Chapter 9: Dance Floor

4.1K 125 1
                                    

Alexander Buenaventura's POV

"Goodafternoon"

Greeting ko sa isang classroom. Bakit may dalawang vacant chair sa gitna? Tinignan ko ang mga estudyante ko at kilala ko na kung sinong wala sa classroom. HAIZEL AND KATHERINE

Nainis ako ng konti dahil time ko na at wala pa rin sila.

"Why are there 2 vacant chairs at the middle? Don't they know that it's already time for English and the break is done?!"

Haizel's POV

Haaay~ Hindi ko alam kung natututo ako sa mga tinuturo ni sir Cameron eh. Feeling ko kasi parang ang focus ko ay yung pagsayaw sayaw nya at hindi yung steps. Nakasuot na sya ng V-NECK. V-neck yun! Grabe ang hot talaga. Bagay na bagay sa kanya ang V-neck. Bale ba fit sa kanya. Wooh! Haizel, akala ko ba di ka magkakagusto sa teacher?!

"Haizel, don't you wanna join us? Kathy said that you guys didn't really know this step." Aya ni Sir Cam sa akin. Mas masaya naman ako pag nakikita syang nagsasayaw eh. Pero sige. Tumayo na ako at pumunta sa gilid ni Kathy.

"Bat nandito ka? Dun ka sa tabi ni sir. Para mas maayos nya kung mali ka man sa steps." Alam kong hindi yun ang dahilan ni Kathy. Talagang gusto lang nya kaming dalawa na maging magkatabi.

"Yeah. She's right" sabi ni sir Cam. Ano ba naman laban ko sa dalawa diba? Edi sumunod na ako. Magkatabi kami ni Sir Cam ngayon. Sheyt! Ang bango nya. Tinuro na nya ang mga steps at nandito na kami sa mahirap na part. Tapos na nyang ituro ang Hey Mama at Sorry kaya nasa ibang song na kami. Lahat ata ng sayaw alam nya eh.

Nang natapos na nyang ituro saamin kung pano gawin. Pinagawa nya sakin yung mahirap na part magisa. Honestly, di ko pa masyado alam yun eh. Pero dahil sabi nya, edi go.

Habang ginagawa ko yun, nadulas ako!

"Haize!" Sigaw ni Kathy

Buti na lang talaga at mahaba ang hair ko, may sumalo sa akin! Nakapikit ako at bigla kong nakita na nakapatong ang katawan ko sa katawan ni sir Cam. Naririnig ko na ang pagtibok ng puso nya. At konti na lang ay mafifeel ko na din ang hininga nya. Magkaharap ang mga mukha namin. Naramdaman kong mabilis na ang pagtibok ng puso ko.

"Are you alright?" Biglang tanong ni sir Cam sa akin. Parang nag aalala talaga sya sakin dahil sa mukha nya. Pero ang gwapo talaga ng nasa harap ko.

"Uh-Y- yes sir." Hindi na ako nakasagot dahil parang sasabog na talaga ang puso ko. Tumayo na kami at umupo. Hinawakan ni sir Cam ang likod nya.

"Are you hurt? I'm very sorry, sir."

"No, it's not your fault. But hey! Next time, be careful. What if I'm not here next to you? You'll fall and you're the one who will feel this pain." nafifeel ko na talaga na sasabog ang puso ko! Ramdam ko ang pag-alala nya sakin. Libre mag-assume!

"Oa naman sir." Sabi ni Kathy. At syempre, here's the devil. haha. Kahit kelan talaga panira sa Kathy. Tinignan nya ang phone nya at biglang sumigaw ng wtf.

"Wtf! Haizel! Kanina pa tayo late! Halos 20 minutes na!" Honestly, i don't care kung malate ako or magcutting ako. At least kasama ko naman si sir Cam. Pero syempre dahil may teacher akong kasama kailangan akong magact as a true student.

"What?! Hala! Si sir Alex pa naman ang teacher natin ngayon."

"Tara na!"

"Ikaw muna. Sunod na ko."

Tumakbo na si Kathy papuntang classroom habang ako ay naiwan kasama si sir Cam.

"Sir, I'm sorry po talaga dahil sakin, nasaktan ka."

"No, its okay. Besides, it's better if I'm the one who would have a backache kesa naman ikaw." Nagtagalog sya! Omg! Kahit hindi masyado maganda accent nya sa Tagalog, atleast tinry nya.

Napangiti naman ako sa sinabi nya.

"You should go. For sure, Alex would be really mad."

"Yes sir. Once again, I'm really sorry!" Tumakbo na ako paalis ng dance studio. Pero nung malapit na ko sa classroom, naglakad ako ng mabagal. Inisip ko ang nangyari kanina. Grabe talaga, ang saya naman ng araw ko ngayon. Habang naglalakad nakita ko si Kathy na nakatayo sa may pintuan. Nagpakita ako kay sir Alex and like what he did to Kathy. Pinatayo nya rin ako sa may pintuan hanggang sa matapos na ang time nya.

Cameron's POV

Something is telling me that I should spend more time with her.

Chapter End~~

Pano ba yan? Sino na ba ang napatayo sa may pinto. HAHAHA. Thank you po sa pag basa. Reminder lang po, Tuesday and Thursday lang po ako naguupdate pero naguupdate po ako minsan kapag bored ako.

I'm In Love With Mr.Professor Where stories live. Discover now