Chapter 33: Can't

2.1K 51 0
                                    

Kinwento sa akin ni Kathy lahat ng nangyari. I can't accept the fact that my boyfriend, or should I still consider him as one, is engaged with his childhood friend.

Maraming tumatakbo sa isip ko ngayon. Hindi ko man siya mahal na mahal na kaya kong suwayin ang mahahalagang utos ng magulang ko para sa kaniya pero nasaktan ako.

Nasaktan ako na nilihim niya sa akin na engaged na siya. Nasaktan ako na hindi niya ako ipinaglaban kay Alice noong mga nakaraang araw na nagkita kami. Nasaktan ako na hindi ko pala talaga kilala ang Cameron na boyfriend ko.

ngayon, I'm interrogating myself.

Do I still consider him as my boyfriend?

Should I let go of him because from the very first place, he is engaged?

Did we break up?

And lastly,

Does he really love me?

Ayokong ipatigil sa kaniya ang kontrata na ipapakasal sila ni Alice.

Base sa kwento ni Kathy, papakasalan niya si Alice dahil iyon lang ang paraan para mailabas ang tatay niya sa jail. Ayokong humarang doon lalo na't para sa tatay niya iyon.

Napagbintangan daw ang tatay niya na nagnakaw ng perang humigit kumulang isang bilyon sa kumpanya ng mga Austria. Ang mga Castro daw talaga ang gumawa noon pero wala ng nagawa ang mga Austria dahil sa dami ng pwedeng gawin ng mga Castro.

Kathy also told me that Sir Alex is Alice's cousin.

Natigil ang pag-iisip ko nang biglang nay kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Haizel" i heard my mom's voice. Pinunasan ko ang pisngi ko na puro luha at binuksan ang pinto. Agad niyang tinignan ang mga maga kong mata kaya nag-iwas ako ng tingin.

"We need to talk."

"Not now, mom." Sagot ko at akmang isasara na ang pinto but mom immediately went inside my room. Great.

"Hansel told me your...sick."

Yeah. Nakuha ko pang pagsinungalingin ang kapatid ko para lang mapagtakpan ang nararamdaman at ang kalagayan ko.

"Mom, please." Sabi ko nang hindi tumitingin sa kaniya.

"Haizel, you should tell your problems." At agarang bumuhos na parang gripo ang luha ko.

"Mom.. I'm sorry if I asked Hansel to lie." Sabi ko nang yakapin ko si Mommy. She never treated me like this. Never niyang natanong sa akin ang problema ko but she always give me a solution. Ayaw niyang namomroblema ako kaya imbes na tanungin ako sa problema ko, she will make me happy.

"You broke up?" Napakalas agad ako sa yakap kay mommy nang tanungin niya ako na parang simpleng bagay lang iyon.

"M-mom... how did you know we're together?"

"Kalat ang news, Haizel. Magpropose ba naman siya sayo sa gym eh." Natatawang sabi ni mommy.

"Is it really okay?" Napakunot ang noo niya.

"Before asking you to be his girlfriend, he talked to me and your father. He's a really nice man, Haizel." Nakangiting sabi niya habang hinahaplos ang buhok kong magulo.

"I-i don't know if... we b-broke up, mom." Humihikbi na ako.

"Have you talked to him?" Umiling ako. It's been a week pero hindi pa kami nagkakausap. That Alice is always at his side. She never left Cameron's side. And what hurts me the most is Cameron's letting her be with him.

I'm In Love With Mr.Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon