CHAPTER 5

70.9K 2.2K 213
                                    

KAELYNN's POV

❦❦❦

Nanlaki ang mata ko at napaurong, bigla akong kinabahan sa ikinulos niya.

Baka katulad din siya ng kambal kaya kailangan ko mag-isip ng magandang palusot.

Ahh— tama!

"Ah Sir kaso bantay ko pa po si Sir Darenn baka hinahanap na ko nun." napangiwi ako sa kaba kung kakagat ba ang palusot ko sa kaniya.

Ngumiti siya sa'kin nang normal at tumayo sa upuan niya, napaurong ako sa takot at tinakpan ang dibdib ko.

"Easy hindi ako katulad ng kambal, doon mo ko imassage sa kwarto ni Darenn para hindi ka mahassle okay?" Nakahinga ako ng maluwang at ngumiti sa kaniya.

"Sige po Sir." Hindi siya katulad ng kambal, alam ko sa itsura pa lang ni Sir Daryl hindi niya na kayang pag-isipan ka ng madumi at masama.

Mukha kasi siyang matino at workaholic na tao kaya siguro mataas din ang standards niya pagdating sa pagpili ng babae, sure ako hindi niya ko papatulan kahit ilantad ko pa ang sarili ko sa kaniya, hindi katulad ng dalawang iyon mapangharass nakakainit ng dugo.

"Tara na." sumunod ako sa kaniya papunta sa kwarto ni Sir Darenn, pagbalik namin doon nakasilip siya sa labas at bukas ang malaking bintana nila, hindi ko alam bakit biglang napaurong si Sir Daryl at lumabas ulit ng kwarto.

"Kaelynn paki sara ang bintana, nasisilaw ako." tumango na lang ako at lumapit kay Sir Darenn.

"Sir sara muna na'tin ito ah papasok si kuya mo." tumango siya at bumalik ulit sa pagkukulay, binuksan ko na lang ang ilaw sa kwarto at pumasok na si Sir Daryl.

"Sir may sakit po ba kayo?" dahil sa curiosity bigla na lang lumabas sa bibig ko iyon.

"Ah wala, masakit lang ang mata ko kakatitig sa screen ng laptop kaya na silaw agad ako." Eh ba't na alis sila tuwing paglubog ng araw? Madami pa talaga akong tanong na hindi ko masagot dahil sa mansion na ito eh.

"Wag mo nang isipin 'yang mga iniisip mo ngayon halika na dito at hilutin mo ang likod ko." tumango ako at humiga siya sa kama ni Sir Darenn, hinilot ko ang likod niya at hindi na lang iniisip ang bilis ng tibok ng dibdib ko.

Ayoko nang pansinin 'tong crush ko kaya Sir Daryl baka lumala pa, ako rin ang kawawa.

"Pwede mo bang tapakan ang likod ko?" Nagulantang ako, oo ginagawa ko iyon sa ampunan kaso nung bata pa ko eh ngayon malaki na ko baka bumigat na ko.

"Kaso Sir baka mabigat na ko eh, baka mabalian kayo." tumagilid siya at tumingin sa'kin.

"Payat lang ako pero trust me hindi ako mababali sa bigat mo," ngumiti siya ng nakakaloko 'yung tipong mapang-asar kaya parang kinilig ako.

Jusssmeee ang pogi naman kasi ng amo ko, bakit ganito!

"Okay  po." napalunok ako at patay malisya na lang sa nararamdaman ko at inayos ang tatapakan ko, tumapak na ko sa kama at isang hakbang na lang tatapakan ko na ang likod niya ng biglang bumukas ang pinto.

"Bro kung gusto mo ng tatapak sa likod mo mas magaan 'tong si Darenn." nagulat kami sa pagdating ng kambal at kinuha ni Danrious si Sir Darenn at inilagay sa likod ni Sir Daryl.

Napangiwi ako at ngumiti lang si Sir Daryl "Oo nga no hahaha, tapakan mo pa nga ang likod ko Darenn." inalalayan ko si Sir Darenn at tinapakan niya ang likod ng kuya niya pabalik balik.

Pero habang nage-enjoy silang dalawa magkuya nakaramdam naman ako ng masamang tingin galing sa kambal.

"Hoy mamaya kami rin paki massage," sabi ni Danrious na nakatitig sa'kin ng masama, tumawa naman si Daniel at nginitian ako.

Vampire's PetWhere stories live. Discover now