Chapter 18

1.6K 46 0
                                    

"Hindi nyo ba talaga alam kung saan siya nagpunta?" tanong ko sa limang lalaki habang nakaupo  dito sa likod ng school kung saan ako hinila ni Troy dati

sabay-sabay silang umiling at nilantakan ang luto ko.


Hindi pa din kasi umuuwi si Troy. Hindi pa din umuuwi sila Tita.


Pagpasok na pagpasok ko dito sa school kaninang umaga, nagulat na lang ako ng parang asong nakabuntot saakin tong lima. at tungkol naman sa mga classmates ko, halata ko sa mukha nila ang pagkagulat na makita silang sama-sama

umaarte silang parang walang nangyari tila ba mga normal na estudyante lahat kami. Nakakatakot. dahil sa paaralang ito ako lang ata at mga teacher ang hindi gangster



pag nagkagipitan ang lahat. ako ang dehado, pero nasan na ba ang 'pinakamataas sa lahat ng estudyanteng nandito?' nasan na si Troy?


tinignan ko na lang ang limang kumakain ng lunch


"Vera, hindi ka ba talaga kakain?" tanong ni Carl


umiling ako


"Alam mo malaki na si Troy. kaya nya sarili nya tsaka wag kang mag-alala dun gago lang yun pero hindi naman sya tatanga-tanga" sabi naman ni Van

at tumango ang apat pa bilang pagsang-ayon sa sinabi nya


Habang naglalakad pauwi ay iniisip ko talaga kung saang lugar sya maaring pumunta pero wala. Hindi ko naman kasi sya ganoong kakilala pa


pagkauwi ko sa bahay hindi ako sanay na tahimik. Grabe, bakit ba ang lungkot ng paligid


7:00 pm na

pero walang Troy akong nakikita. miski anino nya ay hindi ko manlang makita


Alam ko namang masakit ang sinabi ko pero seryoso ba sya? Yun ba talaga ang gusto nyang iparating?


nagsuot ako ng sweater at naglakad sa labas

madilim na at delikado pero mababaliw yata ako sa bahay


Hindi ko namalayan na naglalakad ako papunta sa ilog kung saan kami naligo ni Troy

binuksan ko ang flashlight ng cellphone ko para makita ang mga batong aking dinadaanan


Nang makita ko ang puno kung saan kami nagbihis ay pumunta ako dun


naupo ako habang bukas ang flashlight.

sinandal ko ang likod ko sa puno at tumingala sa bilog na buwan

ipinikit ko ang mga mata ko pero wala pang isang minuto akong nakapikit may nagsalita na syang nagpabilis ng tibok ng puso ko

"Gabi na, bakit pumunta ka dito Vera?"

agad na nanlaki ang mata ko

siya na nga ba yun? Galing ang boses sa kabilang parte ng puno

parang magkatalikuran lang kami at ang puno ang nagpapagitna saaming dalawa


lilingunin ko sana sya at tatapatan ng flashlight pero muli siyang nagsalita


"Aish! Don't! Nasisilaw ako"

mabilis kong inalis ang ilaw

natawa ako dahil ganyan din ang reaksyon nya nung nagkanda hulog hulog sya sa hagdan at natapatan ko siya ng flashlight sa mata. pero bakit siya nandito? bakit hindi pa din siya umuuwi?


"Bakit hindi ka pa umuwi Troy?" tanong ko

hindi ko kita ang mukha nya dahil malamang nakasandal din ang likod nya sa puno


nag-abang ako pero wala naman siyang sinabi, hindi sya umimik.


nagbuntong hininga ako at muli na lang tumingin sa buwan


"I'm sorry.." mahina kong sabi pero sapat na para marinig nya


"No, don't say that." aniya



natahimik ako saglit, magsasalita sana ako pero bigla na lang siyang tumawa ng sarkastiko


"I can't believe it. I still can't believe that I assume that you... love me Vera"


bakas ang sakit sa salitang binitawan nya. if my memory serves me right ang ginawa lang namin palagi ay mag-asaran at mag-away like what the hell?


