"HOY VERAAA DALIAN MO NAMAN!"
"OO ETO NA -- AY! NALAGLAG ANG SUSI!!"
"HAAYYYS!" naiinis na sabi ni Troy at lumapit saakin
"AKO NA NGA MAGLA-LOCK. SUMAKAY KA NA SA VAN" inis na sabi nya
ilang saglit pa pagkatapos niyang ilock ang bahay, tumabi na din sya saakin sa loob ng van at umalis na nga kami.
yes, first day na ng school mga kaibigan.
puro introduce yourself lang magaganap mamaya panigurado
tsaka sana naman hindi ko na maging kaklase tong kumag na to. kakasawa na mukha e, kasama na nga sa bahay kasama pa sa servicetss, naglagay ako ng earphones at nahagip ng mata kong nakatitig saakin si Troy
"Ano?"
"Ang panget mo."
hinampas ko siya sa balikat. lintik na to ang yabang
tumawa lang sya tsaka sumandal tapos pumikit parang tutulog yata
Ang gwapo nya pag nakangiti. Gwapo din sya pag nakapikit. May naging girlfriend na kaya to? ang sama naman ng ugali eh pano to magkakagirlfriend?
pinagmasdan ko ang iba kong ka-service
yung iba, nakauniform na agad. ako kasi tsaka si Troy naka-pants tsaka shirt
nagkikintaban ang mga sapatos nila pero hindi mukhang excited
may nakita din akong nangungulangot sa tabi ng bintana
Tumingin to saakin at mabilis na ibinaba ang kamay nya
Pilit naman akong ngumiti. at hindi ko na din napigilang tumawa, grabe ha. Mukhang napahiya talaga yung lalaki hahahaha i feel sorry for him hindi ko naman sinasadya na mapatingin sakanya.
Hahahahahaha
"Oy tanga!"
makatanga naman to. gising na pala sya at bukas na din ang pintuan ng Van. nandito na pala kami
bumaba na din ako, madaming sasakyan dito sa may paradahan
Hindi naman sya parking lot kasi open sya
pagkababa ko pumasok na kami sa loob
habang dumadaan sa pathway ng school, pingatitinginan si Troy. ganun naman lagi diba? kapag gwapo ang kasabay agaw atensyon ka. tsaka malamang kilala na dito si Troy kasi dito sya nagfirst year highschool. dito din naghighschool si kuya, sa pagkakaalam ko din dito sila nagkakilalang dalawa
"Tss. wag mo nga akong sundan" napatingin ako kay Troy na seryosong nakatingin saakin
"ako? assuming ka din pala noh? sinong nagsabing sinusundan kita?" He smirked
at doon ko lang na-realize na nasa tapat pala kami ng men's room sht.
"Padiretso kasi sana ako kung hindi mo lang ako kinausap" palusot ko tsaka umirap tapos dumiretso na
this school is pretty huge. Saan ako pupunta ngayon? tsaka si troy.. he didn't even accompany me eh sya tong matagal na dito! tsk!
hinanap ko yung canteen
the canteen is pretty impressive too! hindi sya mukhang canteen mukha syang malaking restaurant, grabe naman. but ayos saakin ang ganito
Bumili ako ng pizza at naupo sa isang maliit na table. mag-isa lang naman kasi ako
YOU ARE READING
My Brother's Bestfriend
RomanceCan you live with your brother's bestfriend? con-amore-2015