Chapter 31: She Came Back

2.1K 51 0
                                    

May laro kami ngayon kalaban ang ibang school. Nasa court na kami at ang dami na ring tao. I'm getting nervous! Geez!

Maraming babaeng nainis sa akin dahil sa ginawa ni Cameron noong nakaraang araw. I expected this before because I know Cam have so many fans. Pero hindi ko inexpect na magagalit sila sa akin. Minsan, ipapatid nila ang paa ko, minsan naman tinatapon nila sa akin anv pagkain nila. Ganyan ba ang fangirls ni Cameron?!

"Haizey, let's go. Pumito na si kuya oh!" Sabi sa akin ni Kathy at saka niya ako hinila sa court. Wow! Ang dami pala talagang tao.

And take note, may supporters din ako kahit papaano. Kahit na marami akong haters.

Go Captain Anderson!

May banner pa talaga. Haha! It gives me energy to play better.

Nang magse-serve na ako, nakita ko ang captain ball ng kalaban. Ang sama ng tingin niya sa akin. And she's the person I saw at the gym a couple of days ago.

"Haize!" Natauhan ako nang sumigaw si Kathy. Sinerve ko ang bola and Thank God maayos naman.

Habang naglalaro, napansin kong ang sama talaga ng tingin niya sa akin. Sino ba siya? Hanggang sa matapos na ang game. Panalo ang Harvard Academy! Yehey!

"Nice game, Kathy and Haizel!" Sigaw ni Bryan habang papalapit sa amin. Nasaan si Cameron? Didn't he watch me?

"Kelan ang laban sa basketball?" Tanong ni Kathy

"Next week. Bakit? Ichicheer mo ba ang napakagwapong Bryan James Austria?" Pabirong sabi ni Bryan na may halong katotoohanan.

"Asa ka!" Magsasalita na ulit sana si Bryan pero tinawag si Kathy ni Sir Alex. Agad na nagbago ang ihip ng hangin dahil mula sa mukhang nakangiti, naging busangot na mukha na ang mukha ni Bryan. Jealousy? Haha.

Habang pinapanood ko si Kathy papunta kay Sir Alex, naramdaman kong nagkuyom si Bryan. Masayang nag-usap si Sir at Kathy at pagbalik ni Kathy eh parang napakasaya niya. Kinwento pa talaga niya ang sinabi ni Sir sa harap ni Bryan.

Manhid din talaga ang bestfriend ko.

"Alex is taking me out."

"Taking you out?! Ano ka?! Pagkain?!" Seryosong sabi ni Bryan. Inirapan lang siya ni Kathy. I acted happy sa harap ni Kathy pero alam kong hindi masaya si Bryan dahil doon.

"Bakit nga pala Alex ang tawag mo sa kaniya? Close kayo?" Tanong ni Bryan. Ngumiti naman agad ng napakalapad si Kathy. May hindi ba ako nalalaman?

"Because we're dating!" Napanganga agad ako sa sinabi niya. What?! Dating?! Bakit hindi ko alam yon?!

"Tss. Masasaktan ka lang." Bulong ni Bryan.

"What?"

"Sabi ko aalis na ako! Bwisit!" At saka umalis bigla si Bryan.

"Anong nangyari doon?" Tanong ni Kathy. Nagkibit balikat na lang ako.

"Kathy! Let's go?" Aya ni Sir Alex at saka ako biglang iniwan ni Kathy. Wow ha!

I'm In Love With Mr.Professor Onde histórias criam vida. Descubra agora