"Linawin mo nga Troy. Ano ba talagang gusto mong iparating sakin? bakit ba naisip mo na mahal kita? nababaliw ka na ba?"



"Manhid ka ba talaga?"



nagulat ako sa mabilis na pagsasalita nya para magbalik ng tanong. narinig ko ang malalim nyang paghinga.

Naramdaman ko na lang na unti-unti siyang umaalis sa pwesto niya at hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko na ang mukha nya


"Lumaki ako na lahat ng babaeng nagugustuhan ko gusto din ako. Hindi ko kailangang maghirap pa para mapansin nila, para makaakyat ng ligaw o kung ano pa. Hindi ko alam na sa lahat ng babaeng nagustuhan ko ay sasablay at sasablay pa din pala ang kagwapuhang ito. sasablay at sasablay pa din pala pagdating sayo"
aniya. at bigla na lang tumingin saakin ng diretso



napataas ang kilay ko


"Saan banda sayo ang gwapo?" pang-aasar ko


tumawa sya  at umiling-iling


"We're not even friends. tama nga naman yon" aniya

kahit madilim, kita ko ang mukha at mata nyang hindi mo malaman kung anong gustong sabihin

"Because last time i checked, friends don't kiss, doesn't take a bath together and sleep together. right Vera?"

namula ang pisngi ko sa sinabi nya.


"But if we are not friends, what are we?"
pagtutuloy niya

"Lovers? haha if my memory serves me right. You reject me right away that night."

nanatili akong tahimik


"I never get rejected by anyone in my whole existance Vera. "
iniwas ko ang tingin ko nang seryoso niya akong tinignan


"Hindi ko naman sinasadya pero kasi Troy--" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla niyang hapitin ang bewang ko papalapit sakanya


inilapit nya ang mukha saakin. Magkadikit ang ilong naming dalawa and i can smell his perfume at ang hininga niyang amoy mint


"pero ano?"


napalunok ako. kailangan ba pag nag-uusap ganito kalapit? Hinawakan ko siya sa balikat at inilayo ng bahagya at umiwas ng tingin. nang gawin ko iyon ay naramdaman kong lumuwag ang pagkakahawak niya sakin


"Pero hindi ko kasi... hindi ko alam kung paano ko, hindi kita ughh! "
what are the right words to say?


"Just say it, Hindi mo ko mahal. You don't feel the same way" aniya atsaka ako binitawan


tinignan ko siya ulit at para akong naground nang magtama ang tingin namin


"Mas mabuti ng sa bibig ko marinig ang bagay na yun kesa sa iyo mismo"


muli siyang bumuntong hininga


"Hindi ko lubos maisip na magkakagusto ka saakin Troy"


"Ako din. Something's wrong with me right? " naiiling na sabi nya

ilang minuto ang namayani saaming dalawa

lumunok ako nang maalala na gangster nga pala siya. Hindi ko talaga akalain na makakagawa sya ng mga maling bagay

katulad kaya ng..

"Be honest with me, Did you already killed someone?" Hindi ko siya tinignan ng tinanong ko iyon


matagal bago siya nakasagot.


"yes" parang may tumusok sa dibdib ko


"G-ganun ba?"


ngumiti sya saakin ng malungkot


"Huwag kang mag-alala kung meron man akong huling taong sasaktan..."

tumayo siya at nilahad ang kamay niya sakin

"no, scratch that. I will never hurt you Vera"


--

tuliro akong naglakad pabalik sa bahay, hindi pa din daw muna sya uuwi. tinanong ko kung saan sya tumutuloy pero naglakad na lang sya palayo


Napapikit ako ng mariin at tumigil sa paglalakad.


Ugh! Bakit may nararamdaman akong kakaiba? Hindi maalis sa isip ko ang mga mata ni Troy. Hindi ko maalis sa isip ko ang mga ngisi at tawa nya


Nakakainis! Muli kong tinignan ang likuran ko para tignan ang daang tinahak ko kani-kanina lang


And the next thing i knew tumatakbo na ako pabalik doon para hagilapin kung nasaan si Troy.

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now