Chapter 22: Chance

2.4K 66 1
                                    

"Who will be the players for the upcoming sports tournament?" Tanong ni Cameron sa amin.

Hindi ko pa rin talaga maisip na may mahal na talaga ako. Pero hindi ako mahal ng mahal ko. Hindi ako pwede umasa. Kasi napakasakit umasa. Ayoko ng ganun!

Pero ano ba ang ginagawa ko ngayon? Edi umaasa. Ang tanga mo, Haizel.

Pero sa pagkakaalam ko kasi kapag mahal mo, gagawin mo ang lahat. Titiisin mo ang lahat para sa kanya. Kahit masakit, kailangan pa din ipush para sa kanya.

Sa posisyon ko ngayon, hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na mahal ko sya dahil hindi ko naman alam ang magiging resulta. Baka sumama pa. Kailangan kong magtiis na wag mainlove sa kanya ng todo dahil baka hanggang ngayon, mahal pa din nya yung babaeng sinasabi nga sakin na childhood bestfriend nya.

"Haizel, don't you wanna join the team?" Biglang tanong sakin ni Cameron. Oo, malakas yung impact. Yung puso ko ay dumadagungdong. Grabe!

Teka, anong team ang sinasabi nito?

"What team?" He chuckled.

"Oxford Academy's Volleyball Team." Huh? Sinabi ko ba sa kanya dati na marunong ako magvolleyball?

Napakunot ako ng noo at tumingin ako kay Kathy na nakataas ang kamay at tinataas ang kilay nya sakin habang nakangiti ng malaki.

Ay, oo nga pala! Nagtanong nga pala si Cameron kung sino-sino ang sasali sa sports tournament. Kaya pala, nakataas ang kamay nila lahat except for the nerds.

"Ahh- S- uhm- y- I'll join." Halata bang walang masabi? Di ko na kasi mafocus ang utak ko sa sinasabi nya. Ang nakalagay lang sa kokote ko ay yung kung bakit mahal ko sya. At kung mahal ko na ba talaga sya.

"Ok. Get 1/4 sheet of paper then write the sports you will be joining."

Nagsikuhaan naman ang mga kaklase ko ng 1/4 at yung iba ay nanghingi. Kasama na ko sa nanghingi ^_^ hehe.

Pagkalagay ng sports namin sa paper ay pinapasa na nya yun. May pinagawa din sya saming seatwork habang sya naman ay nagtitingin ng papers namin.

Sulat. Sulat. Sulat. Sagot. Sagot. Sagot. Buhay estudyante.

"Haizel" napaangat naman ako agad ng ulo dahil tinawag nya ako.

"It says here that, you'll be joining all of the sports. Even the... basketball." Oh shit. Totoo ba yun? Sinulat ko nga ba lahat? Tumawa ang mga classmates ko except for the nerds and kay Kathy. Napatayo naman ako agad at tinignan ang paper ko.

Lahat ng sports nakasulat! Jusko, Haizel! Ano na nangyayari sayo?!

Humingi ako ng bagong papel at isinulat na ang sports ko. Volleyball. Yan lang ang sports na sinulat ko. Sure ako dyan. Ipinasa ko na at umupo na ako agad.

Haizel, focus on your studies please! Ugh.

Tumunog na ang bell. Break time.

Inayos ko na ang bag ko. Bago ako lumabas ay hinintay ko si Kathy. Nag-aayos pa din ng gamit si Cameron. Naramdaman kong nakatingin sya sa akin kaya napatingin na din ako. He smirked. Wth! My heart beats so fast!

Lumabas na kami ni Kathy at nagdecide na pumunta sa malapit na mall para dun na lang kumain.

At sa dinami-rami ng kakainan, sa Jollibee kami bumagsak. Sabagay, si Kathy nga pala ang kasama ko. Nagorder na sya at ako naman ang nagbantay ng table namin.

Sabihin ko kaya kay Kathy kung ano na ang nangyayari sakin? Or.. wag na? Kaso baka magtampo sya kaya dapat ko na sigurong sabihin. Isa pa, bestfriend ko sya.

I'm In Love With Mr.Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon