CHAPTER 39

4.5K 135 40
                                    

WARNING :

This chapter contains depictions of a nonconsensual nature, some readers may find distressing. Reader discretion is advised.

KAELYNN's POV

❦❦❦

Pahigpit nang paghigpit ang hawak niya sa braso ko at daretsyo ang tingin niya sa mga mata ko na para bang kinakain ang buong sistema ko.

"Danrious," palag ko sa kaniya kaso lalo niyang hinigpitan ang hawak niya dito na tipong mababali na sa higpit.

Napaimpit ako sa sakit at muli niya kong tinanong.

"Ako ba talaga ang unang nakahalik sayo?" Napapaluha na ko sa ginagawa niya at muli kong nilingon ang regalo ko sa kaniya, nasa sahig na ito at mukhang na durog na ang laman nito sa loob.

Lalo akong napaiyak dahil doon at bigla niyang hinarap ang mukha ko sa mukha niya, hinawakan niya ang pisngi ko na halos mapiga na ito.

"Sagutin mo ko! ako ba?" Tumingin ako sa kaniya habang umiiyak at umiling, hindi ko na maitatago pa ang katotohanan. Alam niya na at kung magsinungaling pa ko lalo siyang masasaktan.

"Haha, tangina haha," napaangat ang ulo ko at tinignan siya, tumatawa siya pero may luha sa mga mata niya, gusto ko siyang yakapin at mag sorry pero hindi ako makawala sa pagkakahawak niya sa braso ko.

"Pinaasa mo ko sa maliit na kasiyahan na iyon haha alam mo ba 'yon haha," yumuko siya at hindi umimik, na gulat na lang ako nang bigla niya kong kaladkarin papuntang kama niya.

Sisigaw sana ako nang hawakan niya ang bibig ko at ibaon ako sa kama gamit ang malakas niyang braso, napangiwi ako sa sakit at pilit na pumalag.

"Sabi mo virgin ka hindi ba?" Kinabahan ako at bumilis ang pintig ng puso ko.

"Tignan na'tin kung totoo ang sinasabi mo." nagsisigaw ako pero nakatakip ang kamay niya sa bibig ko, naluluha na ko dahil sa kaba at naiisip ang maaring gawin niya.

Please wag mong ituloy!

Ito ang gustong gusto kong isigaw sa kaniya pero hindi ko magawa, nilapit niya ang mukha niya sa'kin at tinitigan ako, wala akong na gawa kundi lamunin ng tingin na iyon mula sa pula niyang mata at hindi na nagawang makagalaw pa.

Bumitaw siya sa pagkakahawak sa bibig ko at tinitigan ako habang nasa ibabaw ko siya. Walang kabuhay-buhay ang ekpresyon na meron ang mukha niya ngayon, tanging 'yung kulay pula niyang mata lang ang makikita mo ng malinaw sa madilim na kwartong ito.

Yumuko siya sa'kin at tinukod ang dalawa niyang kamay sa pagitan ng ulo ko, katulad ng ginawa sa'kin ni Red kanina, lalo akong na iyak dahil sa paalalang iyon.

Dapat naniwala ako kay Red, dapat nakinig ako sa paalala niya kanina at mas nag ingat pa ngayon. Na luha na lang ako at iniwas ang tingin kay Danrious.

Tinitigan niyang maigi ang mukha ko at hinalikan ang pisngi ko papuntang tenga pababa sa leeg. Binuksan niya ang unang butones ng blouse ko kaya muli akong napalingon sa kaniya at tinitigan siya sa mata na baka sakaling maintindihan niya ang pahiwatig ko dahil hindi ko magawang magsalita.

Pero nakatuon ang mata niya sa katawan ko at daredaretsyo na 'tong hinubaran, hinila niya ang kwintas na bigay sa'kin ni Red at binato ito kung saan.

Muli niyang tinuon ang mata niya sa katawan ko at halos mamula ako sa pagtanggal niya ng blouse ko at nang makita niya ang panloob ko. Gusto kong sumigaw at paghahampasin siya pero para akong tuod dito na hindi makagalaw.

"Runo," muli akong napatingin sa kaniya matapos niyang tawagin ang pangalan ko kaso hindi ko maaninag ang mukha niya dahil na tatakpan ito ng buhok niya.

Vampire's PetWhere stories live. Discover now