Chapter 21

1.6K 39 0
                                    

Binuksan ko ang pintuan para lumabas ng kwarto ni Troy at nakita ko si Megan na nakasandal sa pinto


"How is he?" Megan

"Natutulog na sya" tumango tango sya

nagsimula syang maglakad kaya sinundan ko lang sya


Bukas pa kasi makakalabas si Troy kaya nandito pa din kami sa hospital


habang naglalakad kami sa hallway ng hospital

nakatingin lang ako sa likod ni Megan

pati ba naman likod nya maganda? Sa kulay palang at haba ng buhok nya

nagulat ako ng bigla syang humarap saakin

"Sino ka ba?"



napanganga ako sa narinig. what? all this time hindi nya ako kilala?


"I'm Vera Trinidad." pakilala ko


biglang sumeryoso ng husto ang mukha nya


"Trinidad?" naniniguradong tanong nya


"You heard it." kusa iyong lumabas sa bibig ko


"Are you giving me an attitude?"


hindi makapaniwalang tanong nya

Bumuntong hininga ako. hindi ko alam. maganda sya, oo pero hindi ko siya gusto.



"Ano ba kasi ang gusto mong sabihin sakin?" diretsong tanong ko


umirap sya. wow, hindi din naman pala sya ganun kabait


"Okay. I don't know who you are but let me tell you this..."



sinuklay nya ang kamay sa buhok nya.


"Ex--"

pinutol ko sya

"Ex girlfriend ka ni Troy."

pagtutuloy ko, sarkastik syang natawa


"Wow. May alam ka na agad?" inis niya akong tinignan

"Ayun nga. Ex ako ni Troy at mahal ko pa sya"

dire-diretso nyang sabi


ang totoo ay expected ko ng iyon ang sasabihin nya pero kapag pala narinig mo na sa ibang tao kahit gaano ka kahanda masakit pa din


Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan. ano naman kung mahal nya si Troy? eh di magbalikan sila


tinalikuran ko sya. maga-alas diyes na ng gabi at naka uniporme pa din ako


hinigit ako ni Megan paharap sakanya. Ang higpit at ang lakas nyang manghigit


"Wag ka ngang bastos!"


marahas kong inalis ang kamay nya sa braso ko


"Ano naman kung mahal mo sya? kailangan bang ibroadcast sa sambayanan na mahal mo pa ang ex mo?"

Inis syang tumawa


"That's not it! I want you to stay away from him. I don't want to see any girl that close to Troy while i'm trying to win him back"


Nagpanting ang tenga ko sa narinig.


"Wala kang karapatang sabihin ako na lumayo ako kay Troy"


"You seem so special to him. Troy is not a type of guy that just hug any kind of girl"


iniwas nya ang tingin nya

humugot ako ng malalim na hininga. Okay, I understand.


Lumapit ako at tinapik ang balikat nya, nang tumingin sya saakin ay ngumisi ako

"Alright. Try to win him back pero hindi ko sya iiwasan, hindi ko sya lalayuan."


Inayos ko ang buhok nya at nakanganga sya habang ginagawa ko yun


"Sorry girl"

ngumisi ako at talagang umalis na ako pagkatapos nun bago nya pa ako mahigit ulit


Nakakaloka. Akala ko sa teleserye lang yun nangyayari pati din pala sa totoong buhay.


**

Inis na pumadyak si Megan nang makarecover sya sa ginawa ni Vera.


Hindi nya lubos maisip na hinayaan nya ang sarili na makaramdam ng pang-iinsulto


Nagulat sya ng makita si Troy na lumabas sa isang sulok di kalayuan sakanya. agad syang lumapit dito


"Troy! akala ko ba natutulog ka na sa kwarto mo?"


iniwas ni Troy ang sarili nang akma syang hahawakan ni Megan


"Bakit mo sinabi yun kay Vera?"


kinabahan si Megan. mukhang narinig nga ni Troy ang usapan nila ng babaeng yun


"I still love you" sincere na sabi ng dalaga


"pero tapos na tayo,"

malamig na sabi ni Troy


Nagsimula ng magteary-eyed ang dalaga


"Why do i feel like hindi mo talaga ako minahal kahit kailan Troy?"


Iniwas ni Troy ang kanyang tingin


"I'm sorry.."


kumawala ang luha ni Megan. labis siyang nasaktan sa narinig

"Sorry? fuck! hindi iyon ang gusto kong marinig!"


Tumalikod si Troy kay Megan

"Don't ever talk to her again" Troy


"Wh-what?" hindi makapaniwalang tanong nito

"You heard me."


sarkastik na tumawa si Megan


"Magtapat ka nga sakin! Do you love her?!"

buti na lang ay walang taong dumadaan sa hallway dahil kung meron malamang ay navideohan na tong si Megan at viral na kinabukasan


"Yes." diretsong sabi ni Troy.


paano nya nasabi iyon ng ganun kadiretso? walang pagaalinlangan at parang siguradong sigurado na sya


"AGAD? MAHAL MO NA AGAD? SAMANTALANG AKO, NI MINSAN HINDI MO KO MINAHAL?" hindi makapaniwalang tanong ni Megan


"Love is not about who you knew first. Megan, I can love someone I met 5 minutes ago or 1 week ago. Love is a feeling and that's what i feel about her. therefore, you don't have anything to do with it. You're my ex and I don't need your fucking opinion"



Tuluyan ng naglakad si Troy ng walang kalingon-lingon sa dalaga. Hindi maisip ni Megan na pwede palang masaktan sya ng ganun sa taong matagal ng tinapos ang relasyon nila





"You love her but does she love you?"

napahinto si Troy sa paglalakad. parang binaril siya mula sa likod at sumapol sa kanya

hinarap nya si Megan na umiiyak pa din

"Pare-parehas nating narinig ang sinabi nya. Hindi nya ako lalayuan. At iyon na lang muna ang panghahawakan ko" napapikit ng mariin si Megan.

Hindi pa sya nagsisimula, talo na sya


My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now