate Megan"


bored na sabi nya


Iniwas ko ang tingin ko. hindi naman dapat ako magtaka diba? sino ba namang lalaki ang hindi mahuhumaling sa ganda nya

"Kailan naging sila?" tanong ko ulit kay Evan

"Hmm, bago ka dumating sa bahay kakabreak lang nila nun. Naging sila siguro nung birthday ko pero mga two months lang ang itinagal nila"


tumango tango ako


Megan...


Si Megan ba ang M sa status nya sa fb?

umiling ako. tama ba namang isipin ko pa yun sa mga oras na ito?


Ibinalik ko ang tingin ko kay Megan at nang magtama ang tingin naming dalawa, nakaramdam na kaagad ako ng kakaiba.

ex naman pala sya, ano pang ginagawa nya dito?


--

Agad kong inangat ang tingin ko sa nagmamay-ari ng kamay na kasabay kong humawak sa doorknob ng kwarto ni Troy

nagkatitigan kami.

parehas pa kaming nakauniporme


ngumisi sya saakin at tinapik ang kamay ko at sya ang nagbukas ng pinto


"Buti naman gising ka na Troy" masayang sabi ni Megan pagkapasok nya


sumunod na din ako sa loob


nandun na din ang mga kaibigan ni Troy at nang magtama ang tingin namin ay parang nabuhay ang dugo ko sa katawan lalo na nung ngumiti sya saakin. Masaya ako, buti naman ay ayos sya


agad na umupo si Megan sa gilid ng kama ni Troy. doon naman ako umupo sa tabi ni Macky


"Kamusta ka na?" Megan


"You see, I'm fine." sabi ni Troy sakanya at ngumiti.

parang kanina lang, saakin lang sya nakangiti


"Good. Does it hurt?" tanong ulit ni Megan
at tumingin sa tagirilan ni Troy

"Yes" aniya

Tumingin sakin si Troy. natahimik bigla ang buong kwarto lahat sila ay nakatingin na saakin.

Lumakas ang tibok ng puso ko


Tinignan ko silang lahat at parang nag-iintay sila ng sasabihin ko

tumikhim ako atsaka tumingin kay Troy at ngumiti


"Talaga palang pag masamang damo matagal mamatay" asar ko sakanya


naiiling syang tumawa at tumawa din ang lahat bukod kay Megan na seryoso akong tinignan bago ibinalik ang tingin kay Troy

Hindi naman nagtagal at pinagsaluhan na namin ang pizza at iba pang meryenda na dala nila Ronaldo

pare-parehas kaming naka-uniporme dahil pare-parehas kaming galing ng school


"Gusto mo ng softdrinks?" alok saakin ni Louie

ngumiti ako sakanya at umiling


"Tubig na lang" sabi ko

inabutan naman ako ni Van ng tubig

"Salamat" ani ko


kumindat naman sya saakin bilang sagot, pagkatapos kumain ay nagkwentuhan muna sila Troy, Megan at mga kaibigan nya


pinagmasdan ko sila at para bang lahat sila ay kumportable sa isa't isa. parang ang tagal na nilang magkakakilala

Eto na nga ba ang sinasabi sa hula. Na-out of place na nga ako


Kaya naman minabuti ko na lang na magligpit ng kalat habang nag-uusap usap sila


hawak-hawak ang kariton ng pizza ay nagpaalam ako na itatapon ko lang ito saglit

"Sandali." Lumingon ako kay Troy nang magsalita ito


"sasama ako sayo" sabi nya


napansin kong hinawakan ni Megan ang kamay ni Troy na parang pinipigilan ito sa pagbangon sa pagkakahiga


"Ano ka ba naman, magtatapon lang ako ng basura."


