Chapter 20: Tigres

2.6K 67 1
                                    

"OMG! Waaaahhhh!"

"Ano ba! Ang sakit sa tenga! Makasigaw wagas!"

"Eh sa kinikilig ako eh! OMG! Ikaw na, Haizel! Ikaw na."

Tapos na kaya tumili tili tong si Kathy? Ang tindi ah. Mukhang mas kinilig pa sya kesa sakin eh. Pero, what's new? Ganyan naman talaga sya. Kaso ang iba lang ngayon ay sinasabayan sya ni Bryan. Naririndi na kasi si Bryan sa tili nya. Kinwento ko kasi ang nangyari sa amin ni Cameron nung isang gabi.

"I think he likes you." Sabi ni Bryan na ikinatawa ko naman. Bakit naman ako gugustuhin ng isang napakapogi at napakahot na lalaking katulad nya? I think that's impossible.

Hindi ko pinansin si Bryan at mukhang napansin naman nya ang pag-ignore ko sa kanya kaya pinaliwanag nya sakin kung bakit nya nasabi yun.

"Alam mo kasi, Haizel, hindi basta basta nagpapachange si kuya ng decision nya in just one talk. Kahit nga ako hindi ko kayang paibahin takbo ng isip nun eh. Tapos ikaw isang explanation lang, tapos sumunod agad."

"Special ka sa kanya!" Dugtong naman ni Kathy.

"Hindi naman siguro sa special ako kaya sya agad sumunod. Tsaka hindi naman sya AGAD na sumunod. Siguro pinagisipan pa nya yun. Tsaka maybe na-realize nya din na tama ang mga sinabi ko." Pagmamatigas ko sa kanila. Tinatry kong magmatigas pero sa totoo lang, deep inside ay tunaw na tunaw na ako. Lalo na sa pagkasabi ni Kathy na special daw ako.

"Ewan ko sayo, Haize. Bahala ka kung ano paniniwalaan mo. Basta ako, chill lang ako. Walang bumabagabag."

"Wala nga ba, Kathy?" Napatingin sya sa taas nagkunyariang nag-isip. At saka nya ako pinalo sa braso.

"Wag mo isama si Sir Alex dito!" Tumawa naman ako. Samantalang si Bryan ay nakapoker face.

"Anong mukha yan?"

"Wala. Naisip ko lang na wala namang pag-asa si Kathy dun sa prof niyo." Sinamaan sya ng tingin ni Kathy at saka sinabunutan. Napakabrutal talaga ng best friend ko.

Nakaupo na ngayon si Kathy sa tabi ni Bryan habang hawak ang buhok nya. At maya maya pa ay may tumabing lalaki sakin. Si Cameron.

Nagtinginan naman si Kathy at Bryan. Mukhang naguusap sila sa tingin ah.

"Why are you asking me to go here?" Tanong nya kay Bryan

"Kailangan kasi namin ng mangti-treat samin. Tara. Kanina pa kami nandito sa food court kakahintay sayo. Dun tayo sa may Japanese resto."

I'm In Love With Mr.Professor Where stories live. Discover now