CHAPTER 17

53.3K 1.6K 93
                                    

DANIEL's POV

❦❦❦

Humilata ako sa kama pagtapos ng nakakapagod na gawain sa school, ang dami na naman nagde-demand na pagsamahin na ang pang-umaga at pang-gabi, pero bilang Student Council hindi pwede iyon kaya bibigyan na lang namin sila ng lagi nilang inaasam.

Isang mortal na paglalaruan nila, kada year kumukuha kami ng iba'tibang istudyanteng mag-aaral sa school namin ng night shift, sila 'yung mga taong wala ng pamilya at wala nang matatakbuhan para kung sakaling mamatay sila walang problema.

Katulad ng pamamalakad sa mansion, kumukuha kami ng mga maids na galing sa ampunan para pagkinuha na namin ang buhay nila walang maghahanap sa kanila.

"Hay, ano kayang reaction ni Kaelynn pagnalaman niya ang totoo?" Tanong ko kay Danrious na tina-try ang bagong drugs na binibenta sa black market.

"Syempre magagalit siya," inilagay niya yung drug tablet sa tubig at nagkulay dugo na ito.

Ininum niya ito at mga ilang mintuo pa mukhang hindi siya na satisfied.
"Anong lasa?" Tanong ko at humilata lang din siya sa kama.

"Lasang dugo pero hindi siya sing sarap ng totoong dugo, para lang sa mga low breed ang drugs na iyan, hindi naman na'tin kailangan n'yan dahil kahit saan makakahanap tayo ng pagkain natin," binatukan ko siya.

"Sira ulo ka talaga Rious, hindi na nga tayo pwedeng pumatay hindi ba?" nagbuntong hininga siya.

"At bakit? Pure blood tayo, hindi na'tin kailangan magtago sa mga tao at isa pa pwede naman na'tin gawin ang lagi na'tin ginagawa eh. ba't ba kasi ayaw niyong patayin ang Runo na 'yan," binatukan ko ulit siya.

"Sus kunwari ka pa, alam ko namang pareho lang tayo ng iniisip tungkol sa kaniya." hindi na siya umimik at tumalikod na sa'kin.

"Ang iniisip ko lang pano kung malaman niya? Kinakabahan ako." tinignan ko si Rious kung may response ba siya sa'kin pero wala, mukhang iniisip niya rin ang iniisip ko.

Four months na kasi siya dito pero hindi niya nahahalata 'yung mga maids na kasama niya, sila 'yung mga babaeng pinag sawaan na namin at kinuha ang buhay sa kanila.

Bampira kami, natural lang samin mga pure blood ang kumitil ng buhay ng mga tao dahil para samin container lang sila ng dugo na pinagkukunan namin ng lakas.

Pero nung dumating siya nagbago ang lahat, nahihirap na kami at hindi na madalas na kakainum ng dugo at si kuya Daryl ang pinaka-apektado sa sitwasyon na ito ngayon.

Nagtatrabaho siya at laging pagod samin apat siya ang na ngangailangan ng dugo at hindi sapat ang mga pagkain ng mortal para matugunan ang uhaw ng isang bampira.

Dati walang nakakatagal na maid samin, siya lang at si Lyra pero ngayon patay na rin siya.

Na sapo ko na lang ang noo ko, pano kung matulad siya kay Lyra? Si Rious din ba ang magiging dahilan para patayin namin siya? Wag naman sana, na sanay na ko na andito siya at isa pa na hulog na ko sa kaniya ayoko nang maulit pa ang nakaraan katulad kay Lyra.

"Nagugutom na ko, hindi sapat 'yung drugs na iyon sa'kin. Kuha mo nga ko ng dugo sa ref Niel," binato ko siya ng unan.

"Kumuha ka mag-isa mo," bumangon siya at tamad na tamad na naglakad.

"Alam mo hindi ka na naman sasampalin ni Lyra kung pupunta ka sa kusina eh, dahil patay na siya, pinatay ko na ang malanding babaeng 'yon" sabay sara niya sa pinto.

Sumikip ang dibdib ko, mahal ko si Lyra noon at naaawa ako sa kinahinatnan niya ngayon, pinatay siya ni Rious at inubos namin ang lahat ng dugo na meron siya sa katawan kabayaran sa pagtataksil niya sa'kin.

Vampire's PetWhere stories live. Discover now