Chapter 16: Secret Revelation

3.3K 82 14
                                    

Kathy's POV

Kasalanan ko ba kung makati ang dila ko? Kahit naman chismosa ako, kaya ko pa din magtago ng secrets. Basta matatago ko yun kung ang nagsabi sakin ay special na tao.

"Who is she?"

Yan ang tanong ko kay sir Cam. Kasalanan bang maging curious? Malay niyo naman ipinaglihi ako kay Pandora diba. Sa sobrang curious, naibubulwak na lahat. Tsaka alam ko namang gusto rin malaman to ni Haizel eh.

Pagkatanong ko nun ay nagtinginan sina Bryan at sir Cam. Aba! Mukhang may tinatago itong mga to ha. Hindi malaman ang naging reaction ni sir Cam samantalang hindi naman maipinta ang mukha ni Bryan. May problema ba sila? Tsaka di naman nila alam na gusto ni Haizel si sir Cam. Para namang nangbabae si sir. Mga reaction nila eh, nakakatawa.

Tumawa na lang ako ng malakas.

"What's funny?" Agad na tanong sakin ni Bryan.

"You! Haha. Bakit ganyan mga face expression niyo?!" Si Kathy naman imbis na tumawa ay kumunot ang noo. Walang sumagot sa akin. Omg! I'm very curious na talaga.

"Ano bang meron? This isn't a big deal. I'm just asking. Tsaka alam mo Haizel, dapat pinipisil mo na ang kamay ni sir." Hindi ko malaman kung bakit ganyan sila. Pero sumunod naman si Haizel. Papisil na sya ng kamay ni Sir Cam pero kapag minamalas nga naman, may nag interrupt pa samin.

"Hey Cam! The principal is asking for your presence." Sabi ni sir Alex. Gwapo sana to eh kaso nakakainis! Kung kelan naman importante tong tinatanong, doon sya susulpot.

Binitawan na ni Haizel ang kamay ni Sir Cam. At humarap sakin na parang may ipinahihiwatig sakin gamit ang mata nya. What's with the look?

"Sorry guys. Need to go." pagpapaalam ni sir Cam. I smell something wrong.

"May plano ka bang sagutin muna yung tanong ko? Hindi naman to big deal eh." Sabi ko sa kanya habang hindi pa sya nakakalayo. Aba. Hindi ako pinansin. Hinarap namin ni Haizel si Bryan pagkatapos umalis ni sir Cam.

"What?" Tanong samin ni Bryan.

"Sino yung girl? Bat parang hirap kayo sagutin?" Tanong ko naman sa kanya.

"I have no idea who she is." Mabilisang sagot naman ni Bryan. Bat parang nagmamadali to? Aba! May tinatago nga.

"I need to go. Baka malate pa ko eh." Pagpapaalam ni Bryan.

Nagdesisyon na din kami ni Haizel na bumalik na sa room. Habang naglalakad sa hallway ay kinausap nya ko.

"Bakit mo tinanong yun?"

"I just wanna know who she is. Malay mo naman diba friend lang. Cr lang ako." Iniwan ko sya na naglalakad at naglakad ng opposite direction.

Honestly, hindi ako magccr. Susundan ko si Bryan. I need to know that secret. Para kay Haizel din to.

Hinanap ko si Bryan at naabutan ko syang nakaupo lang sa may bench ng parking lot.

"Bryan!" Tawag ko sa kanya. Lumingon naman sya at patayo na pero pinigilan ko sya.

"Ano bang meron sa tanong ko?"

I'm In Love With Mr.Professor Where stories live. Discover now