Chapter 12

2.3K 54 0
                                    


"Ms. Vera Trinidad!"

agad akong napatunghay at doon ko lang napansin na  nakatingin na lahat ng classmate ko sakin

"Yes mam?"

"lumilipad nanaman yang utak mo. Answer this problem on the board!" Highblood na sabi ni Mam

tumayo naman ako at inintindi ang nakalagay sa board. Kahit naman nagloko ako nung third year may utak pa din ako noh!

Sinagutan ko na ang formula na yun at ibinalik kay mam ang marker

uupo na sana ako nang tawagin ulit ako ni Mam

"Your answer is correct. but next time wag ka ng matutulog sa klase ko." malumanay na sabi nito

tumango ako at umupo na nga

tsk! sinamaan ko ng tingin si Diego na pangisi-ngisi

kung hindi siya nagpunta sa kwarto ko kaninang hatinggabi at nagsabi ng kung ano ano eh di sana hindi ako nagpuyat pa lalo kakaisip

napatingin naman ako kay Troy na nakatingin din saakin

hindi ako nagsalita nung tinanong nya kung sinong nagpunta sa kwarto ko. hindi naman nya ako pinilit magsalita at umalis na din sa kwarto ko

nung nag-uwian na, naalala ko yung sinabi ni Diego.
umupo ako sa isang bench

Parang medyo naiintindihan ko na ang ibig nyang sabihin sa 'Know your enemies so you know how to hurt them'

ginawa nya yung plano na yun nung nalaman nyang magkasama kami sa iisang bahay ni Troy. nagconclude sya na may something special or malapit kami ni Troy sa isa't isa so ginawa nya ang planong yun para makumpirma ang conclusion nya. at nagtagumpay siya kasi nga nagpaiwan si Troy sa school para hanapin ako

At kaya nya inaalam kung malapit ako kay Troy ay para masaktan nya ito sa pamamagitan ko?

pero paano kung mali si Diego. Paano kung kaya lang ako binalikan ni Troy ay dahil kargado nya ako dahil sakanya ako ipinagkatiwala ni Kuya Harry. paano kung hindi naman talaga ako importante kay Troy?

nakakalungkot naman kung ganun chos! pero pano nga? hayys

biglang may humawak sa balikat ko

"I didn't know you were that smart Vera"

"Diego..."

"You're saying it aloud" at tumawa sya tsaka umupo sa tabi ko. nasabi ko ba ng malakas ang iniisip ko?

"Tama ka nga. paano nga naman kung hindi ka talaga importante kay Troy? pano kung ginawa nya lang yun kasi kapatid ka ng bestfriend nya?"

Tumingin sya sa papalubog na araw kaya tumingin din ako doon

"You were right. I want to hurt Troy sa pamamagitan mo. I want to hurt Troy emotionally. Kaya gusto kong malaman kung may something sainyo. pero tama din ang iniisip mo Vera. Paano nga kung hindi ka naman talaga mahalaga sakanya?"

yumuko ako. Dahil ang sakit marinig na pano nga kung hindi ako mahalaga kay Troy

matagal kaming natahimik na dalawa

"Hahahaha" napatingin ako kay Diego nang bigla itong tumawa

"Baliw ka ba?"

"No. I just know what to do next" tumayo sya at inilagay sa bulsa ang mga kamay nya

atsaka umalis.. napakawirdo talaga ng lalaking yun

Habang naglalakad papunta sa service may napagtanto ako

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now