Chapter 28: Charlie's house

2.2K 50 0
                                    

Bryan's POV

Inaya ni kuya sina Haizel at Kathy na magpractice sa volleyball lalo na't nalaman din naming Captain Ball na si Haizel. Mas magaling pa ang hippopotamus ko eh. But still I'm gonna support my bestfriend.

"Are you done fixing your things?" Tanong ni kuya. Hindi ko maintindihan sa kanya kung bakit kapag si Haizel ang katapat nya nakakapag straight Tagalog sya pero kapag sakin minsan lang sya mag Tagalog. Sige na nga. Hayaan ko na lang sya. I can understand both naman.

"Yah. Pero bakit ang pinapadala mo sakin ay for 2 days na damit? 2 days ba tayo sa volleyball court?"

"I have a surprise for my girlfriend."

"Weekend trip? 2 days vacation?"

"Let's just say we're going somewhere out of the city." Tinignan ko sya ng nakakalokong tingin. Nagdouble chin pa nga ako eh. Tumawa sya sakin at pinagayos na lang ako ng gamit.

Sinundo na rin namin yung dalawa. Ang epic lang kasi kanina pa nagbubulungan si Kathy at Haizel. Magkatabi sila sa back seat at kanina pa sila nagsesenyasan.

Ay oo nga pala! Di sila nakapagayos ng gamit nila. Hindi nila alam na maga-out of the city kami.

Huminga ng malalim si Haizel at saka nagsalita.

"Where are we going? Diba sa court lang tayo?" Hindi kami sumagot ni kuya. Dapat sya ang sasagot kay Haizel. Hindi ko rin naman kasi alam kung saan ang punta namin.

"Guys?" Tanong pa ni Haizel.

"We're going somewhere." Nagulat naman si Haizel at Kathy. Nagtinginan sila at naglakihan ng mata. Ang oa naman!

"Hindi kami nakapagpaalam sa parents namin!/ Wala kaming damit!" Sabay na sigaw ni Haizel at Kathy. Magkaiba pa ng sinabi. Tsk.

"May damit kayo. I asked Bryan na pasimple nyang ayusin ang bags niyo." Sabi ni kuya. Kaya nga! Sinabiha----

I forgot! Ngayon ko lang naalala! Wala silang damit! Pano na yan?!

Tinignan ko si kuya at ang mga babae. Ngumiti ako at inilabas ang ngipin.

"Wala kang dalang damit?!" Aray! Ang sakit naman sa tenga nitong tatlo. Makasigaw wagas. Baka masira ang bintana ng kotse! Tumawa ako sa kanila at saka nagpeace sign.

At dahil napakabait ng hippopotamus ko, binatukan nya ako.

"Pano na yan?!"

"Itutuloy pa ba natin yung practice?"

"Pagpapawisan ako."

"Wala akong towel pangligo."

"Ilang araw tayo magkakasama?"

"Meron ako." Napatigil naman sila pareho nang magsalita si Haizel. Di ko gets. Anong meron sya?!

Nilakihan sya ng mata ni Kathy at hinalungkat ang dalang bag ni Haizel na puro towel at tubig lang ang laman. Tsaka tshirt din na isa.

I'm In Love With Mr.Professor Où les histoires vivent. Découvrez maintenant