Chapter 5: Class 2

5.1K 136 6
                                    

"Haizel, 2:00"

Ano yun? Gustong gusto lang ako makausap? Ano ba naging kasalanan ko bukod sa pagiging late?! Warning na lang po muna, sir. Grabe naman sya. Napakastrict naman ata nito.

Nung nakalabas na ko ng classroom, papunta na ako sa canteen nang bigla akong gulatin ni Kathy. Nagtatago sya sa wall at bigla akong hinawakan sa balikat ko at sumigaw.

"Haizel!" Sorry ah, magugulatin ako eh kaya napasigaw na rin ako. Muntikan na kami maging center of attraction buti na lang hindi nila kami matagal na tinignan.

"Grabe! Kilig much kanina ah! Para bang he knows you talaga. Kilig to the bones" sabi nya habang may mukhang napakasaya at halos lumabas na ang buo nyang gilagid sa sobrang smile sakin.

"I'm very happy for you! Iyong iyo na si Mr.Austria. Di ko sya type, mas type ko si Mr.Buenaventura eh kasi ang gwafuuu talaga nya." Ano to? Inaayawan talaga si Mr.Austria dahil may iba sya. Laptrip din tong kaibigan ko ah. Pero okay na rin yun para wala akong kaagaw. HAHA.

"Oo na lang, Kathy. Haha pero kilig to the bones talaga kanina. Sobrang curious lang ako right now kasi parang nalate lang, office na agad. Ganun ba kastrict yun?"

"Oo nga. Or siguro he wants to see you this afternoon. Oh sige! Ikaw na may lablayp. Ako na wala!" Baliw talaga to. Parang pinatawag lang sa office, love life na agad. Ilang beses ko na kaya napatunayan na baliw talaga si Katherine Nieto? Halos araw araw ata napapatunayan ko yun. Haha.

"Parang pinatawag lang, love life na agad? Di ba pwedeng strict lang talaga si prof.?"

"Dun na din punta nun."
"Tara na nga, kain na tayo! Naiinggit lang ako sayo eh." Dugtong pa ni Kathy.

Habang nakaupo kumakain kami, bigla na lang natunganga si Kathy sa isang lalaki na kumakain sa may sulok na table. Ang charismatic ng mukha nya. May salamin and halatang nagji-gym sya. Unang tingin pa lang, masasabi mo nang may itsura talaga sya (pero walang makakatalo kay Mr.Austria) pero sa unang tingin, mapapansin mo din na very serious sya. Bakit kaya natulala sa kanya si Kathy? He is not wearing our uniform. Nakablue sya na polo na binubutones. It looks like na may girlfriend din sya. Napakalucky ng girl na yun kung meron man. Merong kinakalikot na papers yung lalaki. Hmm, I wonder kung sino sya.

"Kathy, baka matunaw yung lalaki sa kakatitig mo." Sa una, hindi ako pinansin ni Kathy so ginalaw ko ang braso nya.

"Oh?!" Tanong nya after ko sya galawin na para bang iritable sya.

"Sino sya?" Tanong ko habang nakatingin doon sa lalaki.

"You'll know him. Real soon" that's the only thing na sinagot nya sakin. Okay, if she say so.

After namin kumain, pumasok na kami sa room at naghintay ng teacher. Habang naghihintay nakipagpalit ako ng upuan sa 'nerdy' kong kaklase. I sat beside Kathy. Honestly, I was thinking to skip my class kaso ayaw ni Kathy. Ano meron? First time ata nangyari to ah. I think she is looking forward on something. Tignan na lang natin.

I'm In Love With Mr.Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon