Chapter 18: Thank You

2.9K 76 6
                                    

Ang pogi ni Mr. Austria// Ang hot pa.

Yan ang last sentence ng last page ng journal ko. Edi parang sinabihan lang ako ni Cameron ng 'cutie' pangganting puri lang. Pinuri ko kasi sya eh.

Tomorrow is Friday. Kaya may club kami. Sa pagkakaalam ko ay nagchange na si Cameron at Sir Alex ng clubs eh. Dance na ata si Cam tapos Music si Sir Alex. Masaya naman ako para dun pero hindi siguro maaalis ang hiyanh naramdaman ko dahil sa nangyari kanina.

Mamayang gabi pa ata uuwi yung lalaking yun eh. Tapos baka pumunta din dito si Bryan. Sabay na siguro sila uuwi.

Hindi ako makababa kasi nahihiya talaga ako kay Daddy and kay Cameron. Kasi naman eh! Bakit pa kailangang basahin ni Daddy yung journal ko?! Pesteng Hansel yan.

"Haize, dont you wanna come down? We're gonna watch a movie and you're mom will be home in 5 minutes." Sigaw ni Daddy mula sa baba.

Hindi ko sya sinagot at mukhang hindi naman nya masyado pinansin ang hindi ko pagsagot dahil halatang nagkakasiyahan sila sa baba. Infairness, Close pala si Cam and si Daddy. How come that Daddy didn't mention his name before?

Siguro kapag bumaba ako ay may makikita akong beer na iniinom nila Daddy. Isama na rin siguro ang pulutan. Ngayon lang ata may free time si Daddy ha. Ok na rin yan, masyado din kasi syang busy sa work these pass few weeks.

Siguro ay nakauwi na si Mommy. Medyo tumahimik na sila eh. Medyo lang naman. Tapos bumalik din sa pagkaingay.

Binuksan ko ang laptop ko at nagplanong manood ng isang action movie.

Ano kaya? Johnny English? Marvel movies? Hmm? Alam ko na! Deadpool!

Nang makahiga na ako ng maayos at nakapagkumot na ay may biglang pumasok sa kwarto ko at isinara ang pinto.

"Mom!"

"Who's that guy?"

"Hindi ka ba pinakilala sa kanya ni Daddy?"

"Pinakilala, he's new. Pero parang sobrang close na nila?"

"Actually mom, yan din ang nasa isip ko. He's my Math teacher and alam ko din na may company ang parents nya but I didn't know na magkakilala sila ni Daddy."

"Ok. Ok. Lets talk about this next time. May kaso pa akong aayusin."

Lumabas na sya ng kwarto ko then bumaba na sya. Pero may bumukas nanaman ng kwarto ko. It's Hansel.

"Ate, I can't sleep. They're so noisy."

"That's not my problem. Pero gusto mo dito ka muna?" Tumango naman sya at nakisiksik sa kama ko.

"What are you watching?"

Tanong nya. Pinakita ko naman sa kanya ang screen.

"Deadpool! Napanood na namin yan."

Medyo bastos to diba? Panong napanood to ni Hansel. 10 years old lang sya.

"Saan mo napanood? I mean niyo. And sinong kasama mo?" Tanong ko naman. Ngumiti naman sya at mukhang alam ko na kung sino.

I'm In Love With Mr.Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon