Chapter 26: Bad Girl

2.2K 51 0
                                    


Practice Practice Practice.

Sa wakas tapos na ang practice!

Jusmiyo Marimar! Pagod na pagod na ko.

Hindi naman kasi ako varsity player eh. Hindi ako sanay sa ganito. Bakit pa kasi sumali sali ako sa tournament na to. Ugh!

"Oh." Inabutan ako ni Kathy ng tubig at twalya. Tinanggap ko iyon at nakalimutang magpasalamat.

"Ngayon, alam na natin yung struggles ng Varsity Players." Tinapik ako ni Kathy sa likod at saka medyo tumawa. Napailing na lang ako at napapunas ng pawis ko.

Nandito kami ngayon sa locker room ni Kathy. Kinukuha ko ang damit ko para magpalit nang biglang tumakbo sa amin si Anne.

"Kanina pa kayo hinahanap ni coach. May sasabihin daw. Ang hirap niyo hanapin ha." Nagkatinginan kami ni Kathy at sumunod na lang kay Anne.

Bumalik kami sa Volleyball court. Nasa gilid si coach kasama ang iba pang players. Nang mapansin kami ni coach ay pinapunta na nya kami sa kanila. Wait. Bakit kasama ni coach si Sir Alex?

Tinignan ko si Kathy. Natawa naman ako sa reaction nya. Nakatingin sya kay Sir Alex at konti na lang ay magkaron ng heart sa dalawa nyang mata.

Inapakan ko si Kathy sa paa ng pasimple "Ouch!"

Tumingin naman sa kanya ang lahat.

"Kinagat ako ng langgam." Palusot nya.

"Ok. Hindi porque ako ang natrain sa inyo ngayon ay ako na ang couch niyo. Nalate kasi ng dating ang coach niyo kaya inutusan nya ko." Nagtaka naman ang iba. Pati ako ay nagtaka din. So, sino ang coach namin.

"Sir Alex will be your Volleyball Coach." Ganun na ba ka-open book ang isip ko para mabasa nya? O kasama talaga yun sa speech nya?

Hinawakan naman ni Kathy ang braso ko na ngayon ay nagpipigil ng ngiti. Alam ko na ang meaning nito. Jusko Kathy!

"We'll start the real training tomorrow. Practice exercise lang to. At bukas, ako na ang kasama niyo." Sabi ni sir Alex at umalis kasama ang nagturo samin kanina.

Ano daw?! Hindi pa training yung ginawa namin kanina?! Ayoko na! Suko na ko! Pero joke lang yun. Gusto kasi ni Cam na sumali ako dito kaya maghihirap ako para sa kanya.

Speaking of Cam.. Bakit sobrang busy nya kung coach lang naman pala sya ng basketball team. Mas magiging busy pa sila Bryan eh! Ang daya. I want to spend more time with him.

Hmmm... I know! After ng training slash practice namin, tutuloy na lang ako sa basketball court. Manonood na lang ako para sabay na din kami umuwi.

Masyado ba akong sweet? Fake relationship lang naman to eh. Pero girlfriend nya ko kaya ok na yan.

"Papatayin tayo ni Sir Alex bukas. Sure ako dyan." Sabi sakin ni Kathy at nag-aya ng umuwi.

Pero hindi talaga kami umuwi. Dumiretso kami sa cafe malapit sa amin. Magugutumin kasi tong bsstfriend ko. Pero gutom na din kasi ako kaya sumama na ako.

I'm In Love With Mr.Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon