Chapter 25: Developing

2.4K 59 1
                                    

Napagkasunduan na namin ni Cameron na sabay na kami lagi pumasok. Kaya napapaaga na din talaga lagi ang gising ko.

"Hey man!"

"Hey!"

Mga boses ng lalaki sa baba. Maybe, kakadating lang ni Cameron at nagkita sila ni Daddy. Medyo late na daw kasi papasok si Daddy kaya nag-abot sila.

Nagmadali na ako at kinuha ang bag ko. Bumaba na ako at nakita kong nag-uusap si Daddy, si Hansel at si Cameron. Seriously? Bakit kasama si Hansel?

"Goodmorning." Bati ko sa kanila. Tumingin sila sa akin at tumayo na si Cameron mula sa pagkakaupo pati si Hansel ay yun din ang ginawa.

"Una na kami, Dad." Kinuha ni Cam ang bag ko at isinakay sa kotse nya. Papalabas na ako ng bahay nang may sumingit sa gilid ko.

"What are you doing?"

"Magpapahatid na din ako." At saka nya ako binelatan.

"Alam mo Hansel, kahit kailan pa-extra ka."

"But not because of my 'being an extra' thingy, you wont be able to answer yourself if you truly love him." Sabay turo nya kay Cameron. So, ganun? Kailangan pa ba akong magpasalamat sa kanya dahil sa pageextra nya? Inirapan ko sya at inunahan maglakad.

"Love you, ate!" Sigaw ni Hansel pagkababa na pagkababa nya ng kotse dahil idadrop na lang namin sya sa school nya. Pumasok na sya sa loob ng gate at tinignan ko si Cameron. Nagulat na lang ako nang makita ko syang nakatingin din sakin at nakangiti pa.

"What?!"

"Your brother is sweet."

"Nope. He's sarcastic." Tumawa naman sya at nagpatuloy magdrive.

Nandito na kami sa parking lot ng school. Pinahawak muna sakin ni Cameron ang laptop nya at pagkatapos ay naghalungkat sya ng kung ano sa compartment nya.

"Found it." Itinaas nya ang bagay na nakuha nya. What?! I.D ko?! Tinignan ko ang katawan ko kung may nakasabit mang I.D pero wala akong nakita. Paano-

"Don't ask. But I want to tell you that your brother is really silly." Ha! Alam ko na kung bakit na sa kanya ang I.D ko. Hansel 3:)

Lagot sya sakin mamaya.

Sinuot nya ang I.D ko sakin at saka kinuha ang laptop nya. Sinara nya ang compartment at nilock ang kotse nya.

Naisip ko lang. Mahal kaya nya ako? Ang sabi kasi nya he likes me. Siguro like lang? Naisipan na kaya nyang gawing official ang relationship namin? Kasi kung ako ang tatanungin. Oo ang sagot ko.

Tumingin ako kay Cameron. Napatingin din naman sya sakin. Ngumiti ako at umiling.

"Hmm?"

"Nothing." Ang pogi pa rin talaga nya. And he's really hot! Bakit kaya ganito ang nararamdaman ko para sa kanya? Napakaraming gwapong lalaki na nakikilala ko eh pero wala. Ayoko sa kanila. Destined kaya kami ni Cameron? O isang pagsubok na kailangan kong lagpasan lang to? Hays. Just enjoy the moments, Haizel. Be happy na yung taong mahal mo ay nasa tabi mo. At nafifeel mo na may chance ka sa kanya.

Tinawag ako ni Cameron at tumingin ako sa kanya.

"I'll be busy later. I mean, for a whole week."  Ano naman gagawin nya? Bawal ba akong isingit?

"But don't worry I would try to manage my time. I'll still try talking to you. But I can't promise that."

"Focus on what will you do. Dont think about me. Ayos lang ako"

I'm In Love With Mr.Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon