Chapter 29: Low Quality

1.9K 43 0
                                    

Pinapasok na kami sa mansyon nila at--

Masasabi kong ito ang aking dream home. Napakaganda! Napakalaki! At glass ang stairs nya. This is so amazing! Pano sila nakabili ng ganto kamahal na mansyon at lupa?!

May chandelier sa pinakagitna na taas ng mansyon! Ang ganda. Ang linis! Pero I wonder kung bakit nakasarado ang ilaw sa taas.

Pinatulog na ni Bryan at Cameron si Nanay Fe at Tatay Jo dahil masama daw sa kanila na nagpupuyat. Nakaupo lang kami ni Kathy sa sofa dito sa baba at nagmamasid sa kapaligiran.

"This is place is so amazing." Sabi ko kay Kathy. Umiling iling sya at saka tumingin ulit sa kapaligiran. Ano? Hindi ito amazing?! Pano naman nya nasabi?

"This mansion is supercalifragilisticexpialidocious!" sabi ni Kathy. Mali. Sigaw pala nya. How can she even memorize that word? Grabe! But I agree with her. This is supercalifragilisticex-.. whatever.

Nakangiti lang sya at nagtingin- tingin sa buong bahay. Grabe! This is wonderful.

"Ma'am ihatid na daw po namin kayo sa kwarto niyo." Buglang sulpot ng isang maid. Tumango kami at kinuha ang mga bag namin. We're going upstairs. Omg!

Habang umaakyat ay kinakabahan ako na naeexcite. Bakit kaya? Nakarating kami sa 2nd floor pero patay pa din ang ilaw.

"Dito lang po kayo." Sabi nung maid. Naglakad sya papuntang dulo at biglang bumukas ang ilaw. Bumalik ang maid at saka kinuha ang bag namin at may kasama nang ibang maids. What do I expect? The same lang ang second floor sa first floor pero puro lang sya rooms. Closed rooms.

Naglakad kami hanggang dulo. Seryoso? Kailangan talaga dulo?

"Ma'am gusto niyo po ba munang magsama sa iisang room?" Tumango naman kami. May binuksan na room si ateng maid. Binuksan nya ang pinto at binuksan ang ilaw. May dalawang bed sa room at may dalawa ring desk. Dalawang cabinet at dalawang lamp. Seryoso. Lahat ba ng parte ng bahay na to ay malaki?!

Iniwan kami nung mga maid. Sinara ni Kathy ang pinto at sumigaw.

"Ayoko na umuwi! Dito na lang ako!" Nagtatatalon sya at biglang humiga sa kama. Tumawa naman ako at pinalo sya sa binti.

"Mag-ayos na tayo ng damit." Hindi nya ako pinansin at nagtalukbong. She loves this mansion so much. I think.

Nag-ayos ako ng damit at natapos din ako pero hindi pa rin gumagalaw si Kathy sa kinahihigaan nya. Inalis ko ang kumot at natawa naman ako. Tulog na! Sa sobrang saya, ayun. Nakatulog. Goodnight Kathy. Inayos ko ang kumot nya at umupo lang sa kama ko.

Nagcellphone lang ako at hinintay sila Cam. Baka pumunta sila samin dahil bago-bago lang naman kami dito.

9 oclock na pero wala pa ding pumupunta sa amin. Siguro nagpahinga muna. Ano kaya pwede kong gawin? Di pa ako inaantok eh.

Libutin ko kaya muna ang mansyon? Hmm.. Sige sige. Libutin ko muna. Pero sa baba lang at sa floor na to dahil ba restricted area ang 3rd and 4th floor.

Bumaba ako at naglibot libot sa baba. Ang laki! Napakalaki ng bahay. Kailangan siguro ng 30 minutes para malibot ang buong 1st floor.

Nakita ko ang dining area at kitchen. Ang living room naman nila ay may malaking TV. May gaming room din. At natuwa ako dahil sa nakita kong mga pangalan sa gaming room. May mga upuan doon at nakalagay ang mga pangalan nina Cameron. Sila siguro ang mga magpipinsan?

I'm In Love With Mr.Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon