CHAPTER 51

36.5K 1.3K 149
                                    

DANRIOUS's POV

❦❦❦

Mabilis akong umalis sa trabaho ko na hindi man lang nakakapagpaalam o nakapagpalit ng uniform na suot ko.

Sobrang init sa balat habang tumatakbo ako sa malapit na sakayan ng jeep, sumakay ako sa puno na at papalis kahit siksikan tiniis ko para lang makapunta agad sa kaniya.

Nasa trabaho ako nang tumawag si tita Rose sa'kin at sinabing kritikal ang lagay ng anak ko. Hindi ko alam ang nangyari pero pagtapos nun kusang gumalaw ang katawan ko papunta sa mag-ina ko.

Halos hindi ako mapakali sa jeep at na mamadali na halos lahat ng tao ay nakatingin na sa'kin, ang daming bumababang pasareho at dahil dun patigil-tigil ang sasakyan na mas nagpapatagal sa byahe namin,

Hindi ko na nakayanan at umiyak na ako sa jeep, hinubad ko ang sumbrero na suot ko at tinakip sa mukha ko.

"Hijo ayos ka lang?" Tanong ng matandang babaeng katabi ko pero hindi ako umimik, bahagyang na sunog din ang balat ko sa batok at kabilang braso pero hindi ko ininda iyon at nung nasa village na ko ay paspasan akong tumakbo sa initan.

Nakita ako ng ibang kauri ko na tagong-tago sa mga damit na suot nila samantalang ako umuusok na ang katawan ko dahil sa pagtakbo sa initan pero wala akong paki kung makita pa ko ng mortal na ganito.

Ang importante sa'kin ay ang mag-ina ko, hingal na hingal kong inakyat ang hagdan at pagbukas ko ng pinto nakita ko sila kuya, Daniel at sila tita Rose at ate Mila ganoon na rin si Darenn na iyak ng iyak.

'Yung bawat ekspresyon nila ang lalong pumatay sa'kin sa inis.


"What the hell? ba't ganiyan ang mukha niyo? Asan ang asawa ko? Ang anak ko?" Lumapit sa'kin si kuya Daryl na hindi ko pa rin alam pano nakarating dito.

Binuhusan niya ko ng malamig na tubig, hindi lang dahil umuusok ang balat ko kundi para kumalma rin ako.

"Please Danrious relax, huminga ka muna kumampante ka dahil sayo kukuha ng lakas si Kaelynn okay?" Sinong tanga ang kakampante sa oras na ganito?

Asan ba kasi ang anak ko? Si Runo asan? Tumingin ako kay Daniel at kala tita Rose. Biglang lumabas sa kwarto si Doc. Cheska at may bitbit na kahon.

Iniabot niya sa'kin ito at halos manginig ang buong katawan ko.
"Ahahaha ano 'to sapatos?" Tumulo ang luha ko at parang tanga na tinanong iyon sa kaniya kasi baka nagloloko lang siya, hindi naman siguro na kalagay dito ang anak ko hindi ba?

Tang*na nila kung dito nila nilagay ang anak ko, dapat sa lampin tapos papadedehin siya ni Runo pero bakit sa maliit na kahon na ito.

"Sorry Mr Danrious but your child didn't make it." ano daw?

Halos maging blangko ang isip ko, nagdilim ang buong sistema ko, ang tanging nakikita ko lang ay ang kahon na hawak ko ngayon.

Napaluhod ako at pilit na binuksan ang kahon kahit na nginginig maigi ang kalamnan at kamay ko.

Marahan ko 'tong binuksan at pagbukas ko ay may maliit na bata doon, puno ng dugo na nakabalot sa puting tela.

Tinitigan ko ito, ito ba si Dillan? Teka hindi pwedeng maging ganito kaliit ang anak ko, ni hindi pa buo ang ibang parte niya.

"Doc. Kaninong anak ito?" Hindi tinatanggap ng utak ko bawat pangyayari na nakikita ko.

Alanganin naman na anak ko ito? Eh hindi pa kabuwan ni Runo eh, saka alam ko paglabas ng anak ko malakas siya at umiiyak.

Pero ang isang ito hindi gumagalaw.
"Bro," bigla akong niyakap ni Niel at doon unting-unti bumuhos ang luha ko.

"Teka Niel, sabihin mo hindi ito si Dillan hindi ba?" Nanginginig pati lalamunan ko at pumapatak na nanaman ang luha ko sa batang nasa loob ng kahon, batang hindi gumagalaw o humihinga.

Vampire's PetWhere stories live. Discover now