Chapter 26

1.4K 41 0
                                    




Naglalakad kami ni Van habang pabalik sa bahay nila Troy. ang sabi nya, ihahatid na nya ako pauwi hindi na din naman
ako umangal pa dahil ayoko namang maglakad mag-isa lalo na at magdidilim na


Nagkwentuhan lang kami ni Van sa kung ano ano mang mga bagay. Masaya siyang kausap at hindi sya nauubusan ng kwento


humarap ako sakanya nang nasa tapat na kami ng gate ng bahay nila Troy



"Salamat sa oras mo Van ah" sabi ko


"Naku wala yon. " nakangiting sabi nya

napansin ko naman na bukas na ang ilaw sa loob ng bahay, mukhang nandito na sila


"Gusto mo ba munang pumasok?" aya ko, umiling sya


"Wag na Vera, May pupuntahan pa din kasi ako eh"


tumango naman ako at ngumiti ulit

"Sige, ingat ka."


tumango naman siya at sabay na kaming tumalikod sa isa't isa nang bigla syang nagsalita


"You sure you don't have feelings for Troy?" gulat kong nilingon si Van

bakit ba tungkol doon ang palaging tanong nila?


bumuntong hininga ako


"Wala Van. Kung ano man yung nakikita nyo, Its just that, dito ako tumutuloy kila Troy at malaki ang utang na loob ko sakanila ng pamilya nya. Wala akong feelings kay Troy and I don't even think na makakaramdam ako ng kahit anong special para sakanya"


"Vera..." tawag nya, umiling ako nandito na din naman ieexplain ko na lahat sakanya


"Can you understand me Van? Kaya lang naman ako minsan nagmumukhang sweet sakanya ay dahil..." bumuntong hininga ako at iniwas ang tingin ko




"Ngayong alam ko na ang kwento ng buhay ni Troy, hindi ko maiwasang hindi maawa sakanya" saad ko


nakakunot kong tinignan si Van at para bang gulat syang nakatingin sa likod ko


balak ko sanang tignan kung sino iyon pero nang magsalita ito ay para bang nanlamig ako sa kinatatayuan ko


"Its okay Van, you can leave."


mabilis namang naglakad palayo si Van nang marinig ang boses ng leader niya


"Is that what you really feel about me?"
diretsong sabi saakin ni Troy, na bakas ang inis at lungkot sa boses niya

nangangatog akong humarap sakanya at parang nahirapan bigla akong huminga nang makita ko ang mukha nya


Magulo ang buhok nito at kapansin pansin ang malamlam nyang mata


"T-troy.."


"Answer me."
tila nagtitimpi niyang sabi


"T-troy naman.."


"Fuck! Utang na loob? awa? tangina naman Vera, hindi iyon ang gusto kong maramdaman mo saakin!"


Nabato ako sa kinatatayuan ko nang sabihin nya saakin iyon. First time nya ding sigawan ako sa ganitong bagay

napayuko na lang ako. Do i have to defend myself? narinig nya na lahat ng sinabi ko kanina


"At anong sabi mo? Alam mo ang kwento ng buhay ko?"

sarcastic siyang tumawa


"You don't know anything about me!"


nanatili akong nakatungo gusto ko siyang kausapin pero anong sasabihin ko? I can't even look him in the eyes right now


"Ilang beses ko pa dapat madinig na hindi mo ako mahal? na kahit kailan hindi mangyayari na mamahalin mo din ako?" Inangat ko ang tingin ko


"I'm waiting
Vera, I thought baka nabibilisan ka lang talaga o baka naman magbabago pa ang nararamdaman mo"


Lumapit sya saakin at nang makita ko sa malapitan ang maluha-luha nyang mata ay nararamdaman ko na din ang namumuong luha sa mata ko


"Pero malabo pala na mangyari yun, At ipinamukha mo saakin lahat ngayong gabi"


He gave me his one last look at doon ay tumalikod na sya papasok sa bahay.


Tuluyang umagos ang mga luha ko, hindi ko alam kung bakit ako umiiyak eh ayos nga yun diba, atleast alam nya na walang patutunguhan yung nararamdaman nya para saakin


Pero bakit ganun? Alam ko sa sarili ko na nakakaramdam ako ng awa kay Troy pero totoo lahat ng pinapakita ko sakanya.


Totoo ang sinabi kong hindi na siya mag-iisa pero sa isang iglap ay ako din pala ang lumukot ng mga salita ko at itinapon ito kung saan


nanghihina akong tumingin sa bahay na nasa harap ko. Troy have been in so much pain before at hindi nya na deserve masaktan sa isang kagaya ko. Ni hindi ko maayos ang sarili kong gusot sa pamilya ko at heto magsisimula nanaman ako ng panibago



Is it time to leave?

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now