Nabobored akong tumingin sa teacher naming panay ang turo sa unahan
nang biglang bumukas ang pintuan
agad kong iniwas ang tingin ko bago nya pa ako matignan. bakit naman kaya late sya? Pagkadaan nya sa gilid ko halata kong matamlay sya
pigil na pigil ko ang sarili kong hindi siya tignan kahit pa narinig kong nagbulungan ang mga classmate ko sa likod ko
"Bakit mukhang malusog pa ang eyebags ni Troy kesa sakanya?"
"Oo nga ano. si Vera din ganyan e"
"Hay nako, hayaan na nga natin sila. Ang dapat nating isipin ay yung bagong gang sa underground blah blah blah" inikot ko ang eyeballs ko atsaka sumalampak sa table ko
Wala pa akong tulog. Kaya kung meron mang bangag bukod sa author, ako yon!
kasabay nang pagsubsob ko ng ulo ko sa table ay nakita kong ganun din ang ginawa ni Troy, sinubukan ko siyang pasimpleng silipin pero ipinaling nya ang ulo nya sa kabila kaya hindi ko na ito nakita pa.
**
Habang nasa canteen at pumipila, Naiinis kong pinaypayan ang sarili ko
"Ang init naman! Tokwa!" Sabi ko sa sarili at inis na tinitignan ang daloy ng pila. ang bagal naman yata
"Troy! wag ka ng pumila dyan! May pagkaing binili sayo si Megan"
dinig kong sabi ni Ronaldo kung saan
pagtingin ko si likod ay nandoon si Troy
napakalapit nya pala saakin, nakatitig lang din sya saakin ng seryoso. Iniwas kong tingin ko at tinalikuran sya
sa dinami-dami ng estudyante dito na pwedeng pumila sa likuran ko, Si Troy pa
Naramdaman ko na lang na dahan dahan siyang umalis ng pila at sumama kila Ronaldo
Bago siya tuluyang makalabas ng canteen ay nakita kong sinalubong sya ni Megan
**
"Miss, Library card nyo po?" Tanong nung librarian
nagkukumahog kong hinanap ang library card ko sa bag ko
nang biglang may nagbagsak ng makapal na libro sa table na nasa harapan ko dahilan ng pagkagulat ko
Nang malaman kong si Troy yun ay ibinalik ko ang paghahanap ng library card sa bag ko kahit pa ang bilis bilis ng tibok ng puso ko
"Sa library card ko na lang mo din ilagay yung libro na hinihiram nya. Ako na lang din ang magsasauli"
tumango naman ang librarian at akmang susulatan na nga ang library card ni Troy
"Hindi na po! Eto na po ang library card ko" Sabi ko, ngumiti naman ang librarian at sinulatan na yun
awkward akong pumirmi at kahit gusto kong tignan ang lalaking nasa tabi ko hindi ko magawa
"Parang nakikita ko kayong dalawa na magkasama dito sa school eh, kayo ba?" tanong nung librarian
aba, hindi naman na yata sakop ng trabaho nya ang magtanong ng kung ano-ano
inabot ko na ang hinihiram kong libro at dahil wala naman akong balak sagutin ang tanong nya ay paalis na sana ako.
"Nagkakamali ka miss. Hindi kami magkakilala"
rinig kong sabi ni Troy, kinuha nya ang libro na hinihiram nya atsaka naglakad at nilagpasan ako
wow, talaga palang ganito ang gusto nya?
**
Naglalagay ako ng gamit sa locker ko, mag-iiwan lang ako ng ibang gamit tapos uuwi na din ako.
Hindi na ako nagseservice at doon ako sa apartment ni Kuya Harry tumitira ngayon. Nakakahiya nga, si Kuya na nga ang nagbibigay ng allowance ko doon pa ako nakitira at dagdag palamunin nya pa. Hindi naman siguro ako magtatagal at hahanap ako ng kahit maliit na apartment at kung suswertihin ay pati part time job maghahanap na din ako
pagkasara ko ng locker ko ay nasa gilid ko si Megan at nakacross arms
umiiling akong lalagpasan sana sya pero tinulak nya ko kung kaya't napaurong ako pabalik.
"Ano nanaman bang drama mo?" inis na tanong ko
bago pa sya makasagot ay may lalaking tumabi saakin
si Diego at pagkatapos ay may lalaki ding tumabi kay Megan,
si Troy.
parang nangyari na din ito. Yun nga lang nagkapalit-palit na kami ng pwesto
parang nagkaroon ng karera sa puso ko nang tignan ako ni Troy
Dati ay nasa tabi nya ako pero ngayon si Megan na
"What a scene" bored na sabi ni Diego
"Tara na Megan" Troy
"Okay" nakangising sabi ni Megan habang nakatingin saakin
Napayuko na lang ako. Dati din, ako ang kasabay ni Troy pauwi.
Hinawakan ni Diego ang kamay ko at inunahan namin sila ni Troy palabas ng school
dali-dali akong sinakay ni Diego sa kotse nya at walang imik nyang pinaandar ito
Hanggang sa tumigil kami sa isang bar
hinila nya ako palabas ng kotse at nagulat na lang ako nang makapasok kami sa loob ng walang kahirap hirap
underage pa kami ah!
![](https://img.wattpad.com/cover/57935008-288-k229678.jpg)
YOU ARE READING
My Brother's Bestfriend
RomanceCan you live with your brother's bestfriend? con-amore-2015