Chapter 35: Suffer The Love

2.1K 50 1
                                    

Haizel's POV


Naglalakad ako pauwi. Hindi na ako nagpasundo kahit kanino dahil nahihiya na ako sa mukha ko. Namumugto na ang mga mata ko.


Natigil ako nang may maalala ako. Si Bryan nga pala! Nagoffer nga pala siya na sunduin ako! Napabuntong-hininga na lang ako nang biglang umulan ng malakas. Naghanap agad ako ng sisilungan at may nakita akong tindahan na sarado. Sumilong na lang ako then I texted Bryan.



"Bryan, I'm home. Sorry. Nakalimutan kong susunduin mo pala ako."



I lied. Ayokong hanapin niya ako sa gitna ng malakas na ulan. Baka magkasakit lang siya. Habang nakaupo may naaninag akong kotse na biglang huminto malapit sa tindahan na ito.



Tumayo ako para sana makisabay pero dahil hindi naman tinted ang salamin ay nakita ko kung sino ang nasa loob.


Agad na kumirot ang puso ko. Si Alice at Cameron magkasama. Tumakbo ako para sana makalayo pero natigil ako ng bahagya sa gitna ng ulan. Kasabay ng tulo ng ulan ang luha kong kanina pa gustong tumulo. Hindi ako magalaw.



The-they're ki....ssing.




Nanginig ang kamay ko. I badly want to slap Alice and Cameron but I know I have no right to do that. They're engaged. I'm just a freaking mistress here. Tumakbo ako palayo. Takbo lang ng takbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hanggang sa nakarating ako sa park kung saan ko huling nakausap si Cameron.




Naupo ako bigla sa lupa. Bakit? Ano pong naging kasalanan ko para makuha ito lahat?



"Bakit niyo ba ako hilig paglaruan?!" Sigaw ko. Wala naman makakarinig sa akin dito.


"Minahal naman kita. Anong naging kasalanan ko?" Hindi ko na makita ng maayos ang paligid dahil sa tindi ng luha at patak ng ulan.




"Haizel" napatayo ako bigla nang marinig ko iyon. I know that voice. Mas tumindi ang iyak ko nang maharap ko siya.



Basang basa siya habang nakatingin sa akin.



"Ca-Cam" nanginginig na ako. Bakit ba ganito ako?! Magsasalita na sana siya pero inunahan ko na.



"You should g-go back to h-her. B-baka hana-pin k-ka niya."nanginginig na rin ang boses ko. Aalis na sana ako pero bigla niya akong niyakap.



Gusto ko siyang itulak palayo pero hindi ko magawa.



"Camero-"

"Shh. 5 minutes."


"You should-"


"Just 5 minutes, Haizel."




Hindi na lang ako kumibo. Ang higpit ng yakap niya sa akin na para bang ayaw niya akong makawala. Na para bang mahal niya talaga ako. But I'm just a bet, right? They even kissed a while ago. We stayed like this for a few minutes hanggang sa kumalas na siya pero hindi pa rin niya inaalis ang paghawak niya sa braso ko.




"P-please talk to me" i don't want to talk. Ano pa ba ang ie-explain niya? Ano pa ba ang sasabihin niya? Isn't that enough? Yung paglaruan nila ako?



I'm In Love With Mr.Professor Where stories live. Discover now