Chapter 33

1.5K 45 1
                                    


"I miss you..." May bumulong sa tenga nya at hindi sya nagkamali si Troy iyon



"T-Troy" naiiyak na niyakap nya ang lalaki



Hinawakan ni Troy ang wheelchair ni Vera at dinala ito sa tahimik na lugar ng hospital. Sa harap nila ay isang malaking bintana na tanaw ang mga ilaw ng mga bahay at building pati ang buwan at mga stars




"Bakit ngayon ka lang Troy? hinanap kita." hindi na naiwasan pa at naiyak na ang dalaga



hinalikan sya sa ulo ni Troy



"Wow ganun mo na ba ako kamahal?" natatawang sabi nya pero hindi kagaya noon malungkot ang tawa nito




Hinawakan ni Troy ang kamay ni Vera



"Are you happy with me?" Tanong ni Troy



tumango ng mabilis si Vera



"Oo naman"




nagtataka si Vera sa kinikilos ni Troy, nakatingin lang silang dalawa sa bintana



matagal na namayani ang katahimikan




"Vera, may shooting star" sabi ni Troy



"Waah magwiwish ako!" masayang sabi ni Vera at pumikit




hiniling nya na sana maging maayos na ang lahat, sana palagi silang safe at sana maging masaya pa lalo sila ni Troy



pagmulat nya nakatingin sakanya si Troy




"Anong winish mo?" Tanong ni Vera



umiling si Troy




"Hindi ako nagwish. Kasi yung hinihiling ko nasa akin na" sabi nito at hinalikan ang mga kamay ni Vera




umikot si Troy sa likuran ng dalaga at isinuot ang isang kwintas na may pendant na shooting star atsaka umupo para maging kapantay sya nito




Humarap si Troy kay Vera at hinaplos ang mukha nito



"sana kapag tinitignan mo yang kwintas na yan, maalala mo sana lahat ng nangyari sa atin. Na minahal natin ang isa't isa"




nakita ni Vera ang maluha-luhang mata nito



"A-ano bang sinasabi mo?"




"I realized, sometimes we need to let go the person we love not because we don't love them anymore, we do, and Me? I love you so damn much Vera. Hindi kita hahayaang masaktan ng dahil saakin. Nang dahil lang sa isang taong kagaya ko."




"T-Troy naman"



"that's why I'm letting you go. I'm sorry. sana kahit sinong lalaki ang makilala mo, hindi mo makalimutan na mahal na mahal kita. "



kasabay ng pagtulo ng luha ni Vera ay ang paghaplos ni Troy sa pisngi nya para punasan iyon




Lumuluha din si Troy at parang pinapatay si Vera sa narinig nya.



"A-are you breaking up with me?"



dahan-dahang tumango si Troy



"I was wrong. I can't protect you if i'm the one who always put your life in danger"



umiling ang dalaga




"Hindi yan totoo."



lumapit si Troy at hinalikan ang labi ng dalaga



ramdam ni Vera.

that kiss was a goodbye

nang maghiwalay ang mga labi nila nagyakap silang dalawa



"Please be happy even if it's not with me anymore" malungkot na saad nya atsaka lumayo sa dalaga dahan-dahan ay tumalikod sya at naglakad palayo



Paulit-ulit na tinawag ni Vera ang pangalan niya pero hindi na ito bumalik, Hindi na sya bumalik. Naiwan syang nag-iisa. Naiwan nanaman syang mag-isa



sanay naman sya noon na mag-isa pero simula ng makilala nya si Troy nakalimutan na nya ang pakiramdam ng nababaliwala, ng malungkot. Ngayon na lang nya ulit ito naramdaman




Bakit kapag lalo nating minamahal ang isang tao lalong lang itong nalalayo saatin?




si Troy ang isa sa pinakamagandang nangyari sa buhay nya and maybe life was really unfair. baka nga ayaw talaga syang maging masaya nito. That hurts. Kung kailan masaya ka na tsaka ipapamukha sayo na hindi mo iyon deserve



hinawakan ni Vera ang pendant ng kwintas na binigay ni Troy



She was broken at hindi nya alam kung ano pang hahanapin nya o kung may dapat pa ba siyang hanapin



naramdaman nya na lang na may yumakap sakanya and it was her brother.


My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now