CHAPTER 33

40.5K 1.3K 86
                                    

KAELYNN's POV

❦❦❦

Nakita ko ang pagpula ng mata niya at paglabas ng mga pangil niya, pero mula sa nakakatakot na imaheng iyon. Kitang kita mo pa rin ang lungkot at pagluha ng mga mata niya.

Napakasama kong babae, napakamakasalanan ko sa lahat. Dalawang lalaking importante sa'kin ang pinaiyak ko ngayon araw, sa araw ng kaarawan ko.

"Danrious!" Sigaw ni Sir Daryl at pagyakap sa kaniya ng kakambal niya, pilit siyang pinapahinahon nilang dalawa pero sobrang lakas niya at nakawala siya sa kanila, mabilis siyang tumakbo papuntang mansion at naglaho sa paningin namin.

Hinabol ko ang imahe niya, hinabol ko hanggang sa mawala siya.

"Kaelynn are you okay?" Sabi ni Ms. Ash at niyakap ako, pero hindi mawala sa buong katawan ko ang panginginig at hiya sa sarili ko. Hindi lang hiya pati inis at galit na raramdaman ko ngayon sa sarili ko.

Gusto ko siyang sagutin, sa totoo lang sobrang saya ko, gusto ko siyang yakapin at sabing payag ako pero.

Pero anong karapatan ko? Matapos kong saktan ang best friend ko may karapatan ba kong sumaya agad? Hindi wala akong karapatan sa kaligayahan na pinagkait ko kay Red.

"Gusto ko, gustong gusto." niyakap ko si Ms. Ash at pinapatahan ako ni Sir Darenn.

Nakatingin lang sa'kin si Sir Daryl at si Daniel.

"Ba't hindi mo sinabi sa kaniya kanina!" Sigaw ni Daniel sa'kin at napayuko.

"Daniel!" Sigaw ni Ms. Ash sa kaniya.

"Pareho mo ba kaming papaasahin? Bakit ganiyan ka? Kung gusto mo siya sana sinabi mo!" Umiling ako saka bumitaw ng yakap kay Ms. Ash.

Sinuntok ko si Daniel sa dibdib ng paulit-ulit na kinabigla nilang lahat.

"Anong karapatan ko!  Hindi ako pwedeng maging masaya na iintindihan mo! Naiintindihan mo ba ko ha?" Muli na namang tumulo ang luha ko at dahan-dahan na nang lambot ang katawan ko, niyakap ako ni Daniel at hinayaan umiyak sa dibdib niya.

"Ano ba 'yang iniisip mo, nahihirapan din kami Kaelynn please lang sabihin mo," umiling ako at umiyak lang ng umiyak hanggang sa hindi ko na mamalayan na nakatulog na ko sa dibdib niya.

Pagkagising ko nasa kwarto na ko at nakapapajama, katabi ko si Sir Darenn na mahibing ang tulog habang yakap-yakap ako.

Tinignan ko ang mukha niya at nakita ko ang kaunting luha sa mga mata niya, pinaiyak ko rin ba siya? Ilan pa ba silang masasaktan ko?

Imbis na maayos ko ang pamilya na ito parang lalo kong sinisira ito, may karapatan pa ba kong tumira dito?

Tumayo ako at binuhat si Sir Darenn papuntang kwarto niya.

"Datas." bulong niya sa'kin kaya nagpunta muna kami sa kusina para timplahan siya ng gatas kaso na pukaw ng mata ko ang bukas na ilaw mula sa kwarto ni Danrious.

'Yung kwarto hinding hindi niya ginagamit.Gusto ko sana pumasok at magsorry sa kaniya kaso napakakapal naman ng pagmumukha ko matapos kong gawin sa kaniya iyon.

Nag-effort siya para mapasaya ako pero anong ginawa ko? Inihulog ko siya sa galit at pagkamuhi sa'kin ngayon.

Mabilis ako ng timpla habang buhat ko si Sir Darenn at umakyat na agad sa kwarto niya kaso na kasalubong ko ang taong pinaka ayoko munang makita ngayon.

Humarang siya sa daan ko at ako na nanatiling nakayuko.

"Get out of my way," tinignan ko siya at gumilid kami ni Darenn, dare-daretsyo niya akong nilagpasan at umalis.

Vampire's PetWhere stories live. Discover now