CHAPTER 15

56.9K 1.8K 65
                                    

Dedicated to: Teppeimyloves

KAELYNN's POV

❦❦❦

Andito kami ngayon sa opisina ni Sir Daryl, actually hindi ako makatingin nang daretsyo sa kaniya pano ba naman kinakabahan ako na baka malaman n'yang apektado ako sa na rinig ko kagabi, tapos kasama pa namin ang kambal ngayon na alam na ang nararamdaman ko sa kuya nila.

Ang awkward lang sa pakiramdam.

"Tinawag kita dito Kaelynn kasi may nire-request 'tong dalawa sa'kin," sabi niya na nakangiti, tumungo lang ako.

"Gusto nilang pag-aralin ka, payag ka ba?" Na bigla ako at napatingin sa kambal, ngumiti sa'kin si Daniel pero si Danrious umiwas lang ng tingin sa'kin.

Okay para saan 'yon?

"Teka pero bakit? At isa pa may trabaho ako," sabi ko sa kanila at mukhang na badtrip si Danrious sa pagtanggi ko, kung alam niya lang gustong gusto ko at masaya ako dahil gusto nila akong pag-aralin pero pano na lang ang plano ko at si Sir Darenn?

"Wag ka mag-alala nakaisip ang dalawang ito ng plano, at isa pa wala akong gagastusin kaya okay lang sa'kin haha," sabi ni Sir Daryl na parang bumbay na ayaw gumastos sa pag-papaaral sa'kin. Bagong side niya ito na nadiscover ko, isa siyang kuripot.

"Pero teka sir, okay lang naman po na wag niyo na ko pasahudin pero ang iniisip ko po kasi pagpumasok ako sino mag-aalaga kay Sir Darenn?" nagsmile lang siya sa'kin 'yung plastik na ngiti.

"Wag ka mag-alala tulog siya pagpapasok kana." kumunot ang noo ko, wait teka ibig sabihin ba nito?

"Ay, ayoko po wag na lang po pala haha salamat po sa kagustuhan niyong pag-aralin ako pero wag na po," binatukan ako ni Danrious at hinawakan ako nang mahigpit sa braso.

"Aray naman," sabay bawi ko ng kamay ko sa kaniya.

"Hindi ka pwedeng umayaw, ginastos na namin ang allowance namin para sa enrollment mo." ha? Nakaenroll na ko?

"Teka na kaenroll na ko?" Ngumiti siya.

"Yes mabilis lang iyon isang tawag lang pero may kulang pa, kailangan nila ng one by one picture mo." kumunot lalo ang noo ko, nung nakaraan lang namin pinag-usapan iyon at akala ko biro lang ang lahat pero tinototoo nila at isa pa—

"Anong Course ko?!" Sigaw ko sa kaniya na medyo kinainis niya lalo at hinitak ang tenga ko saka ako sinigawan.

"Education Major In History," jusko, Anong ginawa nilang dalawa? Nang gigigil akong piningot ko rin siya at pinaghahampas, nagulat si Sir Daryl dahil binubugbog ko ang kapatid niya kaya napatigil ako.

Hala, baka parusahan na naman nila ako ano bang pinag-iisip kong saktan si Danrious sa harap ng kuya niya at pinaka head ng mansion na ito.

Isa pa ano na lang iisipin niya sa'kin? Na isa akong basagulerang babae! Waaaah baka lalo siyang na turn off sa'kin wala na kong kalaban laban sa Ashley na iyon.

"hahahaha!" nagulat ako ng tumawa siya at napahampas sa table niya.

"Go kill that damn brat hahaha," tawa pa siya ng tawa na kinainis ni Danrious at bigla niya kong hinila palabas ng opisina ng kuya niya.

Pagkalabas na pagkalabas namin ng kwarto ay kinorner niya ko ng mga braso niya sa pader at akmang susuntukin ako.

"Lakas ng loob mong babae ka!" Napapikit na ko ng malapit na 'yung kamao niya sa mukha ko pero pagmulat ko nakita ko na 'yung pader ang sinuntok niya.

Vampire's PetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon