Chapter 24

1.4K 41 1
                                    



Naglalakad ako papasok ng school namin habang nasa likuran ko si Troy

"Bakit ka ba nandyan? dito ka sa unahan!" utos ko


kumunot ang noo nya


"Inuutus-utusan mo na ako ngayon?" umirap naman ako, duhh


kumalat sa school namin ang balita, May mga mukhang concerned na halata namang hindi totoo. Iniisip ko lang na alam nilang galing hospital tong si Troy mamaya biglang samantalahin ng iba at saktan nanaman sya

"I mean, dito ka sa unahan ko para kita kita." malumanay na sabi ko

tumakbo naman sya palapit saakin at inakbayan ako

"Eh pag ganito? kita mo pa din naman ako diba?" Aniya at ngumiti saakin

mukha namang masiyahin na ulit si Troy kaya alam kong okay na talaga sya.


ngiti lang din ang iginanti ko sinubukan kong tanggalin ang braso nya pero umaray lang sya dahil mukhang nadagil ko ang tahi nya kaya hinayaan ko na lang, sa paglalakad naming dalawa ay may babae kaming nakasalubong. agad na lumipad ang tingin nito sa braso ni Troy na nakaakbay saakin


"Goodmorning" mahinhin na bati ni Megan.


parehas lang namin siyang tinignan ni Troy at nilampasan

napahiya tuloy. haha


"Hindi ba ex mo si Megan?" Tanong ko


"Yup."


"Bakit hindi kayo nagtagal?" Hindi ko naman dapat tinatanong ang ganitong bagay pero curious lang naman ako


"Uhh, let's say. Kalaban namin si Megan?"


bored nyang sabi


"Kalaban?" tanong ko, tumingin naman saakin si Troy


ahh gets ko na


"Gangster din pala sya." sabi ko


kung gangster sya baka mamaya abangan nya ako sa kanto nakuu ginalit ko pa naman yan nung isang araw



"Paano ba pumasok sa mga ganyan? hehe"

tinanggal ni Troy ang braso nyang nakaakbay saakin at seryoso akong tinignan


"No. You will not join any gang"


kumunot naman ang noo ko. anu daw? parang ang layo ng sagot niya ah


"Huh?"

"You're asking because you want to join right?"


"Lahoy! Di ako sasali noh! ayoko nga ng mga ganyan. alam mo naman yun diba?"

lumapit sya saakin at diretsong tumingin sa mga mata ko na tila ba sinusuri itong mabuti.


"Promise?"


"promise!" mabilis na sabi ko at ngumiti. Ngumiti din sya saakin


"Good." aniya at tuluyan na nga kaming pumasok sa room


On the second thought, Parang gusto ko ding sumali kasi diba self defense din yun para kahit anong oras ako gumala pwede hihihi


uwian na nun at mabilis na lumapit saakin si Troy,


"Let's go?" tanong nya, sabay kaming lumabas ng room nang makaramdam ako ng tawag..

tawag ng kalikasan... wooohh! wrong timing, kung kailan pauwi na ako eh


"saglit Troy ha. Magbabanyo lang ako"


"Samahan na kita." gulat akong tumingin sakanya


"A-ano?"


"I mean, hihintayin kita sa labas ng comfort room"


ahh yun pala


tumango ako at mabilis na nagpunta ng banyo, Dali-dali akong nagpunta sa pinakadulong  cubicle at umurong yata ang nararamdaman kong tawag ng kalikasan sa nakita ko


gulat na tumingin sakin si Megan,

umayos naman ng tayo si Diego at inayos ang nagusot na uniform, bago walang emosyon na tumingin saakin.


Naabutan ko lang naman silang dalawang naghahalikan


as in making out...

napansin ko ding nakabukas na ang first two buttons ng blouse ni Megan. wow, what a girl


"U-uhh, sorry?" awkward na sabi ko


"Tss." sabi naman ni Megan at umirap

akala ko ba mahal nya si Troy pero bakit sya nakikipaghalikan kay Diego?


Walang imik akong lumabas ng CR


"Oh ang bilis mo naman yata? nagflush ka naman ba?" nang-aasar na tanong ni Troy


hinigit ko na sya pero ayaw nyang magpahigit


"Tara na, umalis na tayo!" sabi ko


"Bakit? may nangyari ba sa loob?"

umiling ako


"Wala naman, basta tara na!" sabi ko pero bago ko pa mahigit si Troy ay lumabas na si Diego at Megan sa CR


nagharap-harap kaming apat at hindi ko nagugustuhan ang atmosphere na nabubuo namin ngayon


Magkatitigan si Troy at Diego


lumipat ang tingin ni Troy kay Megan

"Hindi ka pa din nagbabago" aniya at kinuha ang kamay ko tapos tumalikod na kami

"Does Harry know about this?" Napaharap ako kay Diego nang magsalita sya at nakatingin sya sa kamay naming magkahawak ni Troy

naramdaman kong humigpit ang hawak ni Troy doon


"Megan told me, Mahal mo daw si Vera. Haha is that true?" tila nang-aasar na tanong nito. nakatingin lang sakanya si Troy


"Oh well. Halata naman, Hindi naman ikaw ang tipo na basta na lang hahawak sa kamay ng isang babae hindi ba?" nakangising tanong nya


"Diego..." tawag ni Megan na para bang pinipigilan si Diego na magsalita pa ng kung ano ano


"Bakit ba ang hilig mong mangialam ng buhay ng iba?" kalmadong wika ni Troy


"Buhay ng iba? Hahaha hindi ka iba saakin Troy. kinalimutan mo na ba talaga lahat ng pinagsamahan natin?"


sarkastiko na tumawa si Troy


"pinagsamahan you say?"


"Oh Troy... paano mo nagawang kalimutan ang pinakaunang kaibigan mo? "


napatingin ako kay Diego at nakangisi ito

lumapit sya lalo saaming dalawa ni Troy at inilipat nya ang tingin nya saakin. Iba ang tingin na yun, hindi isang mapaglarong Diego ang nakikita ko sakanya ngayon


"I'm your bestfriend. Haha No, We're brothers" dagdag niya pa


Teka ano? magbestfriend sila?  seryoso?


"Damn Diego. You still think we are?! You are the most fucked up person i've ever met "
hindi makapaniwalang
sabi ni Troy. akmang hihilahin na ako nito paalis pero nagsalita ulit si Diego


"Ahh i remember! You throw our friendship away since the day that Melissa chose me over you."

Nang mabanggit ang pangalang iyon ay mabilis na nasuntok sya ni Troy sa panga


Napaupo agad si Diego at dali-dali namang lumapit sakanya si Megan


ako? Hindi ako makapaniwala sa bilis ng nangyari.


"Don't you ever mention her name" puno ng diin na saad ni Troy

unti-unti namang tumawa si Diego habang pinupunasan ang dumugong labi


"Still can't accept it? The girl you like oh scratch that, The girl you love chose me. Over you Troy, She chose me" mapang-asar na saad ni Diego

agad na kinuwelyuhan sya ni Troy at idiniin sa pader

"Huwag mong idahilan ang pagpili sayo ni Melissa, Ikaw ang sumira sa pagkakaibigan natin. Kaya huwag mo akong binabaliktad!"



At isang malakas na suntok muli ang natanggap ni Diego mula kay Troy


"Tama na!" Sigaw ni Megan at itinulak si Troy papalayo kay Diego, ako naman nilapitan ko si Troy at hinawakan ang mga kamay nya


Malakas na tumawa muli si Diego. Ghad, can't he just shut up? Kaya hindi kami makaalis-alis eh


"Megan too. Megan is cheating on you habang kayo pa. She keeps on telling you that she loves you but at night, she sleeps in my bed and telling me how she loves being with me than---"


"Shut the fuck up." hindi ko na napigilan pa at nakisabat na din ako. Bakit ang insensitive nya! Bakit kailangan nyang sabihin ang lahat kay Troy?

Ngumisi naman si Diego atsaka tumingin saakin


"I wonder if Vera will be like Melissa and Megan too"


Tila ba ay kumabog ang puso ko. Anong ibig nyang sabihin?


"As far as i know, Vera doesn't feel the same way about you Troy. Hindi malayong talikuran ka din nya"


siguradong-sigurado na saad nya.

Nang sabihin ni Diego yun ay hinigit ako ni Troy papalapit sakanya


"Kung hindi man sya mapunta saakin, lalong hindi sayo Diego. Kunin mo na lahat pero hindi sya. Hindi pwedeng si Vera."


At mabilis na nya akong kinaladkad papalabas ng school

Nang tuluyan na kaming makalabas ng malaking gate ng school na ito


unti-unting binitawan ni Troy ang kamay ko


"Mauna ka ng umuwi" Aniya at tumalikod saakin



"pero Troy..."


"I need time alone." At tumingin sya sa mga mata ko, puno ng lungkot ang mga mata nya

tinignan ko sya ng diretso para iparating sakanya na seryoso ako sa susunod kong sasabihin


"The moment i step into your life you should know that you will never be alone" saad ko


Lumapit ako kay Troy at hinawakan ang kamay nya


"Let's go?" Sabi ko sakanya at ngumiti

isa lang ang sigurado ko, mali si Diego.

Hinding-hindi ako magiging katulad ni Melissa at Megan. Hindi ko iiwanan si Troy

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now