CHAPTER 8

67.2K 2.4K 197
                                    

Dedicated to: @dwinpanis

DANIEL's POV

❦❦❦

Tinignan ko ang cellphone ko kung nag reply na siya, napabuntong hininga ako nang makita kong wala pa rin siyang message, 'yung totoo ano na naman bang tumatakbo sa utak niya?

Ilang linggo na rin siyang lagi umaalis tuwing gabi at anong oras na nauwi.

"Fu*k Rious anong trip mo?" Lagi siyang umaalis ngayon para mambabae at sa hindi ko alam na dahilan laging malalim ang iniisip niya, minsan napapasabunot na lang siya ng buhok niya at napapamura.

Hindi kami ganito ng kakambal ko, wala kaming sekreto sa isa't isa at lahat ng nasa utak namin ay iisa, pero ngayon hindi ko mabasa ang kinikilos ng kakambal ko.

Bata pa lang kami magkasama na kaming dalawa mula pa lang sa tyan ng nanay namin at wala kaming inaasahan kundi ang isa't isa. Wala kaming pinapapasok sa mundo namin kundi kami lang dalawa.

Wala kaming tiwala sa ibang tao kahit sa mga magulang at kapatid pa namin, wala kundi samin lang dalawa. Kaya ngayon hindi ko alam kung anong tumatakbo sa utak niya dati kasi magpapaalam sa'kin iyon at sasabihin lahat ng nasa isip niya pero ngayon.

"Arrrghh," napasabunot na ko sa buhok ko at sumalampak sa higaan, sa totoo lang nauubos na ang pasensya ko at naiinis na, napaisip tuloy ako ng nakaraan naming dalawa.

Noon wala kaming kalarong ibang bata kahit kamag-anak naming bampira, lagi silang nagkakamali sa pangalan namin, kamag anak na namin sila pero hindi pa nila kami makilala, kahit nanay at tatay namin hindi alam kung sino ba si Daniel at si Danrious.

Nakakainis hindi ba? Hindi lang iyon lagi nila kaming pinupuri at binibigyang halaga kahit na sinasaktan at binubully na namin sila, kasi anak kami ni Danilo Lockhart ang pinaka makapangyarihan na bampira.

Naiinis kami sa kanila, mga plastik at pakitang tao lang ang ginagawa nila saming dalawa dahil takot sila kay papa, tapos nang mamatay si mama walang may balak na mag alaga samin kundi si kuya na masyadong bata pa noon.

Nakakapikon lang na hanggang ngayon nagkakamali pa rin silang tukuyin kung sino ako at ang kakambal ko, ang tanging palatandaan lang nila ay ang hawi ng buhok namin at wala nang iba.

"Hay, nakakatamad na talaga," nagbuntong hininga ako at sinilip na naman ang cellphone ko, na kita ko ang lock screen ko na picture naming dalawa.

Rious mabubuhay naman tayo ng tayo lang dalawa hindi ba? Dahil simula't sapul tayo na ang magkasama, bakit ngayon may nililihim ka na sa'kin? Kambal mo ko kakampi mo ko.

Iyan ang mga salitang gusto kong sabihin sa kaniya ngayon pero lagi siyang wala at  pag nandito naman siya wala naman siya sa sarili niya. nagkaganito rin siya ng mawala si mama lagi siyang busy at naglilihim sa'kin hanggang sa na pagod na lang siya magtago at umiyak sa'kin.

Sigurado ako ngayon ibang babae na naman ang dadalhin niya sa kwarto niya, ganiyan naman siya eh, papasok lang iyan sa kwarto niya pag may milagro siyang gagawin at sure ako panibagong babae na naman ang mapapatay niya ngayon.

Tumayo ako at nag unat-unat, nakakatamad na talaga ngayon lalo nang wala nang gana mabadtrip si Kaelynn samin ngayon, ewan ko ba magdadalawang buwan na siya dito at siya na ang pinakamatagal na maid namin na buhay.

Nung mga nakaraang linggo nagbago siya eh, imbis na matakot siya samin parang baliktad. Parang bumait siya samin ng kakambal ko kaya medyo tinatamad na ko. Siguro iistop ko na 'yung kindly act ko at ibalik sa malademonyo kong ugali baka sakaling matakot at mainis na naman siya samin.

Vampire's PetWhere stories live. Discover now