Chapter 25

1.4K 43 0
                                    




nandito ako sa isang coffee shop at tahimik na iniinom ang kape ko habang palaisipan pa din saakin ang nangyari kahapon


Pagulo ng pagulo ang lahat.

umiiling akong ininom ang kape ko


agad na umangat ang tingin ko nang mapansing may lalaking nasa harapan ko

"Vera! Ikaw pala yan"


Ngumiti ako kay Van


"Obvious naman na ako to. hahaha upo ka, may kasama ka bang iba?" Tanong ko at tumingin sa likuran nya baka kasama nya sila Macky

umiiling syang umupo sa upuan na kaharap ko

"Ako nga dapat nagtatanong nyan, may kasama ka ba?"


"Wala eh," saad ko at ngumiti

"Nasan si Troy?"



"Nagmall sila ng pamilya nya."

"Ahh" sabi nya at tumango tango, nag-order na din sya at nang mailapag ang inorder nya sa table namin ay naglakas loob na akong magtanong kay Van


"Van, Talaga bang magbestfriend dati si Troy at Diego?"


naibuga nya ang kape nya, dahilan para mapatingin ang ibang tao saamin sa loob ng shop


"Naku sorry!" saad ko at inabutan sya ng tissue


"Bakit mo naman natanong yan?"

bumuntong hininga ako at agad na kinuwento kay Van ang nangyari kahapon sa school


Matagal syang tumahimik atsaka tumingin sa labas ng shop


"Hindi ko alam kung tama bang ikwento ko sayo pero dahil mahal ka ni Troy. sige " aniya at inayos pa ang upuan nya papalapit sa table namin


"Yes, Matalik na magkaibigan na si Troy at Diego nang makilala namin sila. Ang sabi nila saamin, magkababata sila. Sabay din silang pumasok ng gang na noon ay pinamumunuan ng Kuya mo na ngayon ay si Troy na ang namumuno. Naging malapit ang tatlo. Si Harry, si Diego at Troy. Ka-close din naman namin sila pero silang tatlo yung mas palaging nagkakasama. Hanggang sa isang araw nagkagusto si Troy sa babaeng nagngangalang Melissa. Patay na patay doon si Troy, pero kahit ganun suportado namin sya kaya lang ang gusto ni Melissa ay si Diego"


bumuntong hininga sya


"Can you imagine that? Yung taong gusto mo ay may gusto sa bestfriend mo. Melissa chose Diego at naging sila. Troy's first heartbreak halos lahat kami apektado sa init ng ulo niya araw-araw, Hanggang sa pare-parehas na kaming nakapansin ng pagbabago kay Diego simula ng naging sila ni Melissa. Masyado ng tumaas ang tingin nito sa sarili, Madalas ay maangas na din siyang makipag-usap saamin kaya hindi naiwasan at nakaaway niya si Carl pero kahit na naging ganun na si Diego saamin hindi pa din nagbago ang pakikitungo sakanya ni Troy. Troy said, Bestfriend nya si Diego mahal nya ito na parang kapatid at kaya nyang magparaya kung doon ito sasaya. "


umiiling iling si Van na parang nanghihinayang sa samahan nila Troy at Diego


"Troy and Diego is a great tandem. Hindi ko lang talaga alam kung anong utak ba meron si Diego at nagawa nya kaming traydurin"

aniya, at uminom sa kape nya


"Traydurin?"


"Yes. All this time, Diego was helping the other gangs para mapabagsak kami.
Nagkaroon ng gang war sa loob ng school nun. Dehado kami, napagplanuhan ng kalaban eh. Pagkatapos ng gang war na yun pare-parehas kaming nasugod sa hospital dahil sa mga saksak, at baling buto" natatawa siyang umiling


"At si Troy? He cried."
dagdag niya



tumingin ako sakanya.
Si Troy Hernandez umiyak?


"Cried because of pain, hindi dahil sa baling buto nya o sugat nya. He cried because he lost his first ever friend, his brother, his Bestfriend. pagkatapos ng pagpaparaya nya sa lahat ng bagay para kay Diego ay tinraydor lang sya nito. Sa ilang taon nilang nagkasama nalaman nyang hindi naman talaga siya itinuring na kaibigan ni Diego. Ang tanging gusto lang ni Diego ay ang makataas kay Troy, mahigitan ito."

wala akong ibang naiiisip ngayon ay kung paano nakaya ni Troy ang lahat. Nawala sakanya ang minamahal nya at napunta sa bestfriend nya, namatay ang babae at tinraydor siya ng bestfriend nya.


"Ang matindi pa nyan, Nang mamatay si Melissa walang pakialam si Diego."

gulat akong tumingin sa disappointed na mukha ni Van


"s-seryoso?"
hindi makapaniwalang tanong ko


"Oo, Hindi naman pala minahal ni Diego si Melissa, ginamit nya lang ito para saktan si Troy"


wow, Diego deserves a hundred awards for being a jerk


"Naulit ang nangyari, pero kay Megan naman. We all know that she's cheating pero masyado namang mababaw ang nararamdaman ni Troy at hindi naman sya mukhang apektado sa nangyari pero syempre, Nakakabastos pa din yun noh, Isipin mo yung girlfriend mo ay may ginagawang kababalaghan sa ex bestfriend mo"


Parehas kaming natahimik na dalawa, Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

sa matagal na katahimikan ay binasag iyong muli ni Van


nakita ko na lang na nakatitig sya ng husto sa mukha ko


"Troy loves you"


kumabog ng malakas ang dibdib ko at wala akong nagawa kundi iiwas ang aking tingin


"If you can't love him back, sabihin mo sana ng mas maaga. Wag mong hayaang mahulog sya lalo sayo pero alam mo naman sa sarili mong hindi mo sya kayang saluhin. Don't let him fall hard to the point that he will never recover again"



"Van.."


"Hindi kita pinangungunahan sinasabi ko lang, Kaibigan ko si Troy. Ayoko na siyang makitang masaktan ulit sa paulit-ulit na bagay. Sa lintik na pag-ibig nanaman. Love ruined people, Love ruined Troy, Love ruined me, Love ruined Harry,"


muli siyang tumingin sa mga mata ko


"And it can ruined you too, Vera."

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now