"Kahit saang basurahan ka pa magpunta, susundan kita." Aniya at saka kumindat


"Yown!" Macky

"Anak ng tokwa. Nagbabalik na sya!" Carl

"Pwede ka ng lumabas Troy. Magaling ka na nga" Sabi pa ni Van

nag-apir ang mga kaibigan nya at nagtawanan


Ramdam ko ang pagtibok ng malakas ng puso ko

hindi na sya pinigilan ni Megan nang tuluyan na syang makatayo at makalapit saakin

hila-hila niya ang sabitan ng dextrose at ngumiti siya ng matamis saakin sinimangutan ko sya.


"nakakalimutan mo na ba kung bakit ka sinugod dito? Nasaksak ka! Kakatahi lang nyan tapos sasamahan mo ako magtapon ng aksbsjslsmsjsosb" hindi na natuloy ang sasabihin ko ng takpan nya ang bunganga ko


"Labas lang kami" paalam ni Troy at dali-dali na akong hinila papalabas

napansin kong napahawak sya sa tagiliran nya kung saan may tahi

"Oh ayan na nga ba ang sinasabi ko eh. tara na balik na tayo sa loob"

sabi ko at hinawakan sya sa braso pero hinawi nya yun

"Kaya ko."


"Ang kulit mo."


"Mas makulit ka" pakikipagtalo nya



Huminga ako ng malalim

"Okay. dyan ka lang okay? Ayun lang ang basurahan oh. babalikan na lang kita dyan" sabi ko at tumakbo na sa basurahan na medyo may kalayuan saakin


nang maiayos ko na ang kariton sa loob ng basurahan tatakbo na sana ako pabalik pero pag talikod ko nakita ko na si Troy sa harap ko. that fast?!


"Ano ba Troy! ang kulit mo naman eh!"


tumawa sya


tumingin sya sa upuan na nasa harapan namin agad ko naman syang inalalayan paupo doon. umupo na din ako


"Okay ka na ba talaga?"


"Yes. " ngumiti sya saakin


"Sorry.." Nabulong ko na lang, pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit sya nasaksak. kung pumayag sana ako na ihatid nya ako pauwi hindi to mangyayari

ang alam pa naman nila Tita niligtas ako ni Troy sa masasamang loob


"Don't say that,"


"No, It was my fault. dapat sinunod ko na lang yung sinabi mo" 


pakiramdam ko ay maiiyak ako, naalala ko ang namumutlang mukha ni Troy. Yung dugo nya nasa mga kamay ko



"Sorry Troy, I'm sorry" Konting pitik na lang iiyak na talaga ako


he laughed. he freakin' laughed!


"Buhay pa ko Vera hahaha"
Mahina ko siyang hinampas kasi nga yung tahi niya. psh! pasalamat siya!


"so dapat magsosorry ako kapag patay ka na?" Tumawa lang ulit sya


"I mean, you don't need to say sorry to me. It wasn't your fault. " aniya, tumango tango na lang ako


"Next time, mag-iingat ka na" sabi ko ngumiti sya saakin


matagal syang tumitig sa mukha ko.napakunot naman ang noo ko sa ginawa nya

"Bakit? may dumi ba ko sa mukha?"umiling sya


"Ilang hours tayong hindi nagkita?"
tanong nya, napabilang naman ako sa daliri ko


"Mahigit 10 hours din bakit?"

hinigit niya ako palapit sakanya at niyakap


"Troy.." tawag ko


"hmm?"


"I don't hate you"


lalo nyang hinigpitan ang yakap saakin


"That makes me feel better."

"Ehem. Ehem" agad kaming naghiwalay ni Troy nang mapansing may tao sa harapan namin. si Megan


"Hinahanap ka na nila Tita Ana Troy," nakangiting sabi ni Megan

"Okay. Let's go?" yaya ni Troy saakin. tumayo na din ako at inalalayan sya


lalagpasan na sana namin si Megan nang bigla akong higitin nito sa braso


"We'll talk later" may diin na sabi nya sa tenga ko at marahas akong binitawan atsaka umalis

kunot noo namang tumingin saakin si Troy

"Tara na" sabi ko at lumakad na kami pabalik sa kwarto nya
























My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now