Chapter 21: Usapang Love

2.5K 74 2
                                    

Kathy's POV

Kanina pa ko naiinis sa katabi kong babae. Ayaw nyang magsalita. Kanina pa sya naka-nap. Gustong-gusto ko na nga to batukan kanina pa. Halata namang may problema sya, ayaw nya lang aminin.

These days, hindi ko na masyado nakakasama si Haizel. It's either busy sya or may sinasamahang iba. Pansin ko lang, lagi nya na kasi kasama yung magkapatid, minsan naman yung isa sa kanila.

Alam ko na kung bakit sya ganito! Siguro na-dump sya ni Cameron. Ok lang yan, best friend. Marami pang lalaki dyan.

Pero ang imposible naman nun. Ida-dump ni Cameron si Haizel?! No, no. I don't think so. As far as I know, Special si Haizey kay Cameron. Well, sabi din kasi ni Bryan.

Nang malamon na ako ng curiosity ko, tinapik ko na si Haizel sa likod.

"What's your problem?" Inangat nya ang ulo nya para tignan ako at pagkatapos ay nginud-ngud ulit ang mukha nya sa table. Seriously?! What's her problem?!

Tinapik ko ulit sya pero hindi nya ako pinansin kaya pinalo ko na sya.

"Aray!"

"Ayaw mo magsalita eh. I'm losing my patience na ha. Kanina pa ko nilalamon ng curiosity ko."

"Anong curiosity ang sinasabi mo?" Ano to? Patay malisya?!

"Problema mo ba?"

"Wala." Sus. Deny pa si girl, halata naman. Tinignan ko lang sya with my poker face.

So, ano to? Staring contest? Ano nangyayari sayo Haizel? Yan na ba ang napapala mo dahil sa pag-ibig?

Dinukdok nya ulit ang mukha nya sa table. Napangisi na lang ako bigla kahit hindi nya nakita. Hindi ako nagsasalita ng itaas nanaman nya ang ulo nya at hinawakan ako sa mukha. May tama ata si bestfriend.

"Kathyyyyyy!" Sigaw nya ng mahina. Tinaasan ko sya ng kilay at pinalo nya ang pisngi ko. Jusko, Haizel.

"I don't know what to do na talaga!"

"Huh? Try mo ikwento para gets ko."

"Ganto kasi yun. Nagmall kami ni Cameron tapos nung bago kami umuwi, nagcr ako."

"Uhmm. Nice?"

"Teka lang! Di pa kasi ako tapos. Nandun si Tigres." jusko, gulo ba tong pinasok ni Haizel? Teka. Patapusin nga daw sya eh. Baka mali lang ako ng iniisip.

"She threaten me na layuan ko si Cam para daw hindi magulo ang buhay ko. Hindi ko alam kung susunod ako sa kanya. Hindi ko rin alam kung bakit ayaw ko sundin ang sinasabi nya." Gulo nga ang pinasok nya. Nafo-fall na talaga tong si Haizel. This will be her first time falling in love. Hindi nya pa alam ang feelings ng totoong naiinlove na talaga. Ang alam lang nya ay kapag may gusto sya. Pag dating sa love puro words na lang sya. Never pa sya nagkaron ng first love eh.

I'm In Love With Mr.Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon