Chapter 11

2.3K 66 7
                                    

Pagbukas ko ng pinto lahat sila napatingin saakin

"Chill, hindi po ako nakapatay" Sabi ko. tumawa naman yung Lucas at Macky

at sila Diego at Troy na nasa gilid

"Maupo ka hija" sabi nung Guidance

umupo naman ako sa tabi nung Macky

"Nakita sa CCTV na malapit ka sa pinangyarihang pambubugbog kay Macky Romero. Anong ginagawa mo dun?"

"Mam napagutusan po ako sa Faculty room tapos nakarinig ako ng kalabog"

sabi ko at tumingin kay Lucas

"Sigurado kang hindi ka kasabwat dito?"

"Mam naman tignan nyo naman ang katawan ko sa katawan ni Macky na to. Wala akong palag sakanya" Ngumiti saakin si Macky

"Okay. Mr Hernandez?"

napatingin kaming lahay kay Troy

"Bakit hindi mo manlang tinulungan ang kaibigan mo?"

oo nga naman. nandun din si Troy

"Hindi naman sya mamatay dun kaya hinayaan ko lang"

napanganga ang guidance sa naging sagot nya

"Alam kong may matagal ng alitan sa grupo nyo pero sana iwasan nyong magkasakitan lalo na sa loob ng school. Mr. Piamonte Magkakarecord ka ngayon. and also this will be your first offense and also you Diego, dahil kasama ka dito."

May kung anong sinulat yung si Mam tapos pinalabas na din kami. Nasan si Megan? parang di ko yata nakita sa loob

"Megan is the daughter of the founder of this school that's why kahit nakita sya sa CCTV hindi sya pinapunta sa Guidance" Troy

ngek? Ang unfair ha! kahit na noh!

humarap saamin sila Lucas At Diego

"Wala pa kaming napag-uusapang plano. Happy?" Troy

nakapoker face lang yung dalawa tsaka tumalikod na at naglakad palayo

"ano bang meron sa lintik na plano na yun?"

bulong ko sa sarili, lumapit sa bandang tenga ko si Macky

"Plano kung paano namin papatayin ang isa't isa."

literal na nalaki ang mata ko.. P-papatayin? tama ba ang dinig ko?

he chuckled at ngumiti sakin

"Bye sainyong dalawa. Sa Classroom diretso nyo ah wag sa banyo o kaya sa likod ng school" Tapos tumaas baba ang kilay nya tsaka tumakbo palayo

hindi ko na pinansin ang kaberdehan ng Macky na yun

"Troy, totoo bang iyon ang plano nyo?"

hinawakan nya ang kamay ko atsaka tumingin saakin

"Sa tingin mo totoo yun?"

"Gago ka ba? kaya ko nga tinatanong sayo diba?"

"its for you to find out Vera."

**

Nasa kwarto lang ako habang iniistalk ang fb account ni Troy

tss. Hindi naman sya ganun ka-active

*scroll

*scroll

My Brother's BestfriendHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin