Special Chapter: BJ and KM

3.1K 54 2
                                    

Naglalakad kami ng unggoy na to ngayon. Dinala niya kasi ako sa zoo. Nang madaanan namin ang kampo ng unggoy ay agad ko siyang hinila papalapit doon. Hinawakan ko ang salamin at nagulat ako nang hawakan din ng isang unggoy ang salamin kaya parang magkalapat ang kamay namin at tanging salamin lang ang nakaharang sa amin.


Ilalagay ko na sana ang isa ko pang kamay nang bigla akong hilahin palayo ng unggoy na katabi ko. Sumimangot pa talaga siya habang hawak ang kamay ko kaya tumaas ang kilay ko.


"Anong problema mo?" Tanong ko sa kaniya. Bigla naman siyang nagpout kaya kumunot ang noo ko.


"Bakit ako, hindi mo pinapayagang maglapat ang kamay natin? Samantalang ang unggoy na iyon, ikaw pa talaga nagli-lead." Sabi niya habang nakapout. I burst out. Tawa ako ng tawa at nakita ko ang pagtawa rin ng unggoy sa kabilang salamin kaya mas natawa ako. Nang makarecover ako ay hinarap ko si Bryan.


"Are you jealous, Mr.Austria?" Tanong ko habang nagpipigil ng tawa. Ang akala ko ay ide-deny niya pero bigla siyang tumango na ikinagulat ko. Agad ko naman siyang binatukan.


"Aw!"


"Ang drama, Bry! Pati ba naman hayop pinagseselosan mo? At *ehem* *ehem* hindi pa tayo." Sabi ko.


"Tss.. pakipot ka pa eh. Sasagutin mo rin naman ako." Ahh ganun? Sinuntok ko siya sa braso at saka tumakbo palayo. Habang tumatakbo ay nakakita ako ng playground kung saan nandoon rin ang mga parrot. Tumigil ako doon pero nagulat ako nang biglang may humawak sa bewang ko. Tinignan ko agad iyon at si Bryan lang naman pala.

"Kelan mo ba kasi ako sasagutin?" Seryoso niyang tanong kaya naging seryoso na rin ako. It's been 3 years nang ligawan niya ako. Oo, 3 years. Hanga rin ako sa kaniya dahil hindi niya ako sinukuan. Hindi ko siya sinagot bagkus ay dinala ko siya sa isang bench kung saan malapit ang fish pond. Umupo kami sa harap noon at bigla na lang may lumapit sa amin.


"Hi Ma'am, sir, would you like to feed the fishes?" ngumiti ako at saka tumango. Binigay niya sa akin ang pagkain at saka ko binayaran. Hinati ko iyon at binigay ang kalahati kay Bryan. Nang batuhan ko sila ng pagkain ay agad silang nagsiksikan para lang makuha iyon.


Napaisip ako dahil na rin sa katahimikan. Sinimulan akong ligawan ni Bryan noong nakaraang tatlong taon. At that time, nagselos siya kay Cam dahil ikinasal na siya kay Haizey. Sinabi sa akin ni Bryan na gusto rin niyang magkaroon ng girlfriend at maging asawa ang mapipili niya.


At dahil malakas ang trip niya ay pinili niya ako. Ang akala ko, susuko rin siya agad pero hindi. Seryoso niya akong niligawan. Napabuntong-hininga ako.


I like Bryan..... a lot. I didn't expect this before. Dati kasi, hate na hate ko siya pero heto ako ngayon, gusto ko na siya. I don't want to answer him a yes kung gusto ko lang siya. Gusto kong sagutin siya pag mahal ko na siya. And I think, isang kalabit na lang ay mahuhulog na ako ng tuluyan.


Honestly, I'm afraid of what's going to happen. Kakambal ng pagmamahal ang sakit. Ayokong masaktan pero wala naman akong magagawa.


Maybe, I should face this. May tiwala ako kay Bryan. Alam kong hindi niya ako sasaktan. Huminga ako ng malalim.


I'm In Love With Mr.Professor Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin