Chapter 30: Official

2K 53 0
                                    

Kathy's POV

Kanina pa nagpapasahan ng bola sina Cam at Haizel. So, para san pa at nandito kami ni Bryan? Magsa-spike si Haizel tapos irereceive ni Cam pero kay Haizel din ang punta. Tapos receive si Haizel, kay naman ang punta. What the heck is their problem? Di ba sila naorrient na may 'set' din na tinatawag?

Naglalaro kami ngayon ng volleyball sa likod ng bahay ni Charlie. Walang court dito pero malaki ang likuran ng mansyon. Wala ring net kaya sinabihan kami na tumira ng malakas at mataas.

I'm just watching Cam and Haizel. Pasa rito, pasa don. Pasahan ng bola or play with your partner only? Anong use namin ni Bryan dito? Audience or cheerleaders? Coach vs. Captain Ball ang laban. Hay nako. Palakad na ako papunta kay Bryan habang nakatingin sa kanila. Aayain ko si Bryan magbadm--

What the hell is that?! Aray! Ang sakit ng ulo ko! Awts!

"Kathy!" Narinig kong sigaw ni Bryan at Haizel.

Pano ba naman? Nakasalampak na ako dito sa damuhan. Ang lakas ng tama nun ah! Sino yun? Nakahawak ako sa noo ko at sinubukan tumayo. Medyo nahilo ako dun ah! Aray ko!

"I'm sorry, Kathy! Nasan naman kasi ang attention mo? Natamaan ka tuloy sa spike ko!" Sabi ng isang lalaki. Siguro si Bryan yun. Kapag talaga sya yun, sasabunutan ko sya ng todo.

"Ayos ka lang ba? Baliw ka kasi Bryan eh!" Tanong ni Haizel. I knew it! Si Bryan nga ang nagsalita. Bryan, tumakbo ka na ngayon pa lang!

"Malay ko ba na mentally absent yang hippopotamus na yan." Aba! Ginanahan pa syang asarin ako ah!

Tinulungan ako ni Haizel tumayo. Napakalakas pala tumira ni Bryan. Baka matrauma na ko. Pinaupo muna ako sa bench at nagpaalam silang itutuloy nila ang practice. Sumunod na lang daw ako. Binigyan rin ako ng tubig ni Haizel.

I'm just watching the practice. Nakaupo na lang si Bryan habang nagpapractice. Pano ba naman? Pasahan pa rin si Cam at Haizel. Hindi rin nila pinapansin ang isat isa. What's their problem? Ugh!

Sa Wednesday na ang simula ng tournament. Improving naman na ang skills ni Haizel. Halos kalevel ko na din ang galing nya. Hindi ako nagmamayabang pero magaling talaga ako. I'm just telling the truth.

"Guys! Let's take a break first." Sigaw ni Bryan. Tumigil si Cameron pero tinuloy pa rin ni Haizel. Nagspike sya! Muntikan na tumama sa ulo ni Cameron. Buti na lang at umilag sya. I think she's angry. Kalmado naman sya kanina ah.

"Woah! Easy." Biglang sabi ni Bryan.

"Oh! Sorry. Di kita narinig agad." Pagpapaliwanag ni Haizel. Hindi tumitingin si Cameron sa kanya at bigla na lang umalis yung dalawa. Pumunta si Cameron sa unang pinto papasok, sa pangalawang pinto naman si Haizel.

"What the hell is wrong with them?" Lumapit ako kay Bryan at nagpamewang.

"Don't ask me. I have no idea what's going on." He said at itinaas pa ang balikat.

"Tara na. Kausapin natin sila." Sabi ko sa kanya at pumunta na kami sa mga pintong pinasukan nila.

Nang makarating ako sa kwarto ay kinausap ko agad si Haizel.

"Something wrong?" Umiling naman siya. Edi wow, Haizel. Halata ka na! I mean kayo. Nagtinginan lang kami at walang nagtangkang magsalita hanggang sa nainis na ako.

I'm In Love With Mr.Professor Where stories live. Discover now