Chapter 23

1.6K 47 2
                                    


"Pasensya na kung hindi ko kaagad sinabi sayo. Bukod kay Mama ikaw ang pinakamamahal kong babae sa mundong to at hindi ko kakayanin kung kakamuhian ako ng kaisa-isa kong kapatid,"

Pinilit kong huwag tumulo ang nagbabadya kong luha, nandito kami sa isang park at nakaupo kami sa bench ni kuya habang nakaharap sa papalubog na araw

"Iniisip ko palang ang magiging reaksyon mo kapag sinabi ko, umuurong na agad ang dila ko." dagdag nya pa

hindi ako sumagot kaya bumuntong hininga sya

"Ngayong alam mo na, Hindi ka ba natatakot o galit saakin?"

tumingin ako sakanya at malakas ko syang hinampas

"aw! what was that for?!"

"Nag-iisa kitang kapatid, sa tingin mo ba ay magagawa kong kamuhian ka? "

unti-unti ay ngumiti sya at ginulo ang buhok ko

"pasensya ka na Vera, kung pinili kong maging ganito."

tumingin ako sakanya at tipid na ngumiti

"May magagawa pa ba ako? apat na taon na simula ng sumali ka sa gang. Ano pang hahabulin ko? Sama ng loob na lang ang nararamdaman ko ngayon"

Saad ko, agad namang ginamit saakin ni kuya ang paawa face nya tsk

"Sorry naaa" mahabang sabi nya

Hayys! Nadagdagan tuloy ang sikretong dapat kong itago.

kailangan kong itago sa pamilya ni Troy na gangster sya at kailangan kong itago sa magulang namin na gangster ang kapatid ko

"Kuya, pwede ba kitang tanungin?"

"kakatanong mo lang hahaha" sinamaan ko siya ng tingin kaya naging seryoso ang mukha niya

"Sige, ano yun?"

"Tungkol kay Ate Kaye..."

iniwas nya ang tingin nya at malungkot na ngumiti

" Si Kaye..."

"Kuya, kung hindi mo pa kaya, ayos lang" ayoko namang saktan ang kuya ko sa bagay na hindi pa din nya nakakalimutan

"No. Its fine, ano bang tungkol sa Ate Kaye mo?"

Kinakabahan akong tumingin sakanya

"May kinalaman ba ang pagiging gangster mo sa pagkamatay nya?"

Halata sa itsura nyang inaasahan nya ang tanong na yun, marahan syang tumango at doon ay bumigat ang dibdib ko. Sa pagiging gangster nya ay malaking epekto ang nangyari sa buhay nya

"Its been a year and  I can't help but to blame myself."

.......

Masaya, Kinaiinggitan, Sweet at maayos na relasyon ang nabuo ni Harry at Kaye sa isa't isa. Hindi akalain ni Harry na magkakaroon sya ng girlfriend na mamahalin nya ng lubos gayong hindi naman talaga sumasagi sa isipan nya ang pakikipagrelasyon. Mahal na mahal ni Harry ang dalaga, ingat na ingat siya dito.

Alam ng lahat na magkasintahan sila, Tila celebrity couple nga sa paaralan nila. pero alam naman nilang dalawa ang panganib na kaakibat ng pinasok nila.

ang mga kaklase at kamag-aral na kunwari ay masaya para sakanila pero kapag nakatalikod na silang dalawa ay literal sila nitong gustong patayin.

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now