Chapter 5

3.7K 67 0
                                    



"p-po?"




"Hehehe sige na dear. bye! ingat kayo ah! tsaka balik kayo bago mag 12 ng gabi" sabi pa ni tita. tumayo si Troy at hinigit ako palabas ng bahay nila




Inenroll ako ni kuya sa school kung saan napasok ang lalaking ito. hindi lang yon dahil pati sa service sabay kami




linstak! pag ito naging classmate ko pa ewan ko na lang tsaka bakit parang ang luwag naman ni tita magbigay ng oras. bago mag 12 ng gabi?




eh 10 palang naman ng umaga ah



hinigit ako ni Troy pasakay sa kotse nya




"Saan tayo pupunta?" tanong ko




"Saan mo gusto?" tignan mo to, sya ang tinatanong ko eh




"Wag na kaya tayong umalis. mas gusto kong dito na lang sa bahay" sabi ko at isinandal ang likod ko sa upuan



umiling sya at tumingin saakin



"Let's just buy things for school next week"




tumango ako.




at umandar na ang sasakyan namin.




Napakapit nga ako kasi akala ko kaskasero tong lalaking to. pero hindi naman, napangiti na lang ako nang maayos naman siyang nagd-drive




"Your Seatbelt Vera"




"Oo nga no."



hindi ko pala nakabit hehe



nung nasa parking na kami



bumaba na kaming dalawa



"Nagugutom ka ba?"


tanong nya



umiling ako.




"Saan tayo unang pupunta?"




Naglakad na kami papuntang department store, kumuha siya ng push cart at ganun din ako




"Uhh maghiwalay na lang kaya tayo para mas mabilis?"




hindi sya sumagot at busy lang sa pagkalikot ng cellphone nya. bakit ko ba kasi sya tinatanong




dahil hindi nga sya nakatingin. tulak tulak ko ang push cart na naglakad palayo sakanya




"Subukan mong lumayo, maglalakad ka pauwi"




napaharap ako bigla sakanya hindi pa din sya nakatingin. nasa cellphone pa din ang tingin nya




tss. may pamasahe naman ako, tingin nya saakin



kinapa ko ang bulsa ko at nang gawin ko iyon ay mukhang pinahiya ko lang ang aking sarili




kahit sampung piso wala akong nakapa


T.T




nakasimangot akong bumalik sa tabi ni Troy

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now