Chapter 12: Curiousness

3.9K 92 2
                                    

Nakauwi na ko sa bahay pero hindi ko pa din mawala sa isip ko ang sinabi ni Bryan.

I have no idea kung ano meaning nun. Bakit bawal ako mahulog? Syempre, ayoko ding mahulog noh. Ang sakit kaya nun. Natry ko na mahulog dati noh. Pero sa hagdan lang. Pero mahulog?! Saan? Sa building? Rooftop? Jusko po. Ayoko pa mamatay!

Nagde-day dream pa ko dito dahil sa sinabi ni Bryan nang biglang magring ang phone ko. Hindi ko na tinignan kung sino at bigla ko na lang sinagot.

[Magready ka na. Aalis tayo.]

Sino ba tong taong to at kung makapagsalita ay parang girlfriend nya ako. Tinignan ko kung sino yun at nakahinga naman ako ng maayos nang makita ko na si Kathy pala yun. Ano nanaman ang pakana ng babaeng to?! At saan kami pupunta?

"W-" sasagot pa lang ako pero bigla nya ito in-end call. Bastusan? O atat lang makaalis? Problema nito? Kakakita lang namin kanina ah. Yan ang sunod-sunod na tanong na napunta sa isip ko. And because she is my bestfriend, nagready na ako. At maya-maya pa ay may kumatok na sa pintuan namin. Pagbukas ko ng pintuan ay bigla nya akong hinatak sa kotse nya.

"Ba-" At dahil napakabait talaga ni Kathy, hindi nanaman nya ako pinagsalita. Tinaas nya ang kamay nya at nilapit sa mukha ko that made me stop talking.

"I know you're curious pero pwede ba mamaya na lang natin pag-usapan? We have a lot of time to talk mamaya. And before you ask where we are going, Pangungunahan na kita. Doon tayo sa Fieldtrip ng kapatid mo. Sa EK!" mahabang paliwanag nya. Kumunot ang noo ko na para bang nagtatanong kung bakit. 3 o'clock na kaya. una sa lahat, mabibitin kami sa rides. Pangalawa, why the hell are we going there? Pangatlo, BAKIT NGA?!

Nakaupo lang ako sa kotse habang sya ay nagda-drive. Nakatingin ako sa bintana and I decided na tumingin sa side mirror. May nakasunod na kotse sa amin. Black Car. Familiar ang kotse na yun kaya inisip ko kung kanino yun. Maybe may kapareho lang sya na kulay at laki.

Nakarating na kami sa Enchanted Kingdom at nagpark. Nakita ko pa din yung kotse na yun sa may parking hindi kalayuan samin. Sino kaya yun?

Nang makapasok na kami sa loob, di na ako nakatiis at nakipag-usap na kay Kathy dahil konti na lang ay mapapanis na laway ko.

"Why are we here?" Tinignan nya lang ako at naglakad. Aba aba! Di naman tama to. Inulit ko ang sinabi ko then she stopped walking. Nakatingin lang sya sa isang direksyon. Kaya tumingin na din ako dun. Oo, aaminin ko. Nagulat ako. Makita ko ba naman kasi nag magkaholding hands si Hansel at yung kapatid ni Kathy. Si Cassey!

"Why the fck are they-" hindi nya ako pinagpatuloy magsalita. My mind was shattered dahil sa sinabi ni Kathy.

"Sila na." Hindi ako nakapagsalita dahil una sa lahat, BATA PA SI HANSEL AT SI CASSEY! NAPAKABATA PA NILA! Jusko po! Ano tong nakikita ko?! Pasigaw na sana ko pero pinigilan ako ni Kathy.

"Don't you feel happy for them?" What?! Happy?! Ako?! Bata pa sila and never nag-open sakin si Hansel na may crush sya! 10 years old pa lang tapos sila na? Malandi pala tong kapatid ko eh. Ako nga niisang boyfriend wala pa eh. Tapos sya?! Napaface palm na lang ako at humarap kay Kathy.

"Why would I be happy kung bata pa sila?! Ok sana kung matanda na sila noh!"

I'm In Love With Mr.Professor Where stories live. Discover now