CHAPTER 2

91.1K 2.9K 185
                                    

Dedicated to: @ExoticRovolta

❦❦❦

KAELYNN's POV

Pumasok ako sa loob ng kwarto ni Sir Darenn at inilibot ang mata ko rito, iniwan na ko ni Ate Mila dahil madami rin daw siyang gagawin kaya ito ako ngayon medyo hindi alam kung ano ang unang gagawin sa pag-aalaga kay Sir Darenn.

"Sir Darenn?" Hindi ko siya mahanap sa kwarto niya, puno ito ng mga laruan at malalaking stuff toys, medyo madilim din ang lugar at hindi sakto para sa edad niya.

"Sir Darenn?" tinawag ko ulit siya mukhang gusto niya maglaro ng tagu-taguan? napangiti ako at napaisip nang magandang idea.

Humarap ako sa dingding at tinungo ang ulo doon saka nagbilang.

"Tagu-taguan maliwanag ang buwan, sarap maglaro sa dilidiliman. Pagkabilang ko ng sampu na katago na kayo. Isa dalawa tatlo apat lima anim pito walo siyam.... Sampu." bigla akong humarap at ako ang nagulat dahil nakatayo siya sa harapan ko at nakatitig lang sa'kin.

Feeling ko nasa horror house ako ngayon sa mga pinapakita nilang ugali sa'kin, umakyat ang kaba ko ng makita ko ang malamig n'yang tingin sa'kin, nakasimangot siya at nakatingala sa'kin. Hindi bagay sa isang cute at mukhang inosenteng bata.

"Sir Darenn, kailangan niyo pong magtago maglalaro tayo." bahangyang tumagilid ang ulo niya na parang nagtatanong.

Lumapit ako sa kaniya at lumuhod kahit pa na natatakot ako na baka isa pala siyang multo o manika na nagalaw, jusko naman kasi ang creepy pa ng kwarto niya at ng kilos niya.

"Akala ko gusto mo magtagutaguan kaya makikipaglaro sana ako sayo." ngumiti ako at pilit na tinanggal ang kaba saka ko hinawakan ang dalawang balikat niya.

"Laro tayo?" Tanong ko sa kaniya at kumunot ang noo niya.

"Di genyen ang laro namin tila tuya." gusto ko tumawa kasi medyo bulol pa siya kaso baka maupset siya at kagatin ulit ako kaya tinanong ko na lang siya.

"Ano ba nilalaro niyo nila kuya mo?" Tinuro niya yung TV at parang X-box ba ang tawag doon.

"Ah digital games? Pero gusto mo ba ng totoong laro?" Tumahimik siya at sumimangot sa'kin.

"Ayoto at ayoto sayo!" Tinulak niya ko at nagulat ako dahil napaupo niya ko sa liit n'yang 'yun, parang ang lakas niya ata?

"Ayaw mo makipaglaro sa'kin?" Hindi niya ko sinagot bagkos tumakbo siya sa kama niya at nagtaklob ng kumot.

"Kaelynn hayaan mo muna siya inaantok na 'yan." nagulat ako at napalingon sa likod ko, saka ko nakita si Sir Daryl na nakapamewang at hawak ang isang briefcase.

"Ala una na at hindi pa siya na tutulog kaya inaantok na siya, patulugin mo na lang." tumango ako.

"Kayo po may kailangan po ba kayo Sir Daryl?" Hindi ko alam pero parang ang tagal niyang tumitig sa'kin kaya kinilabutan ako bahagya, kahit sabihin nating pogi at mayayaman sila hindi ko talaga gustong titigan ng iba, pakiramdam ko binabasa nila ang isip ko.

"Wala, gusto ko lang sabihin sayo na aalis ako saglit at babalik din ako mamayang 4pm at isa pa pala mamayang 6pm papasok ang kambal kaya kung gusto mo matulog ngayon matulog kana dahil iintayin mo sila maka-uwi mamayang 12 midnight." tumango na lang ako, isa pang weird sa bahay na ito ay yung mga schedule nila sa pagpasok, pumapasok si Sir Daryl sa company nila ng mga bandang hapon at 'yung kambal naman night shift 'yung tipong hindi na uwi ng normal na istudyante, nakakatulog pa kaya sila ng ayos doon?

"Kung iniisip mo kung na kakatulog ba kami ng ayos, oo 10am mo dapat gisingin ang kambal bukas. Maliwanag ba 'yun Kaelynn?" Ngumiti siya sa'kin, 'yung ngiti na imbes na gumaan ang loob mo parang may meaning pa 'yun na dapat mong katakutan.

Vampire's PetWhere stories live. Discover now