Chapter 24: Once is Enough, Twice is Too Much

2.5K 61 2
                                    

Kung makapagsermon ang isang to, akala mo nanay ko sya. Hay nako, Kathy. Ang tindi mo.

"1 week, Haizel! 1 week."

"Sa 1 week na yun, hindi mo man lang naisipang makipagkita sakin. Sa school lang tayo nagkikita tapos ano? Ang aga mo umuwi."

"Hindi ka naman ganyan. What the hell is happening?!"

"Iba na ang pinagtutuunan mo ng pansin noh? May pumalit na ba sakin as your bestfriend?"

Nilapitan ko sya at saka hinimas ang likod at tinapik. Napailing din ako at napatawa.

"Ngayon natatawa ka?"

"Nagkulang ka as my best friend, Haizel!" Grabe naman yung init ng ulo nito. Pero imbis na magsorry at magsisi ay natatawa ako. Ang oa kasi ng one and only girl best friend ko.

Kung makapagreklamo kala mo nanay ko sya eh or girlfriend ko sya. Jusko, Katherine. Pinapasaya mo ang araw ko. Ayaw kasi ako patapusin eh.

"Try mo kaya pagsalitain muna si Haizel?" Biglang singit ni Bryan sa pagsesermon ni Kathy. Nakacrossed arms sya at nakasandal sa pader. Kala mo picture taking eh. Photoshoot lang ang peg ni Bryan ngayon.

"Isa ka pa! Ni hindi mo nga ako naisipang kamustahin for 3 days. Kaibigan mo din ako, Bryan."

"Eh sabi mo wag kita kausapin eh."

"Sinunod mo naman."

"Good boy ata to." Hindi sasang-ayon si Kathy dyan. Sure ako dyan. In 1..2..3..

"Ang kapal din naman pala ng mukha mo noh."

Tumawa naman kami ni Bryan. Ako palihim na tawa si Bryan naman humahagalpak.

"Good boy mo mukha mo! Matapos mo kong bigyan ng chichirya na walang laman, sasabihin mong good boy ka?! Dun ka nga! Alien ka!"

"Edi bagay tayo." Napatigil naman si Kathy sa pagsigaw kay Bryan nang biglang magpick-up lines si Bryan.

Di ko gets.

"Bagay tayo kasi parehas tayong hindi tao. Ako gwapong Alien, ikaw naman hippopotamus na may malaking bunganga." Tinignan sya ng masama ni Kathy at biglang tumakbo si Bryan paikot sa mesa. Naghahabulan na sila ni Kathy ngayon.

Immature pa sila. Cute children.

"Hoy hippo! Masakit! Aray!" Reklamo ni Bryan.

I'm In Love With Mr.Professor Where stories live. Discover now