Chapter 17: Ice Cream

3.2K 77 6
                                    

Isang araw na rin akong hindi pinapansin ni Cameron. Kahit si Kathy ay hindi nya pinapansin. Yung totoo? What's wrong? Dapat bang maghirap pa ko para lang masolve tong mystery na to. Baka mamaya, magpaka-ninja nanaman ako or mamaya magspy ako. I'm very curious of what's happening na talaga. Wala manlang clue. Kainis!

I'm currently walking papunta sa kitchen dahil gutom na ko. Gusto ko ng ice cream ngayon. Gutom ako pero gusto ko ng ice cream. I want ice cream! Tinignan ko ang ref namin and my eyes just saw something! Heaven. Salamat naman at may ice cream dito.

Inilabas ko ang gallon at kumuha ng kutsara at baso. Grabe ang pagka-crave ko dito ngayon.

Nang mabuksan ko ang gallon ay halos maiyak na lang ako sa nakita ko. I'm so disappointed! Akala ko pangchildhood life lang to pero hindi! Kahit sa teenager life pala nangyayari to. I feel so betrayed by this ice cream gallon.

Isda! Tilapia! Dalawa! Yan ang nakita ko sa gallon. Nakakainis talaga.

Bakit kaya hindi sila gumawa ng isa pang gallon para hindi kami napapaasa na ice cream yung nasa loob. Gumawa sana sila ng gallon na ang picture sa taas ng takip ay isda. Nakakahurt kasi ng feelings.

"May umasa oh." Biro ni mommy sa akin.

"Mom! Why don't we get a Tupperware. The big one para kasya yung mga fish. Nakakasakit kaya sa feelings ang makitang isda pala ang nasa loob ng ice cream gallon."

Tumawa naman sya at lumapit sa ref. Kinuha nya ang mga isda at saka inilagay sa plate. Kumuha din ng pan si mommy. It looks like she's ready to cook na so I left her and went upstairs. Sumaglit ako sa kwarto ni Hansel. He's playing PSP habang may nakasuot na headset sa ulo nya. Napansin nya agad ako at napatingin sakin at inalis ang headset nya.

"May ice cream tayo sa baba. You like?" Hindi ko na sya hinintay pang sumagot at nagtuloy tuloy na sa kwarto ko. Ha! I fooled my brother!

Nagbihis ako ng pang-alis dahil plano kong bumili ng maraming ice cream sa grocery store.

Magtetext pa lang sana ako kay Kathy nang biglang lumabas ang pangalan nya sa phone ko.

"I'm with Bryan right now. Wanna come? Nandito kami sa may cafe malapit sa inyo."

Sus. Nagde-date nanaman yung dalawa. Ayaw pa kasi aminin eh. Cafe so that means coffee. Ayaw ko ng coffee. Gusto ko ng ice cream. Isa pa, ang init kaya ngayon.

"I'll meet you there. Dadaan lang akong 7/11. I badly need Ice Cream right now."

Papalabas pa lang ako ng kwarto when I saw Hansel at my door.

"What -" hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang bigla syang magsalita.

"I hate you so much. You saw me a while ago! I'm too busy but because I love ice cream more than I love you, I need to go down and eat it but you fooled me! I freaking lost my game, Ate Haize!" Oops. Nagalit ata. Nilapitan ko sya at ginulo ang buhok nya.

"Ulitin mo na lang ulit. I'm gonna buy ice cream na lang for you even though you love ice cream more than you love me. And even though my little brother is so rude, I wouldn't mind buying him his favorite food."

"You're so clingy, ate!" At bigla nya akong nilayasan. Am I a bad ate? Tumawa na lang ako pagkaalis nya at pinarinig ko sa kanya yun habang dumadaan sa room nya dahil pababa na ako to buy ICE CREAM!

I'm In Love With Mr.Professor Where stories live. Discover now