Chapter 34

1.7K 34 0
                                    


Megan's POV

"Sigurado ka ba dyan sa gagawin natin?"

tanong ko kay Lucas, well, he's planning something


"Yes, Kailangan mapalitan ko sa pwesto si Troy bago mag graduation" sabi nito at patuloy lang sa paglilinis ng baril nya


"But don't kill him"


tumingin sya saakin at marahas na ibinagsak ang baril nya sa lamesa


"Don't kill him?"


tumawa sya ng sarkastiko


"Kapag hindi ko siya pinatay. sya ang papatay satin!"


"I love Troy! Hindi mo sya pwedeng patayin!"


"Damn. Megan, Ano bang meron sa pag-ibig na yan at halos lahat ng nagmamahal natatanga?"


Lumapit sya saakin at sinuklay ang buhok nya


"Listen Megan, Hindi ka nya mamahalin, time to wake up! Si Vera ang mahal nya!"


i formed my hand into fist. That girl ughhh

sya dapat ang mamatay eh!!!


"I want Vera dead." I said in gritted teeth

Lucas smirked.


"Sure. We'll work on that"


**


Louie's POV

pasipol-sipol akong pumasok sa hideout namin.


oy hindi yan warehouse ah hindi naman kami ganun ka-cheap


Mukha siyang hotel suite actually,


Nakita kong naglilinis ang mga gago.


Nagwawalis si Ronaldo at Carl, nagpupunas naman ng alikabok si Macky at Van


naknampota. ano kayang nasinghot ng mga to?

ang malala pa, ala-una na ng madaling araw tapos nagsisipag-sipagan sila


"Hoy anong ginagawa nyo?" sabay-sabay silang tumingin saakin tapos sabay-sabay din silang bumalik sa mga gawain nila


hanep. para akong kumausap ng hangin, nagkibit balikat na lang ako


umupo na ako sa sofa atsaka kumuha ng fhm magazine

ipinatong ko ang paa ko sa center table


naks. ang kintab ah


"Take your damn feet off the table, Louie." seryosong sabi ni Macky


"Bakit pre?"


"Anong bakit? sasapakin kita. ilang oras kong nilinis yan!"  Van


"Ulol! ako nagpunas dyan!" Macky


"Tanga! ako kaya!" Van


napailing na lang ako at hindi sila pinansin

napatingin ako sa gilid ko nang makitang nag-aaway na din si Ronaldo at Carl


"Ayan! nabali tuloy yung walis!" Carl

"Ihampas mo ba naman sa machong katawan ko edi mapuputol talaga yan" Ronaldo


"Sa kagwapuhan ko to kaya nabali" Carl


"Isa kang taong nonsense Carl, tigilan mo ko" Ronaldo

"Tangina mo." Carl


naiiling na lang akong tumayo sa sofa at pupunta sana sa kusina para uminom ng tubig pero may narinig akong sunod-sunod na kalabog at putok ng baril mula sa isang kwarto dito sa hideout namin

pare-parehas kaming napatigil na lima at nagkatinginan


"Ano yun mga pre?" tanong ko


"Alin?" Kunot noong tanong ni Van

"Yung putok ng baril" Sabi ko


"Luh? wala naman kaming naririnig eh. hala louie, baka mamamatay ka na kaya ka nakakarinig ng ganyan" Biro ni Macky


Hinarap ko sakanya ang middle finger ko tumawa lang sya at pare-parehas silang umupo sa sofa


lumapit ako sakanila

"Si Boss yun, kakauwi lang" Sabi ni Carl at bumuntong hininga


"Badtrip na badtrip nga eh. sabi pa samin wala daw uuwi tsaka pag nakita nya daw kaming hindi naglilinis papasabugin nya daw tong hideout natin" paliwanag naman ni Ronaldo

"Oo nga, tsaka Louie kanina ka pa hinahanap ni Bossing. bakit daw wala ka, naku yari ka dun" Pananakot ni Van

"Tinatawagan ka daw hindi mo naman sinasagot" sabi ni Macky

dinukot ko naman ang cellphone ko at may 20 missed calls nga galing kay Troy


patay, yari talaga.

napatingin kaming lahat sa teleponong nagring na nakalagay sa side table


sinagot naman yun ni Macky


"Hello? Macky the pogi at your service"


"po? yes boss." Sabi nya at ibinaba ang telepono


"Pinapatawag tayong lahat" Sabay-sabay kaming nagtungo sa isang room

nakaupo si Troy at may baso ng alak sa gilid nya

may mga nagkalat na sirang gamit at basyo ng bala ng baril

Inayos ko ang nakataob na sofa at doon kami umupo


Pulang-pula ang mga mata nito at diretsong tumingin saamin


"Troy, nagdadamo ka ba?" Tanong ko.

Ang mga gago naman nagsitawanan sa tanong ko


"WOOOH SAMA-SAMA TAYO SA DAANG MATUWEED!" at naghagalpakan na sila


hindi ko na naiwasan at natawa na din ako hanggang sa makarinig kami ng kasa ng baril. automatikong natahimik ang buong paligid

"Nalinis nyo na ba ang pinapalinis ko?" Tanong ni Troy


Agad naman nagsitango ang apat, tumingin ng masama saakin si Troy

"San ka galing Louie?"

"Nagpunta akong bar bossing" sabi ko

tumango naman siya. Uminom sya sa baso nyang may alak

"Nasan na yung pinapalinis ko?"

"Boss, nasa sala. alangan namang dalhin namin lahat ng tinanggalan namin ng alikabok tsaka winalisan" sabi ni Ronaldo

kumunot ang noo ni Troy

"what the fuck? anong alikabok? anong winalisan nyo?"


"Diba sabi mo maglinis kami?" Van


humawak si Troy sa noo nya

"Damn! I mean maglinis kayo ng mga baril at mga gagamitin natin sa gang war"


Hindi ko mapigilan ang hindi matawa. mga ungas na to, ang slow naman pala

"Did i gave you the permission to laugh Louie?" nanahimik na lang ako. mahirap na, may hawak na baril si bossing

pero teka, gang war?


"May gang war bossing? saan? tayo ba ang main event?" Tanong ni Carl


"Gagu. anong tingin mo dun boxing? may main event?" sabi ko


"Yes. Magkakaroon ng gang war sa friday ng gabi sa isang warehouse malapit sa bahay nila Van" sabi naman ni Troy


"sa Thursday, doon tayo sa bahay nila Van matutulog" dagdag pa nito


naghiyawan kami, ayos yun!

"pre, ira-rak namin bahay nyo mwahahaha" Ronaldo


"bossing naman! ang hirap kaya maglinis!"

tinignan lang sya ng matalim ni Troy


"Sabi ko nga dun kayo matutulog eh. Kahit doon na kayo tumira ayos lang, hindi naman kayo iba saakin hehe " Awkward na sabi ni Van

"Pero paano mo nalaman na magkakagang war sa friday?"

tanong ko


usually kasi, wala namang scheduled date yun. kung kailan lang talaga nagkakabanggaan ang mga gang tsaka nagkakaroon ng gang war


"Diego texted me."


natahimik kaming lahat, si Diego?

"Can we trust him? Hindi ba nakakalaban natin siya sa mga gang war nung nakaraang taon? paano kapag niloloko nya lang tayo?" Tanong ni Macky

tama si Macky  baka i-set up lang kami ni Diego


umiling si Troy


"Wala ng grupo ngayon si Diego, Its been 2 months simula ng umalis siya sa grupo nila. Kaya anong mapapala nya kung sakaling iset up nya tayo eh mag-isa na lang sya?"

tumango-tango kami. sabagay. pero ano? nagleave si Diego sa grupo nila?


"Eh kung ganun sino ng leader ng gang nila?" Tanong ni Macky


"Lucas Piamonte" saad ni Troy


"sinabi ba ni Diego kung sino at ilang gang ang pupunta sa gang war?" Tanong ni Ronaldo

umiling si Troy

"No, He just gave limited informations. Like the date, the place and the time."


"Baka nandun sa gang war ang pumasok sa bahay nyo Troy" sabi ko

tumango siya

"There is a possibility." Aniya


"Pero bakit naman kaya nagleave si Diego sa gang nila?" nagtatakang tanong ni Carl, actually tanong ko din iyon


"Maybe he was trying to help?" napatingin kaming lahat kay Macky

wow. After all these years ngayon nya maiisipang tumulong?


tinignan ko si Troy at nakatingin lang sya sa kawalan


"Huwag na muna nating isipin yun. Linisin nyo na lang ang pinapalinis ko and you can go home. " sabi ni Troy at tumalikod na saamin


Nauna ng maglakad palabas ang apat pero tumingin ako kay Troy na nakatalikod


"Isasama ba natin si Harry dito?"
humarap saakin si Troy

"No. Kailangang may magbantay kay Vera"


tumango ako

kahit naman hindi nya saamin sabihin alam ko namang hiwalay na sila ni Vera.

Sa tagal naming magkakasama, ramdam na namin ang isa't isa atsaka alam naming pinapalayo sya ni Harry kay Vera

ano bang palag ni Troy eh kapatid pa din naman ni Vera si Harry.

"Heartbreak lang yan pre, chill ka lang. madami pa tayong totodasin sa biyernes" Sabi ko

ngumiti naman sya saakin at ibinato saakin ang baril na hawak nya

"Pakisabi sa mga ungas, mauuna na akong umuwi" saad nya atsaka kinuha ang jacket nya at isang pakete ng sigarilyo bago lumabas sa kabilang pinto



**

Harry's POV

"Vera? Vera?" Tawag ko at patuloy sa pagkatok sa kwarto nya. No choice akong kinuha ang duplicate key at binuksan yun

nakita kong nakahiga si Vera at umiiyak nanaman sya


"Vera, kumain ka na kahit konti" 

nagtalukbong sya ng kumot



umupo ako sa dulo ng kama nya at nagbuntong hininga

"sa tingin mo ba babalik si Troy sa ginagawa mo?" Sabi ko pero wrong move ata dahil narinig ko ng humihikbi sya


sinubukan kong tanggalin ang kumot na nakatalukbong sakanya pero hinawakan nya ang kumot


"Kuya sabihin mo nga sakin, panget ba ko?"

My Brother's BestfriendWhere stories live. Discover now